The End

2.8K 104 1K
                                    

Lumipas ang mga araw, linggo hanggang sa naging mga buwan. Naging payapa at matiwasay ang lahat at walang ng nanggulo sa pamilya Aldover. Wala na rin silang naging balita tungkol kay Mark Clemenso pero pinaghigpit at pinaghusay ang seguridad sa loob at maging sa labas ng bahay. Hindi pa rin sila kampante kahit na hindi na nagpaparamdam ang baliw na lalaki. Dahil malaya pa rin ito at ano mang oras ay pwede itong magpakita sa kanila at gumawa na naman ng kabaliwang naiisip nito.

Nakapagsimula na rin sa Isla Montellano ang ginoo at ginang na ngayon ay masaya na rin bilang isang pamilya. Dumalo pa sila sa naging kasal ng mga ito pero mula noon ay wala na ulit silang naging balita sa mga ito. Tiyak naman silang nasa mabuting kalagayan ang mga ito dahil nasa seguridad ito ng kaibigan nilang si Christian. At agad na makakarating sa kanila kung ginugulo na naman ito ng baliw na lalaki.

Bumalik na ang lahat sa dati at nakabalik na rin si Jayvee sa school. Ilang buwan na lang ang hihintayin niya at makakapagtapos na siya ng pag-aaral. Sa wakas ay magagawa na rin niyang pakasalan ang babaeng pinakamamahal niya. Pero ang mas nakakapag-pasabik sa kanya ay ang nalalapit na paglabas ng kanilang munting prinsesa. Kabuwanan na ngayon ni Caren. At lahat sila ay nasasabik na masilayan ang paglabas ng kanyang anak.

Maagang natapos ang kanyang huling klase at kasama niya ngayon ang kambal. Humirit ang mga ito na sumama siya sa paglabas ng mga ito bago daw siya matali kay Caren. Nagtatampo na daw ang mga ito sa kanya dahil hindi niya laging pinagbibigyan ang paanyaya ng mga itong lumabas sila. Kaya pinagbigyan na niya lang at agad na sinabing hindi siya pwedeng magtagal dahil sa due date na ngayon ng soon-to-be wife niya.

Kasalukuyan silang umiinom pero halos wala pa sa kalahati ang beer na iniinom niya. Samantalang nasa apat na bote na agad ang naiinom ng dalawa at katulad ng kadalasang ginagawa ng mga ito pag lumalabas ay may nakaupo na namang babae sa kandungan ng mga ito. They are kissing passionately at kulang na lang ay magtalik ang mga ito sa mismong harap niya. At alam niyang mangyayari din iyon mamaya.

Knowing his friends, wala ang mga itong pinipiling lugar. Basta nakasuot ng palda papatulan ng mga ito. They are always ready at hindi ang mga ito nawawalan ng protection sa bulsa ng pants ng mga ito. At siguradong siyang dahil sa pagiging fuckboy ng mga ito suking-suki na ang mga ito kung saan sila bumibili ng condom. Tss...

Inalis na lang niya ang atensyon sa kambal at muling sinulyapan ang cellphone na hawak niya. Kanina pa niya hinihintay ang text o tawag ni Caren pero wala siyang natanggap galing dito. Siguro ay tulog na naman ito katulad ng kadalasan nitong ginagawa lalo na at kabuwanan na nito ngayon. Kadalasan ay nasa kwarto lang ito at hinihintay ang pag-uwi niya.

"Alis na ako, mga bro. Nagtext na ang girlfriend ko at pinapauwi na niya ako," pagkuha niya sa atensyon ng kasama niya na ngayon ay wala ng mga suot na pang-itaas. Napailing na lang siya sa mga ito at agad na umalis doon nang tumango ang mga ito habang hindi tumitigil sa kapusukang ginagawa.

Pinili na lang niyang magyabang sa mga kaibigan kahit ang totoo ay wala siyang natanggap na mensahe galing kay Caren. Ginawa niya lang naman iyon dahil nagiging audience lang naman siya ng sexcapade ng mga ito. Pinapahirapan lang siya ng kambal lalo na at dalawang buwan na siyang bakante. And he'll make sure na kapag pwede na ulit, sosolohin niya muna si Caren. Hindi muna niya agad susundan ang prinsesa nila.

Mabilis lang siyang nakarating sa bahay ng magulang ni Caren. Doon na rin siya tumutuloy lalo pa at hindi pwedeng maiwang mag-isa ang kasintahan. At least doon ay nakakasama nito ang magulang o kapatid nito at may nakakasama ito sa bahay. Kumpara sa bahay ng magulang niya na walang ibang nagiging tao kun'di silang dalawa ni Caren. Mabuti sana kung nagagawa pa nila ang kadalasahan nilang ginagawa kapag nasosolo nila ang isa't-isa. Pero hindi na nila iyon nagagawa kaya tamang tiis muna siya. Babawi na lang siya kapag pwede na ulit. He smirked.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now