Prologue

4.9K 136 2.5K
                                    

Takot at hindi huminto sa pagluha ang labin'dalawang taong gulang na batang babae na si Caren habang hawak siya ng mga armadong lalaki matapos ng mga itong harangin at pahintuin ang sasakyan ng magulang. Pauwi na sana sila sa bahay ng may dalawang itim na sasakyan ang humarang sa kanila at pilit silang pinababa doon bago isinakay sa loob ng isang itim na van. Kasama niya ang magulang at natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanila lalo na at wala pang nakakaalam sa pagdukot sa kanila. Natatakot siya para sa kanilang kaligtasan at hindi niya akalain na sa murang edad ay mararanasan niya 'yon.

Halos ilang oras ang kanilang naging byahe at hindi tumigil sa pag-agos ang kanyang luha bago niya naramdaman ang paghinto ng sasakyan. May piring ang kanyang mga mata kaya hindi niya makita ang nasa paligid niya pati ang kanyang magulang. Pero naririnig niya ang bawat pagdaing ng kanyang daddy at ang mahinang pag-iyak ng kanyang mommy. Kaya sobra siyang natatakot dahil baka kung anong gawin ng mga armadong lalaki sa kanila at baka sinasaktan ng mga ito ang kanyang magulang.

"Mommy!? Daddy!?" natatakot na wika niya lalo na ng sapilitan siyang ilabas ng lalaking may hawak sa kanya.

"We're here, baby. Don't cry, please.. Don't worry, gagawa ng paraan si Daddy para makaalis at makawala tayo dito," she heard her dad's voice pero kasunod no'n ay ang pagdaing nito na tila sinaktan ang daddy niya at ang pagtawag ng mom niya sa pangalan nito. Lalo siyang natakot at naiyak dahil doon. They're hurting her dad at dinig niya ang bawat pagdaing nito.

"Nakuha na namin sila, Boss!" wika ng lalaking may hawak sa kanya at nakarinig siya ng malakas na halakhak. Nakakatakot at may hatid 'yong kilabot sa katawan niya na parang may hindi magandang gagawin ang nagmamay-ari ng tawang 'yon.

"Good! Ikulong sila sa kwarto at huwag kakalasin ang gapos nila. Siguraduhin niyo ring hindi sila makakawala dahil kayo ang malalagot sa'kin!" wika ng tinatawag ng mga itong Boss bago sila muling hinila papasok ng isang kwarto. Inalis ng mga ito ang blindfold niya at lumakas ang pag-iyak niya ng makita ang magulang na katulad niya ay nakagapos sa upuan sa tabi ng isang malapad na kama.

"Mom! Dad! Natatakot po ako," she whispered sa nanginginig na boses lalo na at nakita niyang may ilang patak ng dugo ang damit ng dad niya at may sugat din ito sa may kilay at labi nito. Gusot ang kasuotan nito ganon din ang sa kanyang Mom.

"Sshh.. Stop crying, baby. Makakaligtas din tayo dito, anak. Hindi ka pababayaan ni Daddy. Kayong dalawa ng Mommy mo," wika ng dad niya at naaawang tumingin sa kanya. Panay din ang pag-iyak ng mom niya pero wala siyang narinig na salita galing dito. She's just silently crying at bakas din ang takot sa mukha ng mom niya.

"Carlo.. Sinong gumawa nito sa'tin? Ayaw kong madamay ang anak natin at natatakot ako sa maaaring gawin ng mga lalaking iyon," takot na anas ng mom niya. Carlo is her dad.

"Hindi ko din alam, honey. Don't worry, I'm sure hinahanap na tayo ng mga pulis ngayon. Makakaalis din tayo dito," positibong wika ng dad niya at parehas pa silang sinulyapan. Gustong-gusto n'yang yakapin ang mga ito para mabawasan ang takot niya pero hindi niya magawa dahil katulad ng mga ito ay nakatali din siya.

Ilang minuto ang lumipas at lahat sila ay napatingin sa pintuan ng bumukas 'yon. Isang nakangising lalaki ang pumasok doon at kita niya ang gulat ng ekspresyon ng mom niya at ang pagtiim ng bagang ng kanyang dad na parang galit na galit ito sa dumating na lalaki.

"Surprise?" nakangising anas nito at sinundan pa ng malakas na pagtawa.

"Fuck you, Clemenso! Buhay ka pa palang hayop ka!" galit na anas ng dad niya at pinilit nitong makawala sa pagkakatali sa upuan. Tinawanan lang ito ng lalaking tinawag ng dad niyang Clemenso bago tuluyang lumapit sa pwesto nila.

The Unforgettable MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon