Chapter 39

1.9K 77 774
                                    

"Wala ka na bang ibang lugar na gustong puntahan? Aalis na tayo bukas," wika ni Jayvee na nakakuha ng atensyon ni Caren buhat sa panonood ng tv. Kasalukuyan silang nasa living room at inuubos ang kanilang oras dahil wala silang planong puntahan ng araw na 'yon.

Mabilis na lumipas ang mga araw at tulad ng sinabi nito ay bukas na ang alis nila sa isla. Walang araw na hindi nila sinulit habang nandoon sila pero kahit ganoon ay tila kulang pa rin dahil madami pa siyang lugar na gustong puntahan. Pero wala na silang natitira pang oras dahil mabilis na naubos ang dalawang buwang bakasyon nila doon. Gusto niyang manatili pa sila sa isla pero hindi na pwede dahil one week na lang ay magsisimula na ulit ang klase ni Jayvee.

"Madami pa akong gustong puntahan dito sa isla pero wala na tayong oras. Bakit kasi ang bilis lumipas ng mga araw?" nakangusong anas niya na mahina nitong tinawanan. Naramdaman niya ang paghalik ng kasintahan sa ulo niya bago hinaplos ang kanyang limang buwan ng tiyan. Tuwang-tuwa lagi itong haplusin iyon lalo na kapag matutulog na sila at pagkagising sa umaga.

"Don't worry, baby. Marami tayong magiging oras sa susunod na pagpunta natin dito. After kong maka-graduate, dito ko gustong magsimula tayong bumuo ng sarili nating pamilya. What do you think?" wika ni Jayvee kaya humarap siya sa gawi nito. Umayos siya sa pagkakaupo sa kandungan ng kasintahan dahil kasalukuyan siyang nakaupo sa mga hita nito.

"Talaga? Gusto ko rin dito.. Wala din naman akong kakilala sa lungsod atleast dito may mga kaibigan na ako. Sasabihan ko din sila Mom and Dad na dito na lang din sila mag-stay. I'm sure magugustuhan din nila dito sa isla," malawak ang ngiting anas niya at sunod-sunod na pinatakan ng halik ang mukha nito dahil sobra niyang nagustuhan ang sinabi ng kasintahan. Isa iyon sana sa gusto niyang hilingin kay Jayvee at nagkataon na pareho pala ang gusto nilang mangyari. And she's very happy to know that..

"Good to know that, baby.. May ilang oras pa tayong natitira bago dumilim. Gusto mo bang puntahan natin ang favorite place ko dito sa isla? Doon ako madalas tumambay dati," malawak ang ngiting anas nito at sunod-sunod siyang tumango bilang sagot. Narinig niya ang mahina nitong pagtawa bago siya inalalayang tumayo. "Come on.. Sulitin na natin ang natitira nating oras dito sa isla. I'm sure magugustuhan mo do'n," saad nito bago pinatakan ng magaang halik ang labi niya. Marahan pa nitong pinisil ang pisngi niya na tila nanggigigil ito doon. Aminado kasi siyang medyo tumaba siya buhat ng siya ay magdalang-tao.

"Nadala mo na ba doon si Laila dati?" hindi napigilang anas niya na ikinataas ng sulok ng labi nito. Hindi naman sa nagseselos niya, hindi niya lang talaga napigilan ang sariling itanong 'yon. 

And speaking of Laila, masaya siya dahil kahit papaano ay naging maayos na ang kalagayan nito. Buhat ng dumating ang panibagong blessing sa buhay nito ay nagkaroon ito ng lakas para magpatuloy. Bumalik ang sigla ng dalaga at madalas na nilang makita ang ngiti at marinig ang pagtawa nito. Pero kahit ganoon ay alam nilang nasasaktan at malungkot pa rin ito sa ginawang pag-alis ni Darwin. But the good thing is may panibagong blessing na dumating sa buhay nito kung kaya't may pinaghuhugutan ito ng lakas para magpatuloy.

"Why? Nagseselos ba ang aking baby Kulot?" nakangising anas nito na ikinanguso niya. Mahina pa itong tumawa na lalong kanyang ikinasimangot.

"Hindi ako nagseselos. Gusto ko lang malaman," anas niya at inirapan ito. Hindi naman talaga siya nagseselos. Wala rin naman siyang dapat na ikaselos at isa pa ay kaibigan na niya si Laila.

"Okay, sabi mo eh," tila hindi kumbinsidong anas nito na sinamahan pa ng nakakalokong tawa. "Honestly, yes.. Naisama ko na si Laila doon dati. Pero noong mga bata pa kami dahil kadalasan ay doon kami nakatambay. Pero the last time pag pumupunta ako doon ay hindi ko na siya kasama. Kaya wala kang dapat ikaselos, baby," nakangiting anas nito at bakas pa rin ang kapilyohan sa mukha ni Jayvee.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now