Chapter 17

2.9K 108 1K
                                    

Naunang bumaba si Caren para magluto ng breakfast nila ni Jayvee. Iniwan niya ang binata na hindi tumigil sa panlalandi at pangungulit sa kanya pero ng makahanap siya ng magandang pagkakataon ay nakatakas siya sa kamay ng malanding si Jayvee at wala itong nagawa para habulin siya dahil wala itong saplot sa katawan. Naiwan ito sa loob ng kwarto na isinisigaw ang pangalan niya pero kasunod non ay ang malakas nitong pagtawa. Napakapilyo talaga at napakakulit..

Sinimulan niya agad magluto ng makarating siya sa kitchen. Simpleng breakfast lang ang lulutuin niya at sinimulan niya sa pagpi-prito ng hotdog, itlog, ham, bacon at ang huli ay ang fried rice. Hindi naman maselan sa pagkain ang binata at kahit ano yatang pagkain ang ihain niya sa harap nito ay kakainin iyon ni Jayvee. Basta nakakabusog at laman-tiyan ay papatulan nito. Yeah, kaya nga pati ikaw kinain ng binata!  wika ng pilyang isipan niya na agad niyang itinaboy. Nahahawa na yata siya kay Jayvee. Oh God!

Malapit na siyang matapos sa fried rice na hinahalo niya ng maramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso ni Jayvee sa kanyang bewang. Bahagya pa siyang napasinghap dahil sa nagulat siya sa biglang pagsulpot ng binata at sa ginawa nitong pagyakap sa katawan niya. Niyakap siya nito ng mahigpit na halos maramdaman niya ang matigas nitong katawan na nakidikit sa likod niya. Lalo na ang bulging part sa lower part nito na kahit yata kalmado lang ay kapansin-pansin pa rin ang taglay nitong kakisigan.

"Ang sexy at ganda naman ng cook ko ngayong araw. Masarap ba ang niluluto mo o mas masarap ka?" pilyong wika ni Jayvee na inikutan niya lang ng mata. Hindi pa pala ito tapos sa kalandian nitong taglay? May part two pa?

Naramdaman niya ang pagpatong ng baba nito sa balikat niya at nagtayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan ng amuyin/langhapin nito ang leeg niya.. her natural scent. Kasabay ng bahagyang pagkagat nito sa kanyang balikat na tila nanggigigil ang binata doon.

"At sobrang bango pa," pilyong dagdag niyo na sinundan pa ng malandi nitong hagikhik. Hindi naman niya maiwasan ang maapektuhan sa ginagawa nito at ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha dahil sa kapilyohan ni Jayvee. Para itong bata sa sobrang kakulitan.

"Titigil ka ba sa kapilyohan mo o iiwanan kita dito at hindi kita hahayaang makapunta sa bahay?" pananakot niya dito at ramdam niyang tila nanigas ang katawan ng binata sa likod niya. Natigilan ito at ramdam niya ang paghigpit ng yakap ni Jayvee sa bewang niya.

"Sabi ko nga titigil na ako. Pero pwede bang ganito lang tayo habang nangluluto ka? Sarap mo kasing yakapin eh," tila maamong tupa na wika nito na kaagad niyang ikinangiti. Takot pala ang binata na hindi makapunta sa bahay ng kanyang magulang? O baka naman takot itong iwanan niya?

"Okay lang. But make sure na titigil ka na sa kapilyohan mo. Kanina ka pa, Jayvee. Ang landi mo," ismid niya dito na mahina nitong tinawanan.

Pinanood siya lang nitong magluto at nanatili itong nakayakap sa kanya habang nakapatong ang baba nito sa kanyang balikat. Matutuwa na sana siya dahil sa nakinig at sinunod siya ni Jayvee pero hindi nagtagal ay ang kamay naman ng binata ang naramdaman niyang nagsimulang humaplos sa kanyang katawan. Oh my! Ano ba talagang nakain ni Jayvee at biglang naging ganito sa kanya ang binata?

"Jayvee.. Ang kamay mo!" sita niya dito pero hindi ito tumigil sa paghaplos sa bewang niya pataas at pababa sa labas ng shirt niyang suot.

"What about my hands, Kulot? Gusto mo bang muling maramdaman ang magic na kayang gawin ng mga kamay ko?" he whispered at nagsimula na ring humalik ang labi nito sa leeg pataas sa tenga niya. He even sucked her earlobe at hindi niya mapigilan ang mapaungol ng dahil doon. Nagsisimula na rin siyang mag-init dahil sa ginagawa ng binata.

The Unforgettable MistakeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ