Chapter 28

2.2K 93 987
                                    


Nang magising si Caren kinabukasan, mabigat ang kanyang pakiramdam at tila wala siyang ganang bumangon sa kama. Ang akala niya ay mababawasan at mawawala ang mabigat sa dibdib at masakit na nararamdaman niya kahapon kapag naiiyak na niya iyon pero mali pala siya. Dahil nandoon pa rin iyon sa dibdib niya. At kahit nakatulog na siya ay iyon pa rin ang sumalubong sa kanya pagdating ng umaga. Masakit pa rin. Mabigat pa rin sa dibdib.

Matapos magkulong niya sa kwarto kahapon ay hindi na siya lumabas doon. Hinatiran lang siya ng kanyang Mom ng dinner sa kwarto and her Mom also told her na nasa labas pa rin ng kwarto si Jayvee, naghihintay na pagbuksan niya para mag-usap sila pero hindi niya pinansin ang kaalamang nandoon pa rin ito sa labas ng kwarto. She's not yet ready to face him dahil hindi pa niya kaya. Sariwa at masakit pa ang sugat na dinulot nito sa kanya. Hihintayin niya muna iyong maghilom bago niya harapin para kausapin ang binata.

Nanatili siyang nakahiga sa ibabaw ng kama habang nakatitig sa kisame ng kwarto. Tila doon niya makikita ang maaaring kasagutan sa mga katanungan at kaguluhan sa isipan niya sa kung anong magiging desisyon niya para sa kanila ni Jayvee. Kung ano-ano ang pumapasok na ideya sa isipan niya, negatibo man o positibo iyon pero sa huli ay hindi niya kayang pangatawanan. Dahil kahit gaano pa kasakit ang nararamdaman niya ngayon nandoon pa rin ang pagmamahal niya sa binata. She's still inlove with Jayvee.

Dahil nasaktan lang naman siya at hindi nagkaroon ng amnesia para ganoon kabilis malimot ang nararamdaman niya kay Jayvee. Katulad nga ng sinabi niya noon, sobrang lalim ng nararamdaman niya para dito. Na kahit na pilitin man niyang umahon ay hindi niya makakaya at mananatili siyang malalim na nakabaon sa nararamdaman niya kay Jayvee. Wala ng kawala pa at mananatili na siya doon habang siya ay nabubuhay.

At isa pa, wala naman siyang balak na kumawala pa dahil kahit ano pang mangyari ay mananatili siyang nakabaon at nakakulong sa puso ng binata. That's love. You have to endure the pain na dulot nito. You have to sacrifice and face the consequences na hatid nito dahil hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Masakit ang magmahal kaya dapat matuto kang maging matatag at lumaban.

Lalo na at narinig niya ang pag-uusap ng magulang niya at ni Jayvee sa labas ng kanyang kwarto. She heard his explanations at naging maliwanag na sa kanya ang lahat. Pero kahit na naliwanagan na siya ay nandoon pa rin ang sakit. Nasasaktan pa rin siya. Dahil kahit na anong paliwanag pa ang gawin nito, hindi maikakaila na nagkasala, nagkamali at nagtaksil ito. At lahat ng iyon ay dahil sa kanya. Kaya ngayon, hindi niya maiwasang sisihin ang sarili dahil siya rin ang naging dahilan kung bakit may nasirang relasyon. Damay din siya.

She heaved a deep sighed dahil sa naguguluhan siya. Nagtatalo ang puso't isipan niya kung tatanggapin niya ba agad ang paliwanag ni Jayvee o bibigyan ito ng leksyon. Totoo namang nasaktan siya at walang pagpapanggap doon kaya hindi naman siguro masama na pakitaan niya ito ng malamig na pakikitungo. Isasantabi niya muna ang nararamdamang pagmamahal niya para sa binata. Bibigyan niya muna ito ng leksyon sa lahat ng pagkakamaling ginawa nito.

Mahal niya si Jayvee pero kung iyon ang laging paiiralin niya baka masanay ito na konting suyo at lambing lang nito sa kanya ay bibigay na siya agad. Dahil sa isang relasyon hindi dapat pagmamahal lagi ang pinaiiral. Dapat marunong ka rin maging matatag at dapat kaya mo ring magtiis pero in a good way naman dapat. Yon bang sa paraang alam mong hindi ikasisira ng pagsasama o magiging dahilan ng paghihiwalay. Dapat pareho kayong matuto sa isa't-isa dahil kayo rin ang magsasama hanggang sa inyong pagtanda.

Pipigilan niya muna ang maging malambot at marupok para sa binata. Titiisin niya muna ang nararamdaman niya dito para ipakita ditong nasasaktan siya. Na hindi biro ang ginawa nitong gusot. At kailangan muna nitong maituwid iyon bago makuha ang kapatawarang hinihingi nito sa kanya. At sana ay mapanindigan niya ang desisyon niyang ito. Sana ay hindi siya agad matalo ng tukso at hindi agad mangibabaw ang karupukan niyang taglay pagdating kay Jayvee. Dahil hindi niya itatanggi na mahina ang depensa niya pagdating sa pang-aakit ng binata. Konting haplos lang nito, bibigay na agad siya.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now