Chapter 9

2.9K 109 1.5K
                                    

"Bumalik kayo agad bago dumilim. And CJ, know your limitation. Ikaw na ang bahala sa prinsesa namin," istriktong wika ng Dad ni Caren.

Natatawa na lang si Caren sa kanyang Dad dahil halos kanina pa itong nagsasalita mula ng makababa sila para mag-breakfast. At ngayon ngang magsisimula na silang kumain ay hindi pa rin ito tapos sa mga dapat at hindi dapat gawin ni Jayvee. May nalalaman pa ang mga itong limitations na hindi na lang niya binigyang pansin dahil kay Jayvee naka-sentro ang atensyon niya.. sa ginagawa nitong pagsisilbi sa kanya.

"Yes po, Ninong. Ako na po ang bahala kay Kulot," sagot ni Jayvee sa Dad niya habang abala ito sa pag-aasikaso sa kanya.

Halos hindi na siya gumagalaw buhat ng makaupo siya sa harap ng hapag kainan dahil si Jayvee ang naglagay ng pagkain sa plato niya. Namumula ang mukha niya dahil sa ginagawa nito pero parang wala lang iyon sa kanyang magulang dahil nakangiti pa ang Mom niya habang pinapanood ang ginagawa ng binata. Seryoso lang ang Dad niya pero alam niyang kahit ito ay masaya dahil may isang Jayvee ang nag-aalaga sa kanya. Siguro ganito lang talaga ka-thoughtful at kaasikaso si Jayvee bilang isang kaibigan. He's acting like a responsible and thoughtful boyfriend sa ginagawa nitong pagsisilbi sa kanya. At kulang na lang ay subuan siya nito.

"Salamat," nahihiyang anas niya matapos nitong mailagay lahat ng pagkaing gusto niya. Malawak siyang nginitian ng binata at bahagya pang ginulo ang buhok niya. He's treating him like a child again but she likes it.

"Welcome," maiksing anas nito bago nilagyan ng pagkain ang sariling plato. Sinimulan na niyang kumain pero maya't-maya ay sinusulyapan niya si Jayvee na katabi niya at agad siyang nag-iiwas ng tingin pag nagsasalubong ang kanilang mga mata. At naririnig niya ang mahina nitong pagtawa pag nahuhuli siya nito kung kaya't nag-iinit ang kanyang mukha.

"Magpapahatid pa ba kayo sa pupuntahan niyo?" maya-maya ay tanong ng Dad niya na agad namang sinagot ni Jayvee.

"Hindi na po, Ninong. May sasakyan naman po ako at 'yon na lang po ang gagamitin namin," magalang na sagot ni Jayvee at tumango lang ang Dad niya bago bumalik ang atensyon sa pagkain. Pagkatapos non ay katahimikan na ang namayani habang nagbe-breakfast sila hanggang sa sila ay matapos. Nagpaalam lang siya sa magulang bago sila umalis patungo sa beach house na pagmamay-ari ng magulang ni Jayvee.


"Malayo pa ba?" hindi makatiis na tanong niya habang nasa byahe sila ng binata. Halos dalawampung minuto na silang nagba-byahe at habang tumatagal ay lalo siyang nai-excite sa pupuntahan nila. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses na niya 'yong naitanong iyon kay Jayvee na tinatawanan lang nito.

"Medyo malapit na tayo kaya relax ka lang. Mahaba pa ang oras natin sa maghapon kaya masusulit natin ang pag-stay natin don," natatawang anas ni Jayvee at sinulyapan siya bago muling ibinalik ang atensyon sa daan.
Lumipas pa ang sampung minuto pero nasa byahe pa rin sila kaya nakasimangot niyang sinulyapan ang binata at inunahan na siya nito. Tinawanan siya ni Jayvee dahil alam na nitong magtatanong na naman siya.

"Ang sabi mo malapit na tayo. Pero bak—"

"Haha! Hindi halatang masyado kang excited. Nandito na po tayo kaya ngiti na ulit kulot ko," he chuckled at napatingin siya sa labas ng tumigil ang kanilang sasakyan.

Isang medyo may kalakihang bahay ang nakita niya at may dalawa iyong palapag. Napaka-native tingnan ng bahay dahil halos lahat ay gawa iyon sa kahoy pero mga bubog (glass) naman ang mga binta at pinto doon. Gawa sa native materials pero sobrang gandang tingnan at halatang maayos na naaalagaan.

"Wow!" namamanghang anas niya at tila wala sa sariling lumabas siya ng sasakyan. Narinig pa niya ang mahinang pagtawa ni Jayvee pero hindi naalis ang tingin niya sa bahay.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now