Chapter 10

3K 113 1.4K
                                    

Puno ng pagka-aliw at pilyong nakangiti si CJ habang nakatingin siya kay Caren. Pinipigilan niya ang sariling huwag tumawa sa reaksyon ng dalaga habang nakatingin sa ibabang parte ng katawan niya. He's still wearing his boxer brief at hapit iyon sa kanya kung kaya't sobrang nababakas doon ang kanyang kahandaan.

He's already hard at alam niyang sobrang halata iyon sa suot niya. Bakas doon ang angkin niyang sukat na isa sa kanyang maipag-mamalaki dahil hindi lang siya sa pisikal na anyo pinagpala, higit na mas pinagpala siya sa nasa pagitan ng kanyang mga hita. Kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganon ang reaksyon ni Caren kahit na minsan na naman nitong nakita iyon noong araw na nahuli niya itong nanonood sa kanya habang wala siyang kahit na anong saplot sa katawan na nagpapalakad-lakas sa loob ng kwarto niya.

"Enjoying the view, baby?" pilyong anas niya habang may namumuong pilyong ngiti sa labi. Sobrang namumula ang mukhang nag-iwas ng tingin si Caren sa ibabang parte ng katawan niya at mahina siyang natawa dahil doon.

"B-bakit ba ganyan lang ang suot mo?" nauutal na anas nito and he laughed. Pabalik-balik lang ang tanong nila sa isa't-isa at hindi niya itatanggi na nag-eenjoy siya sa nangyayari sa kanila ngayon. Nag-eenjoy siya sa reaksyon nito dahil hindi doon maitatago na naaapektuhan niya si Caren. Naapektuhan ito sa hubad niyang katawan..

"What? Wala namang mali sa suot ko? Tayo lang naman dalawa ang tao dito at isa pa nasa dagat tayo para maligo. I'm still wearing my boxer brief at gusto kong ganito ako maligo," nakangising wika niya at dahan-dahan humakbang palapit dito.

"W-what are you doing?" nauutal na anas ni Caren na bahagyang umaatras habang umaabante siya palapit dito. Hindi nawawala ang mapaglarong ngiti sa labi niya habang nag-iisip siya kung ano ang magandang parusang ibibigay dito.

"I told you to stop playing with me pero hindi ka nakinig. You even teased me kaya dapat lang na parusahan kita, baby. What do you want, Caren? A wet punishment or dry punishment? Choose wisely, baby," puno ng kapilyohang anas niya at namimilog ang mata itong tumingin sa kanya habang bukas-sara ang bibig pero walang salitang lumabas doon.

Patuloy siya sa paglapit dito at patuloy din ang pag-atras ng dalaga. Pansin niya ang sunod-sunod na paglunok nito at pinigilan niyang tumawa ng magtaas-baba ang mata nito sa katawan niya at bahagyang natagalan iyon sa bulging boxer brief niya.

"What kind of punishment is that? Meron ba non? O baka naman gawa-gawa mo lang?" nagmamatapang na anas nito pero patuloy pa rin sa pag-iwas sa kanya. Pilit nitong iniiwas ang mata sa katawan niya pero tila hindi iyon mapigilan ni Caren dahil kusang bumabalik yon sa katawan niya

"Choose first para malaman mo kung anong punishment ang sinasabi ko. At syempre gawa-gawa ko lang 'yon para unique," he said na sinundan niya ng pilyong pagtawa.

"Ayaw ko nga! Puro ka naman kapilyohan," ismid nito sa kanya.

"Okay. Dahil hindi ka pumili, pareho ko na lang gagawin sa'yo. Alin ang gusto mong unahin natin? Dry or wet?" nakangising anas niya at hinawakan ang bewang nito pero mabilis na nakawala ang dalaga at agad na tumakbo palayo sa kanya habang tumatawa.

"At iyon ay kung mahuhuli mo ako, Jayvee. Come and get me, Jayvee! Pag nahuli mo ako tatanggapin ko lahat ng parusa mo," sigaw nito habang mabilis na timatakbo palayo sa kanya. Bahagya pa siyang natawa sa sinabi nito at malawak na napangiti dahil sa masarap sa tengang halakhak at pagtawa ni Caren.

"Run, baby! Run! I'm going to punish you pag nahuli kita!" natatawang sigaw niya dito bago niya sinimulang habulin ang medyo malayo ng dalaga. She's giggling like a kid at tuwang-tuwa itong tumakbo sa pino at puting buhangin.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now