Chapter 4

2.9K 127 1.2K
                                    

"Y-your a what?" gulat at hindi agad makapaniwalang anas ni CJ sa narinig sa dalaga. Baka nagkakamali lang siya ng dinig sa sinabi ni Caren kaya gusto niya muling marinig mula sa bibig ng dalaga ang huling sinabi nito.

"I'm a nympho," pag-uulit ni Caren at doon niya nakumpirma na hindi siya nagkakamali ng dinig kanina. Gulat at bumukas ang bibig niya sa nalaman pero agad din siyang nakabawi ng marinig niya ang pinipigilang paghikbi ng dalaga. At parang may mabigat na dumagan sa dibdib niya habang pinagmamasdan ang umiiyak na si Caren.

"Ssshh.. Stop crying, baby. Your secret is safe with me at pangako sa tabi mo lang ako kahit anong mangyari. You can trust me pagdating sa bagay na 'yon at hindi ko sasamantalahin ang sitwasyon mo. Pwede mong sabihin sa'kin lahat ng problema mo at hangga't makakaya ko tutulungan kita ng walang ano mang kapalit na hihilingin," puno ng sinsiridad na anas niya sa dalaga as he hushed her. Unti-unting kumalma ito buhat sa pag-iyak at bahagyang ngumiti sa kanya. Kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil sa wakas ay nasilayan niya muli ang magandang ngiti ng dalaga.

"Salamat, Jayvee.. At panghahawakan ko ang mga pangako mong yan," anas ni Caren at sumilay ang ngiti niya sa sinabi ng dalaga. Sobrang saya niya dahil nakuha niya ang tiwala nito at gagawin niya ang lahat para hindi masira iyon.

Pero ang gumugulo naman ngayon sa isipan niya ay kung bakit nagkaganon ang dalaga. Kung bakit ito naging isang nympho? Nagkaroon ba ito ng masamang karanasan noon? Ang alam niya kasing dahilan kung nagkakaganon ang isang tao ay dahil sa nagkaroon ito ng dark past about sex or minsan base din sa mental and emotional condition. It's a complicated condition na minsan ay naagapan pa ng mga psychiatrist pero ang kadalasan ay hindi na. Isang karamdamang kakaiba at hindi biro ang magkaroon ng sakit na iyon.

At hindi niya mapigilan ang humanga sa dalaga dahil nakakaya nitong labanan iyon. Kaya pala pansin niyang hindi ito lumalabas ng bahay at ngayon alam na rin niya ang dahilan kung bakit hindi siya nito hayaang pumunta ng bahay o makalapit dito. Dahil isa siyang lalaki at baka pag sinumpong ito ng sakit nito ay hindi niya mapigilan ang sariling angkinin ang dalaga dahil parang nag-iiba ang katauhan ni Caren at napapalitan iyon ng babaeng sabik at uhaw sa sex. At hindi niya rin mapigilan ang sariling makaramdam ng awa sa kalagayan ng dalaga. Dahil parang hindi nito nararanasan ang normal na buhay dahil sa kakaibang sakit nito. Isa iyong malaking hadlang sa kasiyahan ng dalaga at gagawin niya ang lahat para kahit papaano ay matulungan niya ito.

"But how did you get that kind of sickness, Caren? Since when and why?" tanong niya dito sa gitna ng namutawing katahimikan sa pagitan nila ng dalaga. Kaagad itong nag-iwas ng tingin at alam niyang hindi pa ito handang sabihin iyon sa kanya. At naiintindihan niya iyon dahil alam niyang napakahirap balikan ng isang alaala lalo na kung napakasama at napakasakit non. Pero syempre mas masakit pa ring balikan kahit sa alaala lang ang taong dahilan ng sakit na iyon. At baka pag nalaman niya kung sino ang taong iyon na gumawa non sa dalaga, baka pagbayarin niya iyon sa mismong mga kamay niya.

"Sorry pero ayaw ko munang balikan ang masamang nangyari sa akin noon. Halos gabi-gabi akong binabangungot ng masamang alaalang iyon at—"

"It's okay, baby.. Naiintindihan ko at hindi kita pipilitin tungkol sa bagay na 'yon. But always remember na nandito lang ako para makinig sa'yo, para damayan ka at para tulungan ka. Makakaasa ka na kahit anong oras ay pwede mo akong lapitan. I'm just one call away my Kulot," pagputol niya sa sasabihin nito dahil ramdam niyang tila nahihirapan itong sabihin iyon sa kanya. At naiintindihan niya iyon.

Nasagot ang mga katanungan sa isipan niya pero hindi niya alam kung bakit parang gusto pa din niyang mapalapit sa dalaga. He has this feeling inside na gusto niyang alisin lahat ng takot at sakit sa mata nito. Gusto niyang ikulong si Caren sa mga bisig niya para maramdaman nitong kasama at karamay siya nito kahit sa anong bagay. Na mayroon itong isang kaibigan na Carl Jayvee ang pangalan na handa itong damayan at tulungan.
Gusto niyang alisin lahat ng masasamang alaala nito at palitan iyon ng mga masasaya at bagong alaala kasama siya.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now