Chapter 30

2.2K 91 704
                                    

Ilang araw ng matamlay at parang walang gana si CJ sa lahat ng bagay. Tila pinagsakluban siya ng langit at lupa sa mga araw na nagdaan na hindi niya nakakasama si Caren. It's been three days buhat ng huli siyang nakalapit sa dalaga at 'yon ay noong nagtalo pa sila ni Justin. Masyado siyang naging abala sa school kaya nakuntento muna siya sa pasulyap-sulyap lang sa dalaga. Kahit na halos sumabog na ang puso niya sa inggit at selos kapag nakikita niya itong kasama si Justin.

Parang sinasaksak ang dibdib niya at sobrang bigat sa pakiramdam habang nakikita at naririnig niya ang taong mahal niya na masayang tumatawa sa piling ng iba. Kulang na lang ay bawian siya ng buhay dahil sa sobrang sakit non sa pakiramdam. Pero wala sa isip niya ang sumuko. Masyado lang siyang abala sa school activities at mas inuuna niya iyon dahil para din naman 'yon sa future nila ni Caren. Hindi naman siguro ganoon kababaw ang nararamdamang pagmamahal ni Caren sa kanya kung sa loob lang ng maikling panahon ay magagawa siya nitong ipagpalit sa Justin na 'yon.

Alam niyang mahal pa rin siya ni Caren at natakpan lang iyon ng galit na nararamdaman nito sa kanya ngayon. Nagkamali siya kaya pinagbabayaran niya iyon. Mahal niya ang dalaga kaya tatanggapin at titiisin niya lahat ng gagawin nito sa kanya. Ang importante ay malapit lang sa kanya si Caren at nasisilayan niya ito kahit na masaya ito sa tabi ng Justin Aragon na 'yon. Hihintayin na lang niyang maging handa ito para makinig sa kanya. Hihintayin niyang maghilom ang sugat na idinulot niya dito.

At sa tuwing nakikita niya ang nakakalokong ngiti sa labi ni Justin ay parang gusto na niyang lapitan ito para bugbugin. Para bang sinasadya siya nitong galitin at tila natutuwa ito kapag nakikita siyang napipikon at nasasaktan habang kasama nito si Caren. Parang sinusubukan nito ang kanyang pasensya lalo na at halos araw-araw ay nakikita niya itong bumibisita kay Caren. Pero malaki naman ang tiwala niya sa dalaga kaya ayos lang iyon sa kanya.

Magtitiis muna siya at pipigilan ang sariling huwag sugurin ang mga ito. Kahit na halos araw-araw siyang parang pinapatay sa sobrang selos na kanyang nararamdaman kapag nakikita niyang masaya ang dalawa. At kung hindi lang krimen o malaking kasalanan ang pumatay baka pinaglalamayan na ngayon ang lalaking 'yon. Pero hindi din naman siya ganoon kasama para gawin iyon sa binata. Ayos na sa kanya ang matikman nito ang kamao niya. Kahit isang sapak lang, ayos na siya. He smirked at that thought.

Ilang araw nang ring mabigat at masama ang kanyang pakiramdam. Mataas din ang temperatura ng kanyang katawan kung kaya't nadagdagan ang tamlay na kanyang nararamdaman. Halos tatlong araw na siyang kulang sa tulog, kulang sa pahinga at kulang sa kain. Dahil katulad nga ng sinabi niya ay tila wala siyang gana sa lahat ng bagay. Pakiramdam niya ay dadapuan pa yata siya ng sakit kung kailan hindi na siya magiging abala sa mga susunod na araw. Kung kailan sisimulan na niya ulit suyuin ang babaeng mahal niya.

At ngayon nga, kasalukuyan siyang nasa kanyang huling klase na nababagot habang hinihintay na matapos iyon. Pinilit niya lang pumasok ngayong araw dahil sa maraming projects ngayon na kailangang ipasa. Tila napakabagal umikot ng oras at habang tumatagal ay lalong bumibigat ang kanyang pakiramdam. Gustong-gusto na niyang ipikit ang kanyang mata para magpahinga. Pero pinilit niya iyong labanan dahil madami pa siyang plano ngayong araw.

Isa na doon ay ang puntahan si Caren sa bahay ng mga ito pagkatapos ng klase niya. Hindi na niya kaya pang makitang nakangiti at marinig na tumatawa ito habang may ibang kasama. Hindi na niya kaya pang tiisin ang selos at inggit na nararamdaman niya. Dahil una sa lahat, siya dapat ang nandoon. Siya dapat ang nasa tabi ng babaeng mahal niya. Walang ng iba pa dahil siya lang ang nararapat. Dahil kanya lang si Caren. Kanya lang!

Kung kinakailangan ipilit at ipagsiksikan niya muli dito ang sarili ay gagawin niya. Kahit na itaboy siya nito palayo ay mananatili lang siya sa tabi nito. Hanggang sa magsawa at mapagod si Caren sa katataboy sa kanya. Hanggang sa piliin nitong sumuko na lang sa pagmamatigas sa kanya at bigyan siya ng isa pang pagkakataon para patunayan niya dito ang sarili. At ipinapangako niya na hindi niya iyon sasayangin pa. Dahil natuto na siya sa pagkakamaling ngayon ay pinaparusahan siya.

The Unforgettable MistakeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt