Chapter 12

2.8K 104 1.1K
                                    

Nagpatuloy ang ganoong relasyon ni CJ at Caren. Si CJ ang naging pansamantalang lunas ni Caren 'pag sinusumpong ang dalaga ng sakit nito at kahit papaano ay nakatulong iyon sa kalagayan ng kaibigan. Nanatili si CJ sa tabi ni Caren at lalong tumibay ang kanilang samahan bilang matalik na magkaibigan. Isang magkaibigan na may nakatagong lihim na pamilya lang ni Caren ang may alam pati na rin si CJ.

Pero hindi iyon hadlang sa binata para ipagpatuloy ang nasimulan nila ng dalaga. Ang mahalaga ay matulungan niya ito kahit na paulit-ulit siyang nagkakasala sa kanyang nobya. Dahil kung titimbangin niya ang halaga ng dalawang babae sa buhay niya, wala siyang pipiliin dahil sa ngayon pareho lang silang mahalaga sa buhay ng binata. Pantay at walang nakaka-lamang.

Alam ni CJ na unfair iyon sa dalawang babae lalo na sa nobya niyang si Laila.  Na handa siyang paulit-ulit na magkasala dito para lang matulungan ang kaibigan niyang si Caren. Samantalang sa parte naman ni Caren, wala itong alam na may nobya na si CJ kaya hinahayaan niyang magpatuloy ang mayroon sila ng binata. They kissed and they touched. Pero kahit kailan ay hindi na sila lumagpas sa limitasyong iyon. Limitations na laging pinapa-alala ng magulang ng dalaga sa kanilang dalawa.

Hanggang sa mabilis na lumipas pa ang isang taon at parang naging normal na lang kay Caren ang sakit niya. Hindi na niya ito masyadong iniisip katulad noon at parang monthly period na lang niya kung ituring iyon. Minsan dumadating sa kanya at minsan ay wala. Parang bumalik sa normal ang buhay niya at sa tulong iyon ng binata.. ni Jayvee. Ang naging anghel niya na ipinadala ng nasa itaas para tulungan at iahon siya sa putik na kanyang kinasadlakan. Ang lalaking naging kasama at karamay niya sa lahat ng bagay lalo na sa sakit niya.

Halos mahigit dalawang taon na pala mula ng makasama niya ang isang Carl Jayvee Rosal. Mahigit dalawang taon na rin na tila unti-unting bumabalik sa normal ang buhay niya. Hindi man nawala ang pagiging nympho niya pero nagkaroon sila ng pansamantalang lunas sa sakit niya at iyon ay sa pamamagitan ni Jayvee. Her bestfriend and her savior..

Madalas na siyang nakakalabas ng bahay basta kasama niya si Jayvee. Lahat ng hindi niya napuntahan noon na gusto niyang puntahan ngayon ay napuntahan na niya kasama si Jayvee. Halos laging kasama niya ito kapag hindi ito abala sa school at madalas ay kasama niya si Jayvee sa pamamasyal. Sa kanya lagi nakatuon ang atensyon ng binata kapag may libreng oras ito. At hindi niya alam kung maganda ba iyon o mabuti dahil nasanay na siyang lagi niyang nasa tabi si Jayvee, naging dependent na siya dito.

Kaya sa mga nagdaang mga araw, tila walang buhay at lagi siyang malumbay habang nakatanaw sa kabilang bahay. Lalo na sa balcony ng kwarto ng binata kung saan lagi niya itong nakikita noon. Halos isang linggo na niyang hindi nasisilayan ang binata dahil bumisita ito sa Isla Montellano kung saan ito lumaki. At katulad ng nagdaang taon, baka doon nito gugulin ang dalawang buwang bakasyon nito. Two months. Two months niyang hindi makikita at makakasama si Jayvee. Kaya ba niya? Lalo na at sobrang kailangan niya ang presensya ng binata especially his touch...

Nakapatong ang baba niya sa kanyang mga kamay habang nakaharap siya sa balcony ni Jayvee. Miss na niya agad ang binata lalo na ang kakulitan at kapilyohan nito. Ang bawat ngiti at halakhak nito at ang pagiging clingy nito sa kanya na hindi niya akalaing may ganoong side ang binata. Kun'di lang ito umalis, sa mga oras na iyon ay magkasama na sana sila ni Jayvee habang nagki-kwentuhan at nagkukulitan. Minus the scene na ginagawa lang nila kapag sinusumpong siya ng sakit niya.

Nagpaalam naman sa kanya si Jayvee bago ito umalis at doon pa nga ang binata natulog sa kwarto niya. Nagpaalam naman ito sa magulang niya at pumayag ang mga ito dahil sa malaki ang tiwala ng mga ito sa inaanak. At isa pa sa dalawang taon nilang pagsasama ng kaibigan wala pa ang mga itong nakikitang mali sa bawat galaw nila ni Jayvee. Hindi sa nagtatago sila kaya wala ang mga itong makita dahil ang alam lang niyang kasalanan at mali na kanilang ginagawa ay ang halik at haplos sa kanya ni Jayvee na lagpas na sa pagkakaibigan nila. Because friends don't kiss, don't touch in different ways and don't fuck.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now