Chapter 35

2.1K 90 541
                                    


Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo hanggang sa naging buwan. Halos perpekto ang naging relasyon ni Caren at CJ. Halos walang araw na hindi magkasama ang dalawa at lagi ang mga itong nakadikit sa isa't-isa. Naghihiwalay lang sila kapag pumupunta ng school ang binata pero pagkarating nito sa bahay ay magkasama na ulit sila. Maging sa bahay man iyon ng magulang ng dalaga o bahay ng magulang ni CJ. Malaya silang nagsasama sa iisang kwarto at sa iisang kama. S'yempre may permiso ng magulang nila.

Iisa na lang ang kulang para matawag silang isang masaya at buong pamilya. At iyon ay ang kasal. Pero malapit na ring mangyari iyon dahil nakaplano na ang lahat ng dapat gawin ni CJ pagbalik niya sa Isla Montellano para ayusin ang lahat. Isang taon na rin lang ang bubunuin niya para siya ay makapagtapos at pagkatapos no'n ay yayayain na niyang magpakasal si Caren.

Nakumpirma na rin nila sa doctor na totoong buntis nga ang kasintahan. At kasalukuyang nasa tatlong buwan na ang dinadala nito. And he's really excited na maging isang ama. He's excited to see their mini CJ or mini Caren. 'Yong may tatawag sa kanilang Mama at Papa, 'yong may sasalubong sa kanya after work. Gustong-gusto na niyang mangyari ang lahat ng iyon. Gusto niyang maranasan ang pakiramdam na maging isang ama— maging isang magulang. At gusto na rin niyang masilayan ang magiging first baby nila ni Caren. Kung magiging kamukha ba niya ito o ni Caren pero ang mas gusto niya ay 'yong mini version pareho nila.

Natapos na ang pasok niya sa school at kasalukuyan silang nasa biyahe ni Caren patungong Isla Montellano. Para ayusin ang lahat ng gusot na ginawa niya at doon rin nila planong magbakasyon. Babalik na lang sila sa lungsod kapag malapit na ang pasukan. And last year na niya iyon kaya sana ay maging maayos na ang lahat. Lalo na ang gagawin niyang pakikipag-usap kay Laila para wala ng maging problema kun'di ang hintayin ang makatapos siya ng pag-aaral bago sila magpakasal ni Caren. Para masimulan na niya ang pagbuo ng sarili niyang pamilya kasama si Caren at ang magiging anak nila— at magiging mga anak pa.

Maaga silang nagbiyahe at saktong lunchtime na nang makarating sila sa Isla Montellano. Pero medyo malayo pa sila sa bahay nila doon kaya tumigil muna sila sa isang restaurant para kumain. Lalo na at kanina pa nagrereklamo si Caren na gutom na ito kahit na halos ubusin na nito ang dala niyang snacks dahil alam nga niyang mabilis magutom ang kasintahan. At sa beach side pa nito naisipang kumain kaya nang makatapos sila ay naglakad-lakad muna sila sa baybayin.

"Ang ganda pala dito. Sariwa at presko ang hangin idagdag pa ang magandang tanawin. Kapag kasal na tayo gusto kong dito tayo tumira. Gusto kong dito tayo magsimula at magkaroon ng simple lang pero masayang pamilya," wika ni Caren habang magkahawak ang kamay nilang naglalakad sa dalampasigan.

Malawak siyang napangiti dahil sa sinabi ng kasintahan lalo na nang mabanggit nito ang tungkol sa kasal. Hindi pa niya ito inaalok ng kasal dahil gusto niya munang maayos ang lahat. Pero ang sarap sa pakiramdam na alam na niyang tatanggapin nito iyon at katulad din ng gusto niya ang gusto ni Caren. Gusto din niyang dito sa Isla Montellano magsimula ng isang masaya at malaki pero simpleng pamilya. Malayo sa polusyon at tahimik. Isang maganda at perpektong lugar para sa katulad nilang magsisimula pa lang.

"Gusto ko rin na dito tayo magsimulang bumuo ng pamilya, Kulot. And I'm glad na nagustuhan mo dito sa isla. Marami akong alam na magagandang lugar at tanawin dito at ipapasyal kita sa lahat ng 'yon, baby. Pero aayusin ko muna ang lahat, makikipagkita muna ako kay Laila," wika niya at tumango ito.

"Okay, pero sasamahan pa rin kita. Gusto ko din na humingi ng tawad sa kanya dahil hindi ka magkakasala kung hindi ako dumating sa buh—”

"Sshhh.. Wala kang kasalanan, Caren. It's all my fault. Dahil kung naging tapat at sapat ang nararamdaman ko sa kanya kahit na ilang babae ang dumating sa buhay ko, hindi ko magagawang magtaksil at magkasala sa kanya. Kaya huwag mo nang sisihin ang sarili mo because it's all my fault. Naging mahina ako, naging marupok at nagpadala sa tukso pero hindi ko lahat pinagsisisihan iyon. Kasalanan man ang nahulog ako sa iyo dahil mayroon na akong girlfriend pero isa iyon sa pinakamagandang pagkakamaling nangyari sa buhay ko. Because you are my beautiful and unforgettable mistake, baby. And I love so damn much, Caren." Pagputol niya sa sasabihin nito dahil hindi tamang sisihin nito ang sarili. Wala itong kasalanan dahil kasalanan niya ang lahat. It's all his fault.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now