Chapter 23

2.7K 112 852
                                    

Ang akala ni Caren ay nakaligtas na siya sa kapilyohan ni Jayvee subalit doon siya nagkamali. Dahil bago ito umalis ay inangkin muna nito ang labi niya sa pag-aakalang simpleng goodbye kiss lang iyon ngunit halos namanhid ang labi niya sa intensidad ng ginawang halik ng binata. May pilyong ngiti ito sa labi bago ito tuluyang nagpaalam sa kanya para umalis. Habang siya ay naiwang tila natulos sa kinatatayuan habang hawak ang medyo namamanhid na labi. Hindi makapaniwala at nagulat sa biglaang pag-atake nito.

Nang makabawi sa ginawa ng binata, sinimulan na niyang ayusin at linisan ang kwarto nito. Nagsimula siya sa magulong kama na parang dinaanan ng bagyo dahil sa pagkukulitan nila kagabi. Napailing na lang siya habang may tipid na ngiti sa labi habang abala sa pagliligpit sa loob ng kwarto ng binata.

Dahil sa sanay siya sa gawaing bahay, mabilis lang niyang natapos linisan ang kwarto ni Jayvee. At dahil ayaw niyang mainip lang sa bahay ng binata habang hinihintay ito, sinimulan niya ring linisan ang kabuuan non. Nagsimula muna siya sa loob bago sa labas. Maging ang swimming pool sa likod bahay ay nilinisan niya rin at maging ang palibot/paligid ng bahay.

Parang hindi siya nakakaramdam ng pagod dahil sa nag-eenjoy naman siya sa ginagawa. Dahil katulad nga ng sinabi niya, sanay siya sa gawaing bahay dahil iyon ang kalimitang ginagawa niya kapag naiiwan sila ng kapatid sa bahay nila. Minsan katulong niya ang kapatid pero kadalasan ay hindi. Bata pa naman ito kaya hindi niya rin ito ino-obliga na tumulong sa kanya.

Hindi siya tumigil hangga't hindi tapos sa ginagawa hanggang sa marinig niya ang pagkalam ng kanyang sikmura. Napailing na lang siya ng makitang tanghali na kaya pala nagrereklamo na ang kanyang tiyan dahil sa gutom. Hindi niya namalayan ang mabilis na paglipas ng oras at ilang oras na pala ang ginugol niya sa paglilinis ng kabuuan ng bahay ng binata.

Muli siyang pumasok sa loob ng bahay diretso sa kusina. Hindi naman sa bahay magtatanghalian ang binata kaya pang-isang tao lang ang ulam na niluto niya. Mamaya na lang siya magluluto ng magiging ulam nila ni Jayvee for dinner.

Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna siya bago pumasok ng bathroom. She took a shower at halos isang oras ang itinagal niya sa loob dahil natuwa siyang magbabad sa bathtub. Doon niya lang naramdaman ang pagod sa paglilinis na ginawa at malaking tulong ang pagbababad niya sa tubig para maibsan/mabawasan ang pagod na nararamdaman.

Natapos siyang maligo pero hindi pa rin dumadating si Jayvee. Unti-unti na siyang nakaramdam ng pagkainip kaya inisa-isa niya ang book collection ni Jayvee na halos lahat ay may kinalaman sa BDSM. Kumuha siya doon ng isa para naman may mapaglibangan habang hinintay ang binata. Bago siya pumunta sa living room para doon hintayin ang pagdating ni Jayvee.

Halos nasa kalahating pahina na siya ng librong binabasa ng makaramdam siya ng antok. Alas-dos na ng hapon ng napatingin siya sa wall clock sa living room at sa pagkaka-alala niya ay iyon ang oras na matatapos ang klase ni Jayvee ayon sa sinabi nito kagabi.

Baka nasa daan na ito pauwi sa bahay pero hindi niya magawang pigilan ang antok na nararamdaman hanggang sa unti-unti na siyang tinangay non. Nakatulog siya habang nakahiga sa mahabang sofa at nasa dibdib niya ang librong binabasa. Hindi na niya nagawang hintayin pa ang pagdating ng binata.

*****

Excited nang umuwi si Jayvee ng matapos ang kanyang huling klase. Mabilis ang bawat hakbang niyang nagtungo sa parking lot at aktong sasakay na siya sa sasakyan ng maabutan siya ng kambal na iniwan niya kaninang nakikipag-flirt sa hallway. At napa-iling na lang siya ng makitang kasama na ng dalawa ang babaeng kausap ng mga ito kanina. May bagong biktima na naman ang kambal. Tss...

"Hey, bro! Bakit parang nagmamadali kang umuwi? Ayaw mo bang sumama sa lakad namin? You know.. para magliwaliw, magsaya," pilyong wika ng isa sa kambal na agad niyang tinanggihan. Hindi na ang mga ito makaka-ulit pa sa kanya dahil pinagbigyan na niya ang gusto ng mga ito noon. At ang mga ito din ang naging dahilan kung bakit naging hard and rough ang unang gabi nila ni Caren.

The Unforgettable MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon