Chapter 2

3.6K 138 1.7K
                                    

Isang linggo na ang mabilis na lumipas buhat ng lisanin ni CJ ang Isla Montellano at nanatili sa lungsod para doon magpatuloy ng pag-aaral. Naiwan sa Isla Montellano si Laila, ang babaeng matalik niyang kaibigan at nobya rin niya at the same time. Kababata niya ito at kaibigan na niya ang babae noon pa man hanggang sa sila ay lumaki. Hanggang sa nagdesisyon siyang ligawan ito dahil nakikita niya sa dalagang kaibigan ang katangian na gusto niya sa isang babae. Simple, maganda, mabait, masipag, may takot sa Diyos at mapagmahal sa magulang. And she's  not just beautiful outside dahil maganda rin ang mga katangian nito sa loob. At ganon ang klase ng babaeng gusto niya.

Hahanap pa ba siya ng iba kung meron na sa tabi niya, di'ba? She's perfect to be his girl and after their highschool graduation ay sinagot siya nito with their parents consent. Naging legal sila sa kanilang mga magulang at wala ang mga itong naging pagtutol sa relasyon nila. Pero yon nga lang, kailangan nilang pansamantalang magkalayo dahil dito siya sa lungsod mag-aaral. At naiwan si Laila sa Isla dahil hindi nito maiwan ang magulang nito doon.

Masaya naman sila sa kanilang relasyon noong nasa Isla pa sila at ayos lang kung maging long distance relationship sila ngayon. May tiwala naman sila sa isa't-isa. At yon lang ang kailangan para sa matibay na relasyon. Trust and love. Idagdag na rin ang loyalty. Ang plano na lang niya ay doon ubusin ang sem break niya sa Isla para kahit papaano ay makabawi at makasama niya si Laila. Sa ngayon ay makukuntento muna sila sa ganon hanggang sa makatapos siya sa pag-aaral.

Bumangon siya sa kanyang kama at hindi pinansin ang kanyang kahubdan na umalis doon. Walang saplot siya kung matulog dahil iyon ang kanyang nakasanayan. Nag-iisa naman siya sa buong bahay dahil last week pa umalis ang magulang niya patungong States para sa business nila at doon naman sadya ang mga ito naninirahan. Binibisita lang siya ng mga ito kapag may libre ang mga itong oras o kapag gusto ng mga itong magbakasyon. Wala din siyang katulong sa bahay dahil mas gusto niya pa ang mag-isa. Independent naman siyang tao kaya wala iyong problema sa kanya. Sanay na siyang nag-iisa noon pa man kaya halos lahat ng gawaing bahay ay marunong siya. Doing household? Basic lang yan sa kanya..

Pumasok siya ng bathroom para mag-shower at mabilis lang din siyang natapos. Boxer shorts lang ang isinuot niya at isang puting sando na yumakap sa kanyang matipunong katawan. He's just eighteen pero mayroon siyang makisig at matipunong pangangatawan dahil mahilig siyang mag-ehersisyo. Pero hindi naman sobra katulad ng mga lalaking halos tumambay na sa gym na mayroong mga malalaking katawan. Katamtaman lang ang kanya na maikukumpara niya sa tinatawag ng mga babaeng 'hot and sexy body' para sa isang lalaki.

Mayroon din siyang maamo at inosenteng mukha na itinuturing at ikinukumpara ng karamihan na mukha ng isang anghel. Napaka-inosente ng mukha niya na parang hindi marunong magalit at kung sa panglabas na anyo siya titingnan parang hindi siya gagawa ng masama o kung ano mang kasalanan. Madami ang humahanga sa mukhang meron siya na minsan ay ikinaiinis na niya. Madali siyang husgahan ng mga ito dahil sa kanyang mukha at lahat ay maganda at positibong papuri iyon. Kung sa iba yon nangyayari ay baka lumaki na ang mga ulo ng mga ito o naging mayabang na pero sa kanya hindi. Dahil sa inosente at maamo niyang mukha nakakubli ang totoong katauhan na meron siya. Katauhan na gustong kumawala sa tuwing nasisilayan niya ang dalaga na una n'yang nasilayan seven days ago. Ang babaeng gumising ng natutulog niyang totoong pagkatao.. his dark side.

Nagtungo siya sa balkonahe ng kanyang kwarto para abangan ang paglabas ng babaeng gumugulo sa kanyang isipan. Ang misteryosang babae na agad na nakakuha ng kanyang atensyon. Naalala pa niya noong una niya itong masilayan noong gabing isinama siya ng magulang patungo sa bahay ng kanyang Ninong Carlo. At hindi niya akalain na may dalaga pala ang mga itong anak dahil minsan lang naman niya makasalamuha ang kanyang Ninong. Pribado ang mga itong tao ayon sa magulang niya at iilang beses pa lang niya itong makita.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now