Chapter 37

2K 88 416
                                    

Hindi mapakali at pabalik-balik si CJ sa tapat ng pinto ng emergency room kung nasaan si Laila. Agad niyang dinala ito sa hospital lalo na ng makita niya ang dugo sa mga hita nito. She's bleeding at labis ang takot at pag-aalala niya para sa dalaga. Lalo na at paulit-ulit na sinasambit nito ang salitang 'my baby' bago ito tuluyang mawalan ng malay. She's pregnant kaya doble ang nararamdaman niyang takot at pangamba. Sobra ang pag-aalala niya para kay Laila at sa batang nasa sinapupunan nito. Please, God.. Sana po parehong ligtas ang mag-ina.

He keeps on pacing back and forth habang hinihintay na may lumabas sa emergency room. Gustong-gusto niyang malaman ang kundisyon ng dalaga and he's hoping na sana ay parehong ligtas ang mga ito. Halos isang oras na siya doon at habang tumatagal ay lalo siyang hindi mapalagay. Kinakain ng guilt ang buong pagkatao niya dahil kasalanan na naman niya. May panibagong kasalanan na naman siyang nagawa kay Laila samantalang hindi pa niya naaayos ang naunang pagkakamaling nagawa niya. Damn!

Nag-aalalang napatingin siya kay Caren na kasama niyang nagdala sa hospital kay Laila. Nakaupo ito sa tabi ng pinto ng emergency room at tahimik itong umiiyak. Alam niyang sinisisi na naman nito ang sarili dahil sa nangyari. Kahit hindi naman dapat dahil wala naman talaga itong kasalanan. Aksidente ang lahat at walang may gustong mangyari iyon.

"Sshh.. Stop crying, baby. Stop stressing yourself at baka makasama kay baby," wika niya bago umupo sa tabi nito. Niyakap niya ito na agad nitong ginantihan. She's still crying habang nakasubsob sa dibdib niya.

"Paano kung may masamang mangyari sa kanya? O kaya sa baby niya? Hindi ko mapapatawad ang saril-"

"Walang may gustong mangyari iyon, baby. Walang may kasalanan dahil aksidente ang lahat. Kaya stop blaming yourself. Ipagdasal na lang natin na maging maayos si Laila. Pati na rin ang baby niya," pagputol niya sa sasabihin nito at pilit itong kinalma. Hinaplos niya ang buhok nito at umiyak ang dalaga sa dibdib niya. Napahinga na lang siya ng malalim at namayani ang mahihinang paghikbi ng kasintahan ng sumunod na oras. Hanggang sa bumukas ang pinto ng emergency room at lumabas doon ang doktor.

"Kumusta na po ang pasyente?" agad na wika niya at sabay silang napatayo ni Caren.

"Maayos na ang lagay ng pasyente. Walang masyadong nasaktan sa katawan pero madaming dugo ang nawala sa kanya dahilan ng pagkalaglag ng batang nasa sinapupunan niya. We're sorry, ginawa na namin ang lahat but she lost the baby," wika ng doktor na pareho nilang ikinatigil ni Caren. Pareho silang nagulat sa narinig at hindi agad natanggap iyon ng sistema nila. She lost the baby. Nakunan si Laila. Damn! It's his fault again at hindi niya alam kung may mukha pa siyang maihaharap sa dalaga.

Hanggang sa mailipat ng room si Laila ay pareho lang silang tahimik ni Caren. Pareho silang tahimik habang naghihintay sa labas ng room nito. Naghihintay na magising ang dalaga pero parang nawala lahat ng lakas ng loob na harapin niya ito. Bigla siyang natakot, bigla siyang naduwag. Parang hindi niya kayang masilayan ang nasasaktang mukha ni Laila kapag hinarap na niya ito. Sa pagkakamali at kataksilang ginawa niya ay alam niyang masasaktan na ito pero paano pa kaya kapag nalaman nitong nawala ang baby na dinadala nito? Baka hindi nito kayanin at iyon ang ayaw niyang mangyari. Baka sumuko ito..

Pero wala na siyang ibang pagpipilian pa kun'di ang harapin ito ngayon. Kailangan niyang masabi na dito ang lahat lalo na at nahuli na siya nito sa akto na katalik niya si Caren. Hindi niya inaasahan na pupuntahan siya agad ni Laila sa bahay at ang plano pa lang niya ay makipagkita sa dalaga noong araw na iyon. At halo-halo ang emosyon na kanyang nararamdaman ngayon lalo na at may nadamay na inosenteng bata.

May nawalang isang anghel dahil sa hindi inaasahang pangyayari na hindi kasama sa naging plano niya kung bakit siya bumalik dito sa isla. Dahil ang tanging gusto lang naman niya ay maayos na ang lahat at hindi niya inaasahan na hahantong sila sa ganitong sitwasyon. Isang sitwasyon na alam niyang magiging napakasakit at napakahirap para kay Laila at sa lalaking ama ng pinagbubuntis nito.

The Unforgettable MistakeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt