Chapter 29

2.2K 86 936
                                    

Ang akala ni Caren ay magkakaroon na nang away sa pagitan ng dalawang lalaki na patuloy sa pagtatagisan ng matatalim na tingin. Nai-imagine na niyang may kuryenteng dumadaloy sa mga mata ng dalawa na nagsasagupa sa gitna. Walang gustong magpatalo pero gusto parehong manalo. At halos ilang minuto na silang ganon. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang susuko.

"Breakfast is ready! Pumunta na kayo ditong tatlo! Dito ka na rin mag-breakfast, Justin!" sigaw ng Mom niya buhat sa dining area dahilan para maputol ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa. At doon lang siya tila nakahinga ng maluwag dahil hindi niya napansin na pigil pala niya ang paghinga habang nanonood sa staring contest ng dalawa.

"Let's go," wika ni Justin na unang pumutol sa titigan ng mga ito bago siya hinawakan sa kamay. Agad na dumapo doon ang mata ni Jayvee na mas lalong nagsalubong ang mga kilay at nagtiim ang bagang nito.

"She's mine kaya sa'kin siya sasabay," ma-awtoridad na wika nito at hinawakan din siya sa kabilang kamay kaya ang ending ay nag-aagawan ito sa kanya.

"Ako ang nauna sa kanya kaya sa'kin siya sasama," hindi papatalong wika ni Justin at hinigit/hinila siya papalapit sa katawan nito.

"Sigurado ka bang ikaw ang naka-una sa kanya? Una ka lang niyang nakilala pero ako ang nakauna sa kanya sa lahat ng bagay. Gusto mo bang isa-isahin ko pa sa'yo?" mariing wika naman ni Jayvee bago siya nito hinapit papalapit sa katawan nito. Medyo may kalakasan iyon kaya nabitawan siya ni Justin dahilan ng pagsubsob niya sa dibdib ni Jayvee.

"Wala akong pakialam kung nakuha mo na siya dahil ang mahalaga ay kung sino ang makakasama niya sa huli. At ako 'yon. You're just her first pero ako ang magiging last niya," pagpapatuloy ni Justin at sa katawan naman siya nito tumama ng higitin siya nito. Ouch!

"At sino ka para sabihin 'yan? I am her first in everything at sisiguraduhin ko na ako lang hanggang sa huli. Akin lang siya kaya kung ako sa'yo, bitawan mo siya habang nakakapagtimpi pa ako. O baka naman gusto mong magkapasa yang mukha mo o kaya naman ay dumugo yang ilong mo? Now choose! Bibitawan mo siya o uuwi ka ng may masakit sa katawan?" seryosong saad ni Jayvee at alam niyang seryoso ito sa sinabi base sa nakikita niyang mahigpit na nakakuyom na kamay nito. Tila handa na iyon para patamain sa mukha o katawan ni Justin.

"Handa akong masaktan at lumaban para sa kanya. Una ko siyang nakilala at ako ang unang nagmahal sa kanya," paglaban ni Justin at namilog ang mata niya ng humakbang papalapit dito si Jayvee. Nasa pagitan siya ng katawan ng dalawang lalaki at parehong hawak ng mga ito ang kanyang braso.

"Pero ang tanong.. minahal ka ba n'ya?" nakangising anas ni Jayvee na ikinatigil ni Justin. Ramdam niyang natigilan ito at biglang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. She's hurting pero ang mas inalala niya ay si Justin. Baka na-trigger ni Jayvee ang depression nito. Oh God! Huwag naman sana.

"Tumigil na nga kayo! Hindi ako isang bagay na pwede niyo na lang basta pag-agawan! Hindi ako sasabay sa inyong dalawa at kaya kong pumunta sa dining room ng mag-isa. At kung gusto niyong mag-away, doon kayo sa labas. Huwag dito sa loob ng bahay!" may kalakasang anas niya kung kaya't sa kanya natuon ang atensyon ng dalawa. Parehong lumambot ang ekspresyon ng mga ito na tila natatakot sa kanya.

Napupuno na siya sa pagtatalo ng dalawa at napakalayo na nang ipinupunto ng mga ito. Noong una ay issue lang naman iyon kung kanino siya sasama o sasabay papuntang dining pero umabot na sa ganon. Napakaliit na bagay pero pinapalaki lang ng mga ito. At isa pa, pwede naman sabay-sabay silang tatlo na pumunta doon. Tss!

"Baby!"

"Caren!"

Dinig niyang sabay na sigaw ng dalawa ng kalasin niya ang pagkakahawak ng kamay ng mga ito sa kanyang braso. Bago niya tinalikuran ang mga ito at nauna na siyang pumunta sa dining room. Napahinga siya ng malalim at inikutan na lang ng mata ang dalawa na patuloy pa rin sa mahinang pagtatalo. Nag-uunahan ang mga itong sumunod sa kanya at napa-face palm na lang siya nang sa magkabilang side niya ang mga ito umupo.

The Unforgettable MistakeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora