Chapter 7

2.9K 124 1.2K
                                    

"N-nothing happened, Ninong," nauutal na anas ni CJ sa mapanuring tingin ng Ninong niya. Nang malaman ng mga magulang ni Caren na nakatulog ang dalaga ay isinama siya ng mga ito sa library at may pag-uusapan daw silang importante at tungkol iyon sa sakit ni Caren.. kung paano at saan nito nakuha iyon. Bahagya pa siyang natigilan ng dahil doon dahil sa wakas ay masasagot na rin ang isang malaking katanungan sa isipan niya. Lumabas naman saglit ang Ninang niya para puntahan ang bunsong kapatid ni Caren sa kwarto nito.

"Wala ba talaga? Then where did you get that red marks on your neck? And you're having a boner ng buksan mo ang pinto ng kwarto ng anak ko. At anong nangyari diyan sa sugat sa labi mo?" seryosong anas ng Ninong niya at napakamot na lang siya sa ulo dahil sa nahihiya siya dito. Hindi naman niya kasi alam na may mapanuring-mata pala ang Ninong niya. Idagdag pa na hindi na niya nagawang ayusin amg sarili niya kanina dahil mas inasikaso niya si Caren. At hindi niya rin akalain na naghihintay pa rin sa labas ang magulang ng dalaga. Kaya malaki ang posibilidad na narinig ng mga ito ang mga daing nila ni Caren sa loob.

"Pangako po, Ninong. Wala pong nangyari. We just kissed and.. make out," anas niya at bahagyang naibulong lang ang huling salita pero sapat iyon para marinig ng Ninong niya. Lalong sumeryoso ang mukha nito at kita niya ang pagtiim ng bagang ng kaharap. Bahagya siyang kinabahan sa naging reaksyon ng kaharap at inihanda ang sarili sa kung ano mang gagawin nito sa kanya. Pero maluwag naman niya iyong tatanggapin because he deserves it. Dapat lang na maparusahan siya dahil sa ginawa niya kay Caren.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo ginalaw ang anak ko, CJ. May usapan tayo at pinagkatiwalaan kita tungkol sa sakit ng anak ko. Pwede mong gawin ang lahat sa kanya as long na makakatulong iyon sa kalagayan ni Caren. Pero iwasan mong magpadala sa sinasabi ng anak ko dahil alam kong malaking tukso siya sa lalaking katulad mo na may mataas na libido sa katawan sa ganyang edad. Huwag mo siyang aangkinin ng buo. You can kiss her or make out with her o kahit ano pa as long na hindi mo kukunin ang pagkabirhen ng anak ko. Alam ko naman ang rason mo kung bakit kailangan mo iyong gawin kay Caren," seryosong saad ng Ninong niya at kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag dahil hindi ito nagalit sa ginawa niya sa dalaga. At lihim na nagdiwang ang isang parte sa loob niya dahil may nakuha siyang permiso galing sa ama ni Caren.

"Alam ko po ang tungkol diyan, Ninong. Pasensya na po at hindi ko lang po napigilan kanina. She wants to release the heat she's feeling inside kaya po ginawa ko pong makipag-make out sa kanya. She's begging for more po but I know my limitations. Mali na nga po ang ginawa kong makipag-make out sa kanya at ayaw ko pong madagdagan pa iyon kung sakaling aangkinin ko siya ng buo," tapat na anas niya at nakakaunawa namang tumango ang kanyang Ninong. Nagpakawala ito ng buntong-hininga at alam niyang ayaw din sana nito sa ginawa niya sa dalaga pero wala silang ibang choice.

"It's okay and thank you, CJ. Ipapaubaya ko siya sa'yo sa tuwing sinusumpong siya pero mangako ka sa'kin na hindi ka aabot sa puntong aangkinin mo siya."

"Pangako po, Ninong. Salamat po sa tiwala," bahagyang nakangiting anas niya at tumango naman ang kaharap. Nahihiyang tinakpan naman niya ng throw pillow sa sofa ang ibabang parte niya dahil hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin masyadong nawawala sa kanya ang epekto ni Caren. At bahagyang natuon don ang atensyon ng kanyang Ninong habang may nakakalokong ngiti sa labi.

"Masakit ba sa puson ang anak ko? I guess mukhang hindi lang siya ang kailangan makapag-labas ng init ngayon," biro ng Ninong niya kasabay ng malakas nitong pagtawa. Napakamot na lang siya sa ulo niya dahil totoo ang sinabi nito. He needs a fucking release na madalas niyang ginagawa mula ng makilala niya si Caren. Isa pang malaking kataksilan at kasalanan ang ginagawa niyang iyon dahil si Caren ang laman ng isipan niya habang pinapaligaya niya ang kanyang sarili gamit ang kanyang mga kamay. Mga kamay na naging karamay niya dahil hindi niya magawang maglabas ng init ng katawan sa ibang babae kahit noong wala pa siyang nobya. At hindi niya ikinakahiyang sa edad na nineteen ay birhen pa siya.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now