Chapter 36

2.2K 88 531
                                    


Kinabukasan, wala na si Caren sa tabi ni CJ nang magising siya. Umupo siya sa kama habang kinukusot ang mga mata bago inilibot ang paningin sa buong kwarto pero hindi niya nasilayan doon ang kasintahan. Kaya napasimangot siya bago umalis ng kama at nagtungo sa banyo to do his morning rituals. Sayang lang at naunang gumising si Caren. Plano pa naman niyang ito ang gawing breakfast in bed na kadalasan nilang ginagawa. Pero mukhang wala silang mangyayaring breakfast in bed ngayon. Zero point na naman sila ng 'best buddy' niya. Better luck next time, buddy...

Lumabas agad siya ng kwarto pagkatapos niyang mag-shower. He's just wearing his boxer shorts at wala siyang suot na pang-itaas. Huhubarin din naman niya iyon mamaya dahil plano niyang ibang breakfast ang gawin nila ni Caren. Natakasan nga siya nito sa kanilang breakfast in bed pero pwede din naman na breakfast in the kitchen o kahit sa living room, di'ba? Ready naman siya anytime and anywhere. He smirked.

Pabor na pabor din iyon sa kanya dahil plano niya talagang angkinin ang dalaga sa lahat ng parte ng bahay. Susulitin na niya ang pagkakataon habang hindi pa masyadong lumalaki ang tiyan nito. Ilang buwan din kasi siyang hindi makakahirit sa kasintahan kapag malaki na ang tiyan ni Caren at pagkatapos nitong manganak. Kaya time is gold ngayon ang paiiralin niya. Dapat hindi siya mag-aksaya ng oras dahil sa bawat araw na lumilipas ay nalalapit na ang pagiging diyeta niya sa lovemaking nila ni Caren. How bad, di'ba? Back to sariling sikap ulit siya 'pag dumating ang oras na iyon. Hayyss...

Napailing na lang si CJ dahil umagang-umaga ay kung ano-ano na agad kapilyohan at kalokohan ang pumapasok sa isip niya. At agad siyang napangiti nang makalanghap ng mabangong aroma na nanggagaling sa kusina. May naririnig din siyang ingay na nagmumula doon kaya sigurado siyang nandoon ang kasintahan at nagluluto ng almusal nila. Hindi naman ganoon kaselan ang pang-amoy ni Caren kahit buntis kaya nagagawa pa rin nitong magluto.

Actually, nakahiligan pa nito ang pagluluto buhat ng magdalang-tao ito. Pabor na pabor sa kasintahan dahil magana at malakas itong kumain dahil sa baby nila. At minsan na lang din niya itong maipagluto at nangyayari lang iyon kapag may request na pagkain ang kasintahan o kaya naman ay kapag nagpresinta na siya. Naging taong-kusina kasi ito buhat ng magbuntis. Haha! Luto dito, luto doon. Kain dito, kain doon. Kaya hindi na rin siya nagtaka ng medyo lumobo ang katawan ng dalaga. And he loves it. Lalo itong nakakagigil sa paningin niya..

Naabutan niya si Caren sa kusina na nagluluto. Nakatalikod ito sa gawi niya kaya hindi nito napansin ang pagdating niya. Sumandal siya sa hamba ng pinto at pinagmasdan ang sobrang abalang dalaga sa pagluluto. She's even humming a song na ikinangiti niya dahil medyo nagsi-sway ang balakang nito na tila sobrang nag-eenjoy sa ginagawa. And she looks sexy and hot while doing that. At agad na naapektuhan ang katawan niya dahil sa magandang tanawin na nasa kanyang harapan. Agad siyang nakaramdam ng pag-iinit. Damn!

Iba na ang suot nitong damit at medyo basa pa ang buhok nito katulad n'ya. She looks very fresh and he wants to devour her right now. Si Caren ang gusto niyang gawing breakfast. Dito sa loob ng kitchen, sa living room at sa lahat ng parte ng buong bahay. Mahina siyang napamura ng maramdaman ang pagpintig ng simbolo ng pagkalalaki niya na tila kahit ito sa nasasabik sa naiisip niya. At tila inuutusan siya nitong lumapit sa dalaga para maisagawa na niyang lahat iyon. Fuck!

Dahan-dahan siyang lumapit kay Caren at doon niya lang napansin na may mga naluto na itong pagkain na nasa mesa. May nakahanda na rin doong plato at sa tingin niya ay fried rice na lang ang kulang na kasalukuyang niluluto nito. Abala ito sa paghahalo no'n at bahagya pa itong natigilan ng yakapin niya ito buhat sa likod. Napasinghap din ito pero kaagad ding nagpatuloy sa ginagawa.

"Good morning, baby," he whispered. Hinalikan niya ang leeg nito at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kasintahan. Idiniin niya rin ang kahandaan niya sa likod nito habang patuloy siya sa paghalik sa leeg pataas sa tenga nito and he bit it lightly. Trying to seduce her.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now