Chapter 25

2.6K 101 790
                                    

"Yes po, Ninong. Opo.. She's still sleeping po. Sige po, sasabihin ko na lang po sa kanya. Okay po.. Mag-iingat po kayo." Nagising si Caren dahil sa boses ni Jayvee na tila kausap ang Daddy niya. Binuksan niya ang kanyang mata at nasilayan ang binata na saktong ibinababa ang cellphone nito sa bedside table.

Nakasandal si Jayvee sa headboard ng kama, topless at natatakpan ng kumot ang ibabang parte ng katawan nito. Pero siguradong siyang katulad niya ay wala rin itong saplot sa katawan dahil hindi siya tinigilan kagabi ni Jayvee. Walang sawa siya nitong inangkin at ganon ang ginagawa nito sa nakalipas na dalawang araw. Wala itong inaaksayang oras at sinusulit nito ang pagkakataon na solo siya ng kasintahan. At dahil sa mahal niya ito at gusto niya ang ginagawa ni Jayvee.. nagpapaubaya siya dito.

Ika-anim na araw na nilang solo ang isa't-isa at masasabi niyang sulit ang mga bawat araw na nagdaan sa pagitan nila ni Jayvee. Para na silang mag-asawa dahil magkasama sila sa iisang bahay, iisang kwarto at iisang kama. They're doing sweet things na ginagawa ng mga couple kasama na doon ang lovemaking. Nasa legal na edad na naman sila ng binata kahit na masasabi pa ng iba na masyado pa silang bata para sa bagay na iyon dahil pareho lang silang twenty ng binata.

Pero para sa kanya, wala naman sa tamang edad ang isang relasyon. As long na alam mo ang limitations niyo, walang problema do'n. Lalo na pagdating sa mga responsibilidad. Hindi naman sa nilalahat niya pero ang iba kasi porke't nasa tamang edad na, kinakalimutan na nila ang limitasyon na mayroon sila.

Landi dito, landi doon..

Bola dito, bola doon..

Kiss dito, kiss doon..

Sex dito at sex doon..

Tapos kapag dumating na ang responsibilidad, tatakbuhan na para tatakasan. Dahil ang sabi pa nila nakuha na ang dapat makuha at natikman na ang dapat matikman. Tapos maiiwan ang babaeng nag-iisa at luhaan, dala ang bunga ng kanilang kapusukan na magkasama niyong ginawa pero hindi naman kayang magkasamang panagutan.

Alam niyang iba sa tinutukoy niya ang mayroon ngayon sila ni Jayvee. Hindi lang ngayon kun'di ang mayroon sila mula pa noon. Alam nila ang kanilang limitasyon kahit noong hindi pa sila magkasintahan noon. At kahit noong magkasintahan na sila pinandigan pa rin nila. Hanggang sa nangyari ang lahat sa pagitan nila at wala naman siyang pinagsisihan doon. Dahil alam niyang hindi kabilang si Jayvee sa mga tumatalikod at tumatakbo sa responsibilidad. Napatunayan na iyon ng binata sa magulang niya lalo na sa kanya At malaki ang tiwala niya sa pagmamahal na mayroon ang binata para sa kanya.

"Hey.. Gising ka na pala. Good morning, baby," nakangiting wika nito ng bumaba ang mata nito sa kanya kung kaya't bumalik siya sa kasalukuyan buhat sa malalim niyang iniisip.

"Good morning," mahinang anas niya habang may tipid na ngiti sa labi.
Kipkip sa dibdib ang kumot na gumapang siya paitaas sa katawan nito bago yumakap kay Jayvee. Medyo inihiga nito ang katawan sa kama at inilagay ang mga unan sa likod bago ito doon sumandal. Habang siya naman ay nakasandal sa dibdib nito at naglilikot ang isang kamay sa hubad na itaas na katawan ng binata.

Hinapit nito ang katawan niya palapit sa katawan nito bago niya naramdaman ang pagsuklay ng kamay nito sa medyo magulong buhok niya na tila inaayos 'yon. At napangiti rin siya ng maramdaman ang medyo matagal na paghalik ng kasintahan sa ibabaw ng ulo niya. Parang nakasanayan na iyong gawin ng binata.

"Tumawag ang Dad mo," simula nito at nagtaas siya ng tingin sa binata dahilan ng pagsasalubong ng mga mata nila. Sobrang lapit din ng kanilang mukha at hindi na siya nagulat ng angkinin nito ang labi niya sa isang mabagal at marahan na halik bago may malawak na ngiti nang humiwalay ang labi nito sa labi niya.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now