Chapter 34

2.1K 93 588
                                    

Nagtatalo na ang liwanag at dilim nang maisipan nilang umuwi buhat sa mahaba at masayang pamamasyal. Sobra ang sayang naramdaman ni Caren habang kasama niya si Jayvee na kahit kailan ay hindi nabigong pangitiin at patawanin siya. Buhat sa kakulitan at kalokohan nito na hindi maiiwasang samahan ng kapilyohan dahil natural at normal na iyon kay Jayvee. Tanggap niya lahat ng 'yon dahil kasama iyon sa minahal niya sa binata. At walang pagsidlan ang kanyang tuwa sa halos maghapon nilang pamamasyal kasama ito. Sulit na sulit ang bawat oras na lumipas at muli niyang naramdaman kung paano maging normal. Yong walang sakit na iniisip at pumipigil sa kanya.

Dumiretso sila sa kanilang bahay at doon na rin tumuloy si Jayvee. Hindi ito humiwalay sa kanya dahil excited at gusto nitong makita ang magiging resulta ng binili nilang pregnancy test. Ten pieces agad ang binili nito para daw sigurado na ikina-iling na lang niya dahil sa ka-abnormalan ng kasintahan. Pwede naman two or three pieces lang. Pero hindi niya ito napigilan at ang nasunod ay ang gusto nito. Kahit hindi na naman daw kailangan iyon dahil sigurado na daw si Jayvee na dinadala niya ang baby nila. One hundred percent daw na sigurado ito.

Hindi nila nakita ang magulang sa living room pero dinig nila ang ingay sa kitchen kaya sigurado siyang nandoon ang mga ito. Dumiretso na lang sila sa kanyang kwarto at nakasunod lang sa kanya si Jayvee.

"Damn! Kahit sigurado akong nagdadalang-tao ka na hindi ko pa rin maiwasan ang ma-excite at kabahan. Come on, baby. Itry mo na," wika agad ni Jayvee nang makapasok sila sa kanyang kwarto. Ito pa mismo ang naglabas lahat ng pinamili nila at agad siyang hinila patungong bathroom para doon gawin ang test. Inikutan na lang niya ito ng mata at nagpahila na lang dito. Hindi halatang excited siya, di'ba?

"Kaya ko nang gawin 'tong mag-isa, Jayvee. Kaya lumabas ka na," wika niya nang mapansing hindi pa ito umaalis. Nakatayo lang ito sa tabi niya at isa-isang inalis sa box ang lahat ng pregnancy test. Binasa pa nito ang instructions sa harap niya kung paano gamitin iyon. Seriously? Gagamitin niya talaga lahat 'yon? He's really impossible!

"No. I want to see it. Gusto kong makita kung tama ang gagawin mo. At gusto kong ako ang unang makakakita at makaka-alam kung buntis ka ba talaga," wika nito na ikinaikot niya ng mata dito. Kulit talaga!

"Okay. Madali naman akong kausap. Dito ka sa loob habang ginagawa ko ang test pero wala ng lovemaking hanggang sa makapanganak ako o doon ka sa labas maghihintay at kapag buntis ako may reward kang lovemaking mamaya," wika niya dahilan ng paghinto nito sa ginagawa.

"Sabi ko nga sa labas na lang ako," mabilis na anas nito at agad na tumalikod sa kanya para lumabas ng banyo. Napangiti na lang siya kay Jayvee bago niya tiningnan ang isang box para tingnan ang instructions kung paano gamitin 'yon. Wala kasi siyang naintindihan sa binasa kanina ng binata.

Sinunod niya ang nakalagay sa instructions at tulad ng gusto ni Jayvee ay ginamit niya lahat ng pregnancy test na binili nila. Naghintay siya ng ilang minuto para sa resulta pero agad siyang napatingin sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Jayvee. Bakas agad ang pag-kainip sa mukha ng binata kahit ilang minuto pa lang buhat ng lumabas ito. At parang hindi ito mapalagay habang hinihintay ang resulta.

"I'm sorry, baby. Pero hindi ako mapakali/mapalagay sa labas habang nandito ka sa loob. Parang isang oras ang katumbas ng isang minuto habang naghihintay ako do'n. Kaya dito na lang ako, tapos ka na naman di'ba?" nakangiwing wika nito nang samaan niya ito ng tingin. Tumango na lang siya dito bago tiningnan ang pregnancy test na nakapatong sa sink. Tumabi ito sa kanya at tulad ng reaksyon niya ay napasinghap din ito nang makita ang resulta. Two lines! Oh my... She's really pregnant.

"Two lines. Two lines. Two lines.." Inisa-isa ni Jayvee ang lahat ng pregnancy test at paulit-ulit na sinambit ang salitang two lines. Bakas ang tuwa at saya sa mukha nito at naluluhang tumingin sa kanya matapos nitong isa-isang matingnan ang lahat. "Oh God! You're pregnant. You are really pregnant," tila hindi pa rin makapaniwalang anas nito at hinawakan ang mukha niya.

The Unforgettable MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon