Chapter 13

2.7K 125 1.3K
                                    

"I need you, Jayvee.. Please help me. Hindi ko na kaya," boses ng umiiyak na dalaga. Pabaling-baling ang ulo ni CJ kaliwa't kanan habang naririnig ang boses ni Caren sa panaginip ng binata. Umiiyak ito at humihingi ng tulong.

"Please.. Hindi ko na kaya, Jayvee. Hirap na hirap na ako," muling anas ng boses ni Caren pero hindi makita ng binata ang dalaga. Kadiliman lang ang kanyang nakikita pero sobrang lapit ng boses ng dalaga sa kinatatayuan niya.

"Caren! Where are you, baby? I'm already here, Kulot!" CJ shouted pero tanging pag-iyak lang ng dalaga ang narinig niya. She's sobbing at bakas doon ang paghihirap nito.

"Caren!"

"Baby!"

"Kulot!"

Paulit-ulit na pagtawag ni CJ kay Caren hanggang sa nagising siya buhat sa masamang panaginip. Napaupo siya sa kama habang habol ang paghinga at pawisan din ang kanyang noo. Napahaplos siya sa sariling buhok at bahagyang napahaplos doon bago umalis sa kama niya. Pilit inignora ang kanyang masamang panaginip.

It's already six in the morning at nagpaparamdam na si haring araw para sumikat. Maliwanag na sa labas at nakikita niya iyon sa balcony ng kwarto niya na tanging isang sliding glass door lang ang nakapagitan kung kaya't malaya niyang nasisilayan ang nasa labas. Ang magandang tanawin kung saan nakaharap ang balcony ng kwarto niya.

"Kumusta ka na kaya, Kulot? Sana naman walang ibang ibig-sabihin ang masamang panaginip ko," mahinang wika niya bago inayos ang ibabaw ng kamang kanyang hinigaan.
Walang saplot niyang inayos iyon dahil hindi siya kumportableng matulog ng may saplot. Minsan ayos lang sa kanyang naka-underwear o naka-boxer shorts lang pero mas gusto at mas kumportable siya kapag walang saplot siyang natutulog.

Dumiretso siya sa bathroom pagkatapos niya sa ginagawa to do his morning rituals. He took a shower at hindi na rin siya nag-abalang takpan ang pribadong parte niya ng lumabas siya ng bathroom like the usual. May hawak na puting tuwalya ang kamay niya habang tinutuyo niya ang kanyang basang buhok. At boxer short at sando lang ang isinuot niya bago siya lumabas ng kwarto for breakfast. Because he's very sure na nasa kitchen na naman si Laila para ipagluto siya ng kanyang magiging almusal.

Halos isang buwan na ang mabilis na lumipas buhat ng dumating siya sa isla. Isang buwan na tiniis niyang hindi magparamdam kay Caren kahit sobrang namimiss na niya ang dalaga.
Wala din naman itong naging paramdam sa kanya at hindi niya mapigilan ang magtampo kay Caren dahil doon. Hindi man lang nito magawang tawagan siya para kumustahin o kahit padalhan man lang ng mensahe. Hindi ba siya nito namimiss katulad ng pagkamiss niya dito? Hindi man lang ba siya pumapasok sa isipan ng dalaga? Samantalang siya halos walang araw na hindi niya namimiss at naaalala si Caren.

Nakarating siya sa bukana (entrance) ng dining area habang patuloy na naglalakbay ang isip niya tungkol kay Caren. Nasa kamay niya ang kanyang cellphone at halos araw-araw ay hindi iyon nawawala sa tabi niya dahil naghihintay at inaabangan niya ang tawag o kahit text man lang ng dalaga. At may sumilay na ngiti sa labi niya ng makunpirmang tama nga siya. Nandoon na nga si Laila at inihahanda ang breakfast nilang dalawa.

Sa isang buwang lumipas ay ganon ang tagpo nila tuwing umaga. Pumupunta ang fiancee niyang si Laila sa bahay niya para ipagluto siya ng breakfast bago ito pumasok sa trabaho nito. Tuwing weekend naman ay magkasama sila sa pamamasyal o kaya naman ay niyaya niyang i-date si Laila. Pero kahit na si Laila ang nasa tabi niya araw-araw.. ang babaeng pakakasalan niya, hindi pa rin mawala sa isipin niya si Caren. He's missing her everyday, every hour and every minute. Mababaliw na yata siya dahil kay Caren.

"Gising ka na pala. Kanina ka pa ba d'yan?" nakangiting wika ni Laila sa kanya na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Ngayon lang siya nito napansin kahit na ilang minuto na siyang nakatayo doon. Abalang-abala ito sa paghahanda at pag-aayos ng pagkain sa mesa kung kaya't hindi agad nito napansin ang kanyang presensya. Hindi niya mapigilan ang ma-guilty dahil sa effort ni Laila para sa relasyon nila. At doon niya narealize na ginawa lang niyang kumplikado ang lahat. Mas lalo lang niya itong masasaktan.

The Unforgettable MistakeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora