Epilogue

3.6K 99 1.1K
                                    


Malayo ang tanaw ni Caren buhat sa balkonahe ng bahay nila ni Jayvee sa Isla Montellano. Binabalikan niya ang mga taong mabilis na lumipas buhat ng bumalik sila doon para magsimula ng kanilang binuong pamilya kasama ang anak nila. Naiwan sa lungsod ang magulang niya kasama ang kapatid pero bumibisita ang mga ito sa kanila at kadalasan ay doon nagbabakasyon.

Dalawang taon na ang mabilis na lumipas buhat ng ikasal sila ni Jayvee at tatlong taon naman buhat ng maayos ang lahat sa pagitan nilang tatlo— siya, si Jayvee at si Laila. Nagpatuloy ang pagkakaibigan na mayroon sila ng dalaga at nagkaroon sila ng magandang samahan. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang balita sa asawa nitong si Darwin. At lahat sila ay hindi nawawalan ng pag-asa na babalik ito lalo pa at may anak na ang mga itong triplets.

Dalawang taong gulang na ang anak nilang si Carla Jane at matanda lang ito sa buwan sa triplets na anak nila Darwin at Laila. Hindi na muna nila sinundan ang kanilang prinsesa pero ngayong taon ay may plano silang sundan ang nag-iisang anak. Sa wakas ay pumayag din si Jayvee pagkatapos siya nitong solohin ng halos dalawang taon. Sinulit at bumawi talaga sa kanya ang asawa.

At sa mga taong lumipas na kasama niya si Jayvee at ang anak nila ay halos hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nakamtan at naranasan niya sa piling ng pinakamamahal na asawa. Naranasan niya lahat dito ang mga bagay na pinapangarap niya lang noon na hindi niya akalain na makakamtan niya dahil sa kanyang hindi pangkaraniwang sakit. Ang akala niya ay hindi na siya makakaalis pa sa sumpang iyon na idinulot sa kanya ng baliw na lalaki sa kanyang murang edad pa lamang.

Pasakit, paghihirap at pagdurusa. 'Yan ang nararanasan niya sa maraming taon na hindi pa niya nakikila ang isang Carl Jayvee Rosal. Nakulong siya sa isang madilim na mundo na walang kahit anong magsisilbing ilaw para mahanap niya ang daan para makaalis sa lugar na iyon. Sinubukan siyang alisin doon ng magulang pero nabigo lang mga ito dahil katulad niya ay naging biktima din ang magulang niya.

Anim na taon siyang patuloy na lumaban kahit na may pagkakataong nawawalan na siya ng pag-asa. Swerte na ang isang araw na hindi siya pinapahirapan ng sakit niya at hanggang tatlong beses sa isang linggo kung sumpungin siya ng sakit niya noon. Mahirap dahil sobrang init ang nararamdaman niya at wala siyang ibang magawa para patigilin iyon. Hindi sapat ang lamig galing sa tubig para mawala iyon at hinihintay na lang niya ang oras hanggang sa tuluyang humupa ang init na nararamdaman niya. Lalo na ang pagkauhaw niyang nararamdaman sa usaping sekswal.

Pero ang lahat ng iyon ay nalagpasan niya at nakakaya niyang harapin ngayon sa tulong ng asawa niyang si Jayvee. Mula nang makilala niya ito ay nakalaya siya sa sumpang iyon kung ituring niya noon. Si Jayvee ang naging ilaw niya para mahanap ang daan sa kanyang madilim na mundo noon. Ito ang tumulong sa kanya sa lahat lalo na sa pagharap sa sakit niya na ngayon ay binabalewala na lang niya as long na magkasama silang dalawa. At nagiging espesyal na araw na para sa kanila ang araw na sinusumpong siya ng pagiging nympho niya dahil nagiging wild and hot ang araw na iyon para sa kanila ni Jayvee.

Nagagawa nitong mailabas ang mga pantasya nito sa usaping sekswal at nailalabas din ng asawa ang wild and dark side nito. Nagagawa nitong tugunan ang pangangailangan ng sakit niya na parang si Jayvee ang kanyang naging lunas. Nagagawa nitong pantayan ang mataas na sexual desire niya, hindi lang basta nito napapantayan iyon dahil nalalagpasan pa iyon ni Jayvee. Perfect match sila pagdating sa bagay na iyon.

Hindi na rin nagparamdam sa kanila ang baliw na lalaking nagngangalang Mark Clemenso. Nagkaroon ulit sila ng komunikasyon ng ginang at madalas na pumupunta sa bahay nila ang anak nitong si Vanessa Joy. Dahilan ng madalas na  pananatili doon ni Carl Angelo kapag wala itong pasok ay laging sa isla ito nagbabakasyon.

Sa ngayon wala na siyang ibang mahihiling pa kun'di ang magandang kalusugan para sa kanilang lahat. Maayos na pamumuhay at laging malayo sa kapahamakan. Kahit hindi na mawala ang pagiging nympho niya basta magkakasama sila at buo ang kanyang pamilya. Kasama naman niya lagi si Jayvee na pumupuno at nagbibigay ng hinahanap ng hindi pangkaraniwang sakit niya.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now