Chapter 38

2.3K 82 475
                                    

Malawak ang ngiti ni Caren habang inaalala ang naganap sa mga nakaraang araw habang nananatili sila sa Isla Montellano. Mahigit isang buwan na ang mabilis na lumipas buhat ng nangyari ang lahat at marami na ang nagbago mula noon. May nawala, pero may pumalit. May umalis pero nangakong babalik. At naayos na ang lahat sa pagitan nilang tatlo ni Jayvee at Laila.

Nagkapatawaran at nagkasundo sila ng dalaga na ngayon ay naging kaibigan na rin niya. She's really kind and beautiful katulad ng sinasabi ni Jayvee sa kanya. And she's also brave lalo na ngayong hinaharap nitong mag-isa ang lahat dahil pansamantalang umalis si Darwin para hanapin nito ang sarili at para paghilumin ang sugat na tinamo nito sa pagkawala ng anak. At alam nilang bukod doon ay may iba pang rason ang binata.

Kaya naiintindihan nila iyong lahat because it's really hard and painful for him- for them. Kaya sila ngayon ang karamay at kasama ni Laila. Pati na rin ang mga magulang at ang kaibigan nitong si Danica kasama ang asawa nitong si Christian na ngayon ay kaibigan na rin nila ni Jayvee. 'Yon ang isa sa magagandang nangyari sa pamamalagi nila dito sa isla. Nakahanap sila ng mabubuting kaibigan na handang damayan at tulungan ang isa't-isa.

At sa mahigit isang buwang mabilis na lumipas na iyon ay walang araw na hindi nila sinusulit ang pamamalagi nila sa isla. Lahat ng magagandang lugar o tanawin doon ay napuntahan na nila ni Jayvee. Napakaganda ng buong lugar at kung papipiliin kung saan niya gustong mamalagi ay doon ang gusto niya kumpara sa buhay sa lungsod. Nakakaiwas pa sa polusyon dahil sariwa ang hangin, napakatahimik at napakapayapa pa ng lugar.

Kasalukuyan niyang inihahanda ang breakfast nila ni Jayvee na matatawag ng brunch dahil sa 10:30 na ng umaga. Medyo tanghali na nang magising sila at mas nagtagal pa sila sa kwarto dahil halos walang umaga na hindi sila nagkakaroon ng kakaibang 'breakfast in bed'. Hindi naman ang binata lagi ang nag-iinitiate sa kanila dahil kadalasan ay siya rin na tila nakasanayan na niya iyon. Hinahanap-hanap na niya 'yon na tila nakatatak na sa kanyang buong pagkatao. At tila sa bawat araw na lumilipas ay tila lalo siyang nagiging sabik kay Jayvee.

Lalo na kapag sinusumpong siya ng sakit niya na kung dati ay itinuturing niyang sumpa, ngayon ay iba na. Sapagkat nagawa iyong baguhin ni Jayvee dahil kapag sinusumpong siya ay mas lalong nagiging hot and wild ang gabi nilang dalawa. Doon nailalabas ni Jayvee ang dark and wild side nito na tila naging lunas o gamot nila ang isa't-isa. Naibibigay ni Jayvee ang hinahanap ng sakit niya at nailalabas naman ni Jayvee ang iba nitong katauhan pagdating sa usaping sekswal. Matatawag silang perfect match sa isa't-isa. Pero kahit ganoon ay may pag-iingat pa rin ito dahil dinadala na niya ang kanilang magiging unang anak.

"What were you thinking, baby? At bakit malawak ang ngiti mo? Magseselos na ba ako diyan sa laman ng isipan mo ngayon?" bumalik siya sa kasalukuyan ng maramdaman ang pagyakap ni Jayvee buhat sa likod niya. Ipinatong nito ang ulo sa balikat niya na kadalasan nitong ginagawa. Bago niya naramdaman ang pagsiksik ng mukha nito sa kanyang leeg.. sniffing her scent.

"Wala naman. Naisip ko lang ang mga magagandang nangyari habang nandito tayo sa isla. Masaya lang ako na mayroon na tayong mga bagong kaibigan at ayos na ang lahat," nakangiting wika niya at nagpatuloy sa ginagawa.

"Hmm.. Masaya din ako, baby. At sa wakas, malaya na tayong makakapagsimula. Walang sekreto at walang nilolokong ibang tao," wika nito at bakas ang kasiyahan sa boses ng kasintahan. Iginiya siya nito paharap sa direksyon nito bago marahang inangkin ang labi niya. Tinugon niya iyon at nagsalo sila sa isang mabagal pero puno ng pagmamahal na halik.

"I love you, Jayvee.."

"I love you, Caren," sabay na anas nila nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Bahagya pa siyang nagulat ng lumuhod ito sa harap niya bago hinaplos at pinatakan ng halik ang kanyang tiyan. "At mahal ka din namin, little buddy," anas nito habang may malawak na ngiti sa labi.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now