Chapter 41

1.8K 69 1.1K
                                    

Nagising si Caren sa hindi pamilyar na kwarto. Medyo may kaliitan lang iyon at sa maliit lang na papag siya nakahiga. Wala siyang ibang bagay na makita doon at gawa lang sa kahoy ang buong silid. At kahit sahig ng kwarto ay gawa sa tabla maging ang dingding nito. Makaluma iyon kung titingnan pero matibay at maganda naman ang kabuuan ng silid. Kulang lang sa mga kasangkapan na tila wala sadyang tao ang nakatira doon. Medyo maalikabok din ang silid na tila matagal ng walang umuukupa sa kwarto.

Nanghihina at medyo nahihilo siya ng pilitin niyang bumangon sa papag na mayroong manipis na mattress. Mariin niyang naipikit ang mga mata dahil tila umiikot ang kanyang paningin at pasalamat siya ng agad din iyong nawala ng muling buksan niya ang kanyang mga mata. Unti-unting ding naging maaayos ang kanyang pakiramdam kasabay ng malinaw na pagpasok ng eksena sa kanyang isipan kung bakit siya napunta sa lugar na iyon. Oh God...

Agad na binalot ng kaba at takot ang buong pagkatao niya ng tuluyan niyang maalala ang lahat. May mga taong kumuha sa kanya at may kung anong nakakahilong gamot na nasa panyo ang ipina-amoy sa kanya dahilan ng pag-ikot ng kanyang paningin hanggang sa tuluyan siyang nakatulog. Ang huling natatandaan niya ay ang takot na ekspresyon ng kapatid na mabilis tumakbo papasok ng bahay para takasan ang isa pang lalaking gustong kuhanin din ito.

Inilibot niya ang mata sa kabuuan ng kwarto at wala siyang ibang makita doon kun'di ang maliit na bintana. Medyo mataas din iyon at hindi niya kakayanin kung susubukan niyang abutin iyon para tumakas. Hindi niya rin isusugal ang kaligtasan ng baby niya dahil ito ang unang maapektuhan kung sakaling magkamali siya ng galaw at mapahamak siya.

Umalis si Caren sa kama at lumapit sa dalawang pintong nandoon. Ang isa ay para sa CR at ang isa naman ay naka-lock ng subukan niyang buksan 'yon. Ilang beses pa niya iyong sinubukang buksan pero nabigo lang siya. Nakalock iyon buhat sa labas at wala siyang makitang bagay sa loob ng kwarto na pwede niyang gamitin para masira ang lock ng pinto. Kaya sumuko na lang siya at muling umupo sa papag.

"Relax lang, baby.. Makakaalis din tayo dito. Ililigtas tayo ng daddy mo," nakangiwing anas niya dahil sa biglaang paninigas ng kanyang tiyan. Tila alam ng anak niya na nasa panganib sila at nakakaramdam din ito ng takot katulad niya. Pinipigilan lang niya ang maging emosyonal dahil baka makasama lang sa batang dinadala niya.

Kailangan niyang maging kalma dahil kahit magsisigaw man siya doon at umiyak habang humihingi ng tulong ay walang ibang makakarinig at sasaklolo sa kanya. Hihintayin na lang niya ang pagdating ni Jayvee at ng kanyang magulang para iligtas siya sa kamay ng mga taong dumukot sa kanya. Sigurado siyang alam na ng mga ito ang nangyari sa kanya at sinusubukan na siyang hanapin para iligtas.

Lumipas ang oras at nanatili lang siyang nakaupo sa papag habang hinihintay na bumukas ang pinto. Nakakaramdam na rin siya ng uhaw at gutom pero ang mas inaalala niya ay ang baby sa loob ng kanyang sinapupunan. Sana naman ay makaramdam ng kahit konting awa sa kanya ang taong dumukot sa kanya at bigyan siya ng kahit kaunting makakain man lang. Sana naman ay maisip ng mga ito ang batang nasa sinapupunan niya.

Napaayos siya ng upo ng marinig niya ang marahang pagbukas ng pinto at sunod-sunod na napalunok habang hinihintay ang taong papasok doon. Domoble ang kabang nararamdaman niya lalo na ng kanyang masilayan ang pamilyar na mukha ng lalaking pumasok sa kwarto habang may ngisi sa labi. Medyo nagka-edad man ang hitsura nito pero hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha ng taong sumira sa buhay niya. Ang taong nagbigay sa kanya ng isang sakit na itinuturing niya noong isang sumpa..

"I-ikaw?" takot at hindi makapaniwalang anas niya habang papalapit ito sa kanya. Nanlamig ang kanyang pakiramdam at natulos siya sa kanyang pwesto dahil habang nakatitig siya sa mukha ng taong sumira sa buhay niya ay kusang bumabalik sa kanyang alaala ang sinapit niya sa kamay nito. Hindi niya iyon mapigilan at nanginig ang kanyang katawan dahil sa trauma at takot na dinanas niya dito noon.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now