Chapter 5

3.4K 128 1.4K
                                    


Hindi maiwasan ni CJ ang kabahan habang nasa tapat siya ng kwarto ni Caren. Hindi niya alam kung tama ba ang gagawin pero gustong-gusto niyang tulungan ang dalaga pero nangangamba siya sa posibleng mangyayari sa loob ng kwarto nito. Lalo na at kilala niya ang dark side niya na sobrang matutuwa kapag tuluyan siyang nakalapit kay Caren. Iyon ang matagal na niyang pinipigilan kaya nakuntento na siya sa kung anong meron sila noon ng kaibigan, na ayos lang kahit na sa balcony lang sila nakakapag-usap. At ngayon nga, nangangamba siya na baka hindi niya mapigilan ang sariling katawan, his uncontrollable desire para sa kaibigan. Hindi lang iyon dahil parang obsessed na din siya kay Caren.

Alam niyang mali ang nararamdaman niya sa kaibigan pero hindi niya mapigilan ang sariling mahumaling dito. Sa bawat araw na kausap niya ito sa balcony ay mas tumindi pa iyon. Lahat ng bawat galaw ng dalaga ay alam niya dahil nakasunod ang mata niya kay Caren. Yeah it's kinda creepy pero hindi niya mapigilan ang sarili lalo na at ang simpleng pagkahumaling niya dito ay nadagdagan pa ng pagnanasa na lalong hindi niya dapat maramdaman kay Caren dahil kaibigan niya ito. Idagdag pa na may girlfriend siyang naghihintay sa pagbabalik niya sa Isla at ayaw niyang magkasala sa girlfriend niya.

His hidden desire and obsession is just part of his dark side. Dark side na posibleng dahilan ng paglayo sa kanya ni Caren kapag nalaman nito iyon. O kahit ng girlfriend niyang si Laila. Natuklasan niya sa sarili iyon noong time na minsan siyang makapanood ng rated-X na videos na may halong BDSM hanggang sa nakuha non ang kanyang atensyon. Pag may free time siya ay nanonood siya ng ganon o kaya naman ay nagbabasa siya ng tungkol sa BDSM at sobrang nasa-satisfy siya sa nalalaman. Hanggang sa umabot na sa tagpong naisip niyang siya na ang gumagawa noon. At iyon ang matagal na niyang pinipigilan sa loob ng halos limang taon.

He's just fourteen that time at ang akala ng magulang ay tungkol sa subject niya ang librong binabasa niya pero hindi ng mga ito alam na collections niya iyon ng mga stories na may tungkol sa BDSM. He's just changing the book cover para hindi siya mahuli noon ng magulang dahil natatakot siya sa maaaring gawin o reaksyon ng mga ito. Hanggang sa subukan niyang itigil iyon kahit mahirap at nag-tagumpay naman siya dahil medyo nawala ang pagkahilig niya sa pagbabasa ng may topic about BDSM pero hindi nawala sa kanya ang pagnanais na gawin iyon pagdating ng tamang panahon.

Ang akala niya ay unti-unti na niya iyong nabubura sa kanyang sistema pero muling bumalik iyon ng una niyang nasilayan si Caren. Kaya hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niyang pakikipaglapit dito pero hindi naman iyon ang rason niya kung bakit siya nakipag-kaibigan sa dalaga. Gusto niya lang talaga tulungan ang dalaga. Ang alisin ang takot at lungkot sa mata ni Caren. Ang muling ibalik ang sigla at saya sa mukha nito. At walang kinalaman doon ang hidden desire at obsession niya sa dalaga. Malinis ang intensyon niya kung bakit gusto niyang maging magkaibigan sila ni Caren.

At ngayon nga, parang nais na niyang tumalikod para lumayo sa dalaga dahil pakiramdam niya ay anytime ay pwede siyang magkasala sa girlfriend niya. Pero hindi niya kayang tiisin at balewalain lang ang kaibigan, ang marinig ang pag-iyak ni Caren habang binabanggit ang pangalan niya na parang kailangan siya nito sa tabi nito. Ang bawat paghikbi nito na tila nahihirapan at ang bawat pag-ungol nito na tila may pinipigilan. Hindi kaya ng kunsensya niya na pabayaan lang ito dahil nag-iisa lang siyang kaibigan ni Caren. At bilang kaibigan ng dalaga dapat ay nasa tabi siya nito oras na kailanganin siya nito.

"Please hold yourself, hijo. Kapag hindi mo na siya kayang pigilan at nadadala ka na ng ginagawa niya, tawagan mo lang kami. Hindi soundproof ang kwarto niya para pag sinusumpong siya ay maririnig namin para may alam din kami kahit papano sa nangyayari sa loob. Dito lang kami sa labas at papasok kami kapag tinawagan mo kami. Please.. Pigilan mo ang sarili mo, CJ. Ayos lang na maapektuhan ka pero hangga't kaya mo pigilan mo," wika ng Ninong Carlo niyang nakayakap sa kanyang Ninang Carmen. Parehong bakas ang pag-aalala ng mga ito para kay Caren.

The Unforgettable MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon