Chapter 40

1.9K 79 521
                                    


Ilang araw ang mabilis na lumipas buhat ng makabalik si Caren at Jayvee sa lungsod. Simula na rin ang klase ni Jayvee at isang taon na lang ang bubunuin nito para makapagtapos. Iyon na lang ang hinihintay nila para makapagsimula na sila sa bubuuin nilang sariling pamilya. At sa Isla Montellano nga nila napiling magsimula.

Muling naiiwan si Caren sa bahay kasama ang kapatid nitong si Carl Angelo. Minsan ay hinihintay niya si Jayvee sa bahay nito pero kadalasan ay nasa bahay lang siya ng magulang dahil nahihirapan siyang gumalaw. Hindi niya rin maiwan na mag-isa ang kapatid dahil madalas nasa labas ng bansa ang magulang kaya kung nasaan siya dapat ay laging kasama niya ito.

Limitado na rin ang mga galaw niya at iilan na lang ang gawaing-bahay ang pwede niyang gawin. Dapat magaan lang at madalas kapag kasama niya sa bahay ang binata ay hindi siya nito hinahayaang tumayo para tumulong sa gawaing-bahay. Nakaalalay din lagi ito sa bawat galaw niya at kulang na lang ay buhatin siya nito sa tuwing tatayo o may gagawin siya. Buhay prinsesa siya sa tuwing kasama niya si Jayvee.

Masarap sa pakiramdam na pinagsisilbihan siya nito pero minsan OA na ang ginagawa ng binata na hindi na lang niya binibigyang pansin. Hindi din naman niya ito mapigilan kaya hinahayaan na lang niya. Gusto naman nito ang ginagawa lalo na ang pagsilbihan siya kaya hindi na lang siya kumukontra. Makabawi man lang siya sa gabi-gabi nitong pangungulit sa kanya na kadalasan ay pinagbibigyan niya dahil wala siyang lakas para tanggihan ito. Wala eh.. Masyado siyang malambot at marupok pagdating kay Jayvee.

Alam na rin ng magulang nilang engaged na silang dalawa at masaya ang mga ito para sa kanila lalo na ng malaman ng mga ito na naayos na nila ang lahat. Sinabi na rin nila sa magulang ni Jayvee ang namamagitan sa kanilang dalawa pati na rin ang pagtataksil nitong nagawa kay Laila. At sa huli ay tinanggap ng mga ito ang pagkakamali ng anak at masaya rin ang mga ito para sa kanilang dalawa ni Jayvee. And they are all excited sa nalalapit na kasal nilang dalawa lalo na sa paglabas ng batang nasa sinapupunan niya..

Sa madaling salita, naayos na nila ang lahat at wala na silang problema sa ngayon. Hinihintay na lang nila ang tamang oras para sa mga naging plano nila. Masaya at kuntento na sila sa kung anong meron sila ngayon at wala na silang ibang mahihiling pa. Sa wakas ay nakatamtan niya rin ang noon ay pinapangarap niya lang na hindi niya akalaing mangyayari pa sa kanya. At natupad lahat iyon mula ng makilala niya si Jayvee. The one and only love of her life bukod sa magulang at kapatid niya.

Sobrang laki rin ng naging pasasalamat niya sa nasa itaas dahil sa kabila ng madilim na pinagdaanan niya ay hindi pa rin siya nito pinabayaan. Nagsugo ito ng anghel sa katauhan ni Jayvee para alisin siya sa madilim na mundong kanyang kinasadlakan. Inakay siya nito paalis doon at unti-unting itinayo hanggang sa tuluyan siyang makabangon. At mula noon ay sinamahan at hindi na siya iniwan ng binata. Binantayan, ginabayan, inalagaan at higit sa lahat ay minahal.

Naputol ang pagbabalik tanaw niya ng maramdaman ang pag-upo ni Carl Angelo sa tabi niya. Kasalukuyan silang nasa living room habang hinihintay ang pagdating ng magulang nila pati na rin ni Jayvee. Galing ang magulang sa trabaho habang galing sa school naman ang kasintahan. Ganoon ang palaging tagpo nila sa mga araw na nagdaan. Maghihintay sa pagdating ng mga ito at sa tuwing weekends naman ay lumalabas sila para magbonding at mamasyal. Sa wakas ay nagagawa na rin niya ang mga bagay na hindi niya masyadong nagagawa noon kasama ang pamilya. At lahat ng iyon ay dahil na naman kay Jayvee..

Naramdaman niya ang pagyakap ni Angelo sa bewang niya na malawak niyang ikinangiti. Naglalambing ito sa kanya na madalas nitong ginagawa lalo na kapag silang dalawa lang ang naiiwan sa bahay. Napakalambing nitong kapatid pero hindi iyon masyadong halata dahil kadalasan ay tahimik lang ito. At alam niyang lahat ng nangyayari sa kanya ay may alam si Carl Angelo lalo na ang tungkol sa sakit niya at kung papaano niya iyon nakuha. Napakatalino nitong bata at para itong matanda na kung mag-isip. Mas matured pa nga ito minsang mag-isip kay Jayvee. Just kidding, haha..

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now