Chapter 26

2.4K 99 961
                                    


Magkatabi sa sofa si Caren at CJ sa living room ng bahay ng magulang ng dalaga para hintayin ang pagdating ng mga ito. Masama ang tingin ni Caren sa kasintahan at panay ang pag-ikot ng mata niya dito na tinatawanan lang ng pilyong si Jayvee. Parehas na basa pa ang kanilang buhok dahil katatapos lang nilang maligo ng sabay sa bahay nito. At katulad ng mga nakaraang araw hindi lang pagliligo ang naganap sa kanila sa loob ng bathroom. Basta masolo nila ang isa't-isa, may milagro talagang nagaganap sa pagitan nila.

Nagkaroon sila ng hindi lang iisang 'continuation' dahil sa unlimited yata ang kalandiang taglay ng araw na iyon ni Jayvee. Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap nila tungkol kay Justin, tinapos muna nila ang breakfast nila at pagkatapos non ay nagkaroon ng 'continuation' ang kakaibang 'breakfast in bed' nila sa living room at huminto lang ito sa pag-angkin sa kanya nang muling tumawag ang Dad niya para ipaalam na nasa airport na ang mga ito at on the way na daw pauwi sa bahay.

Kaya mabilis ang bawat kilos nilang inayos ang sarili at sabay ding nag-shower to freshen up dahil bakas na ang pagod sa kanya. Pero parang wala lang kay Jayvee ang halos buong araw nitong pag-angkin sa kanya kapag nakakahanap ito ng pagkakataon. At ang akala niya ay tapos na ito pero nagkaroon pa sila ng 'another continuation' sa loob ng bathroom na halos sumuko na ang katawan niya dahil sa may pagmamadali ang bawat galaw at pag-ulos ni Jayvee.

Kaya ngayon ay masama ang tingin niyang ibinibigay dito na tinatawanan lang ng binata. Dahil sa halip na makatulong ang pagliligo niyang ginawa to freshen up kanina, lalo lang siyang nakaramdam ng pagod dahil sa ginawa nito. At hindi rin siya kumportable sa kanyang pagkakaupo dahil sa medyo masakit ang nasa pagitan ng kanyang mga hita dahil nga sa paulit-ulit siya nitong inangkin na tila sinulit nito ang huling araw na solo siya ni Jayvee.

"Sorry na, Kulot ko.. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili kong paulit-ulit na angkinin ka. Akala ko ayos lang sa'yo dahil hindi mo ako pinipigilan. Ang lakas pa ng ungol at daing mo at ginagantihan mo rin ang bawat pag-ulos ko. Bakit kasi ang sarap mo," naka-pout na wika nito na parang bata. Napaka-inosente nitong tingnan pero kabaliktaran sa mga sinabi nito at sa mga kaya nitong gawin sa kanya.

Ang akala pa naman niya ay seryoso na ito sa paghingi ng 'sorry' sa kanya pero parang pinapalabas nito na kasalanan pa niya. Pero kasalanan ba talaga ang maging mahina at marupok sa bawat haplos at halik nito? Kahit naman yata sino madadala sa pang-aakit ng isang Carl Jayvee Rosal. At kabilang na siya doon.

Muli niya lang itong inirapan at lalo lang itong sumimangot. Isip-bata talaga pero ang hilig gumawa ng... nevermind!

Lumapit ang katawan nito sa kanya bago siya nito inakbayan at paulit-ulit na hinalikan ang kanyang mukha. Ganito si Jayvee kapag sinusuyo siya at parang bata rin ito kung maglambing. Masyadong clingy at sobrang madikit sa kanya.

Dadaanin siya nito sa pahaplos-haplos at pahalik-halik nito at ito naman siyang ubod ng rupok pagdating kay Jayvee, madadarang at madadala. At sa bandang huli ay hahantong na sila sa isang mainit na tagpo habang ini-uungol ang pangalan ng bawat isa. Iyon ang paulit-ulit na nangyari sa kanila habang nasa bahay siya nito. Parang ito pa yata ang naging nympho dahil napakahilig nito pagdating sa usaping pagtatalik. 'Yon bang tipong hindi ka nito titigilan hangga't hindi sumusuko ang katawan nito.

"So parang kasalanan ko pa pala? Hindi ko naman itatanggi na gusto ko lahat ng ginagawa mo sa katawan ko. S'yempre nadadarang din naman ako, nadadala at may kahinaan. Pero hindi ko naman sinabi na angkinin mo ako ng paulit-ulit na parang wala ng bukas," ismid niya dito at pilit na tinatagan ang sarili sa patuloy na paglalambing ng kasintahan.

"Wala naman akong sinabing kasalanan mo, baby. Sinulit ko lang naman ang oras na solo pa kita. Dahil alam kong mahirap ng maulit pa 'yon kapag nandito na ang parents mo. Ayaw ko namang mabilis nila tayong mahalata kapag nakita nilang araw-araw kang nanghihina at parang pagod dahil sa araw-araw kitang inaangkin. Hindi naman kasi pwedeng araw-araw kitang puntahan sa kwarto mo o papuntahin sa bahay para lang mag-lovemaking tayo. Kaya sorry na," pagpapatuloy nito habang patuloy sa pagpatak ng halik sa mukha niya. Bumaba pa iyon sa labi niya at agad niyang itinulak ang mukha nito ng dumako ang halik nito pababa sa leeg niya.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now