Chapter 27

2.2K 88 1.1K
                                    

"Caren!" sigaw ng magulang ng dalaga at ni CJ sa pangalan ng kasintahan ng mabilis itong tumayo para umalis sa living room matapos nitong marinig ang sinabi ng magulang. Halo-halong emosyon ang naramdaman ng mga oras na iyon ng binata pero nangingibabaw ang takot. Takot na baka iwan siya ng dalaga at magalit ito sa kanya. Takot na baka magalit ang magulang nito sa kanya at paghiwalayin sila. Takot na baka hindi na niya makita o makasama ang pinakamamahal niyang si Caren.

Puno ng pangamba at takot na sinundan ni CJ si Caren na mabilis na tumakbo paakyat sa hagdan patungo sa kwarto nito. Katulad ng dalaga ay patuloy sa pag-agos ang luha niya dahil sa sobra siyang nasasaktan sa pa-iyak ng kasintahan. Doble ang sakit na balik no'n sa kanya dahil siya ang may kasalanan kung bakit ito umiiyak at nasasaktan. It's his fault.. It's his fucking fault!

Nahampas niya ang pinto ng kwarto ng dalaga ng hindi niya ito maabutan. Malapit na niya sana itong mahawakan pero saktong naisarado nito ang pinto ng kwarto dahilan ng muntik pang ika-ipit ng kanyang kamay. Sunod-sunod ang ginawa niyang pagkatok doon habang sinusubukang pihitin ang doorknob at nagbabakasakali magbubukas iyon pero nabigo lang siya dahil naka-lock iyon.

"Caren! Baby! Pakinggan mo muna ako! Let me explain, baby.. Please!" malakas na wika niya habang patuloy sa pagkatok sa pinto. Alam niyang naririnig siya ng dalaga pero wala itong balak na pagbuksan siya. Halos nanakit na ang kanyang kamay sa pagkatok sa pinto habang nagmamakaawa na pagbuksan siya ni Caren pero hindi nito iyon ginawa. Sa halip ay malakas na pag-iyak nito ang narinig niya na halos ikadurog niya. Damn! I'm sorry, baby..

"Baby.. Open the door, please.. Let me explain, Kulot," pagmamakaawa niya at nanghihinang napaluhod sa tapat ng pinto ng kwarto nito. Tila nauubusan siya ng lakas sa tuwing naririnig niya ang paghikbi ni Caren. Sobrang sakit at mabigat sa dibdib habang naririnig niya iyon. Sobra siyang nasasaktan sa kaalamang siya ang dahilan ng pag-iyak nito. Nabigo siya sa pangako niyang ibabalik niya ang saya at sigla sa mukha ng dalaga dahil siya pa ang naging dahilan ng panibagong sakit at kabiguan nito.

"I'm sorry, baby.. I love you, my Kulot. Kahit 'yon lang muna sa ngayon ang paniwalaan mo habang hindi ka pa handang marinig ang paliwanag ko. Mahal kita at walang halong kasinungalingan 'yon," lumuluhang anas niya at nasundan iyon ng kanyang paghikbi.

Wala siyang pakialam kung marinig siya nitong umiiyak. Dahil kung nasasaktan ngayon si Caren, doble ang sakit na nararamdaman niya. Inaasahan na niyang may ganitong mangyayari pero hindi niya akalain na ganito pala kasakit. Hindi niya napaghandaan iyon at sobra siyang nagsisisi kung bakit niya ginawang kumplikado ang lahat.

Hindi dapat siya nagpadalus-dalos sa naging desisyon niya noon. Dapat pinag-isipan niya muna ang magiging bunga ng lahat ng kanyang ginawa. Kung alam lang niyang aabot sa ganito ang lahat. Kung alam lang niyang sobrang masasaktan ang babaeng mahal niya. Di'bale sana kung siya lang ang nasasaktan, kung siya lang ang nagdurusa. Matitiis at makakaya niya sana iyon lahat pero ibang usapan na kapag ang babaeng pinakamamahal niya ang nasasaktan.

Sobrang sakit ang balik lahat no'n sa kanya. Sa bawat paghikbi nito ay gusto niyang saktan ang sarili dahil siya ang may gawa no'n kay Caren. Gusto niyang kunin lahat ng sakit na nararamdaman nito para siya na lang ang makaramdam. Gusto niyang solohin lahat ang naging bunga ng pagkakamali niya buhat sa naging padalus-dalos niyang desisyon noon. Totoo pala ang sinasabi nilang nasa huli ang pagsisisi dahil iyon ang nararamdaman niya ngayon.

Sa halos magda-dalawampu't isang taong gulang na nabubuhay siya ay ngayon lang siya nasaktan ng ganito. Kahit noong naiwan siyang mag-isa sa bahay dahil laging nasa ibang bansa ang magulang niya para doon mag-stay at magtrabaho. Independent na siya mula pagkabata hanggang sa lumaki siya at sanay na siyang naiiwang mag-isa sa bahay.

The Unforgettable MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon