Chapter 22

2.7K 96 427
                                    

Nang sumunod na araw, nagising si Caren na nakakulong sa mga bisig ni Jayvee. Sobrang magkadikit ang katawan nila at sobrang sarap sa pakiramdam ng init na nagmumula sa hubad nitong katawan. He's topless at napilit niya itong magsuot ng boxer dahil tinakot niya itong hindi niya patatabihin sa kanya sa kama kapag wala itong saplot kung matutulog. Kaya napilitan itong magsuot ng boxer kahit na hindi ito sanay matulog ng may saplot. Yon nga lang, pinuyat siya kagabi ng binata.

Hindi dahil sa may kung anong milagro silang ginawa kun'di dahil umiral na naman ang taglay nitong kakulitan na daig pa ang isang bata na unang beses nagkita at nagkaroon ng kalaro. Pareho silang napuyat sa walang hanggang kakulitan ni Jayvee kaya ang ending sobrang gulo ng kama, nagkalat ang mga unan sa iba't-ibang parte ng kwarto at malalim na ang gabi bago sila sabay na nakatulog.

Pero mas mabuti na ring kakulitan ang umiral dito last night at hindi ang kalandian nitong taglay. Dahil sigurado siyang baka mas lalo silang napuyat ng binata kung ang kalandian nito ang umiral kagabi. Kalandian na hindi niya makayanang tanggihan. Dahil katulad ng kahinaan ng karamihan may angkin din siyang karupukan. Marupok siya pagdating kay Jayvee.. sa lalaking mahal niya. At hindi niya itatanggi o ikakaila iyon.

Ikatlong araw na ngayon buhat ng mamalagi (stay) siya sa bahay ng binata. Ilang araw pa siyang mamamalagi doon at makakasama ang makulit, pilyo at higit sa lahat ay ang malanding si Jayvee. Na buong araw ay walang ibang ginawa kun'di ang bantayan siya at pag nakakahanap ng magandang pagkakataon ay ang kulitin at landiin siya na kalimitan hindi na lang niya pinapatulan. Dahil alam niyang iisa lang naman ang bagsak o hahantungan nila kapag pinatulan niya ito. Iyon ay sa ibabaw ng kama ng binata. Moaning and groaning their names habang inaangkin nila ang isa't-isa.

Dahan-dahan siyang kumilos para kumawala sa mga bisig ni Jayvee subalit mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa katawan niya. Umungol ito na tila nagpo-protesta sa ginawang pagkilos niya at mas hinapit siya palapit sa katawan nito. Sumiksik ang ulo nito sa leeg niya at pumatong din ang isa nitong binti sa kanya kung kaya't naramdaman niya ang matigas na bagay na ngayon ay nakadikit sa kanya. He's hard because of morning erection.

Gustuhin man niyang manatili pa sila sa ganoong tagpo dahil sa masarap at kumportableng pakiramdam sa mga bisig ni Jayvee pero kailangan na niyang magluto ng breakfast dahil may pasok ngayon ang binata.

Alas-n'webe ang simula ng klase nito ayon sa sinabi nito kagabi at may dalawang oras pa siya dahil alas-s'yete pa lang ng umaga. Sapat na para maipag-handa niya ito ng almusal at para na rin makapag-handa ito para pumasok. Pero paano mangyayari iyon kung hanggang ngayon ay nakakulong pa siya sa mga bisig ni Jayvee? Kung hanggang ngayon ay pareho pa silang nakahiga sa kama?

"Wake up, Jayvee. Baka ma-late ka na sa klase mo," anas niya dito at bahagyang tinapik ang mukha ng binata para magising ito. Bahagya lang itong gumalaw at umungol pero nanatiling nakasiksik ang mukha sa leeg niya. Pero alam niyang naalimpungatan ito sa kanyang ginawa.

"Five more minutes, baby. Maaga pa naman. Mamaya mo na lang ako gisingin," inaantok na anas nito at mas lalo pa siya nitong hinapit na halos idagan na nito ang katawan sa kanya. Bahagya niya itong itinulak pero walang silbi iyon dahil nakapulupot ang braso nito sa katawan niya. Napahinga na lang siya ng malalim dahil tila totoong antok pa ang binata, na hindi lang ito umaarte.

"Okay. Pero pakawalan mo na ako. Kailangan ko ng magluto ng breakfast natin at mamaya na lang kita babalikan dito kapag nakatapos na ako," anas niya at naramdaman niya ang pagluwag ng pagkakayakap nito sa kanya kung kaya't nakawala siya doon. Antok na antok pa talaga ito at kasalanan nito iyon. Naiiling na lang siyang lumabas ng kwarto para simulan ang pagluluto ng breakfast nilang dalawa.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now