Chapter 31

2.5K 97 1K
                                    

Halos hindi na nakatulog si Caren ng gabing iyon habang binabantayan at inaalagaan si Jayvee. Maya't-maya niyang tinitingnan ang kalagayan ng binata dahil mas tumaas pa ang lagnat nito. Nanginginig na rin ang katawan ni Jayvee kung kaya't binalot na niya ito ng comforter. Awang-awa siya sa kalagayan ng binata, mabuti na lang at nagpunta si Jayvee sa bahay ng magulang niya. Dahil kung nagkataon ay mag-isa lang ito sa bahay habang may sakit at walang mag-aalaga dito. Ganito din kaya ito kapag nagkakasakit noon? Nag-iisa? Walang magulang o kapatid na nag-aalaga?

"Kulot.. Caren," nanginginig na anas nito kaya mas lumapit siya sa katawan ng binata. Paulit-ulit nitong binibigkas ang pangalan niya na tila ayaw ng binata na lumayo siya sa tabi  nito. Inilapat niya ang palad sa noo nito para damhin kung mataas pa ang lagnat ng binata at napahinga siya ng maluwag ng hindi na ganoon kainit si Jayvee. Umeepekto na ang gamot na pinainom niya dito. Bumababa na ang lagnat nito.

"I'm here, Jayvee," she whispered bago sumukob sa kumot na nakabalot sa katawan nito bago niya niyakap ang hubad na katawan ng binata.

Tanging boxer shorts lang ang suot ni Jayvee sa katawan dahil pinunasan niya ang katawan nito kanina. Hindi na niya ito pinalitan pa ng damit dahil nababasa lang din iyon ng pawis. Maya't-maya niya rin itong pinupunasan kaya hinayaan na lang niyang walang saplot ang binata maliban sa boxer shorts nito. Nakabalot naman ito sa comforter at iyon ang nagsisilbing kasuotan ni Jayvee.

"Don't leave me, please.. I need you, Caren. Dito ka lang sa tabi ko," parang batang anas nito at hinapit ang katawan niya papalapit sa hubad nitong katawan. Mainit pa rin ito pero hindi na katulad kanina. Hindi na ito tila nakakapaso sa sobrang init.

"Nandito lang ako, Jayvee.. Hindi kita iiwan," wika niya bago hinaplos pataas ang buhok nito. Nakikita niya ang mukha ng binata dahil hinayaan niyang bukas ang ilaw para malaya niyang mai-check ang kalagayan ni Jayvee.

Namumula ang mukha nito dahil sa mataas na temperatura ng katawan ng binata. May ilang butil din ng pawis sa noo nito at ramdam niya rin ang pawis sa katawan ni Jayvee. Tanda iyon na umeepekto na ang gamot sa katawan ng binata dahil ayon sa Mom niya na ilang beses nang pumunta sa kanyang kwarto para i-check si Jayvee. Oras daw na pagpawisan ang isang may sakit pagkatapos nitong uminom ng gamot, ibig-sabihin daw no'n ay umepekto na ang gamot sa katawan ng may sakit.

"You're here.. Parte lang ba ito ng panaginip ko?" mahinang anas nito habang nanatiling nakapikit ang mga mata. Umangat ang kamay nito sa mukha niya para hawakan at haplusin iyon. Dama niya ang init na nagmumula sa kamay ng binata na paulit-ulit na humahaplos sa mukha niya.

"Hindi ka nananaginip lang, Jayvee. It's real.. I'm real. Nandito lang ako sa tabi mo. Aalagaan kita katulad ng gusto mo, kaya magpagaling ka na. Open your eyes, Jayvee. Tingnan mo ako," mahinahong anas niya at hinawakan ang kamay nitong patuloy na humahaplos sa kanyang mukha.

"No. I don't want to open my eyes, baby. Alam kong panaginip lang itong lahat. Dahil dito nahahawakan at nahahaplos na kita. Dahil dito hindi ka na galit sa'kin. Dahil dito kasama na ulit kita. Ayaw kong buksan ang mga mata ko dahil baka biglang maglaho ang lahat ng ito. Baka paggising ko bumalik ka na ulit sa dati na ayaw na sa akin at itinataboy ako. Ayaw ko ng gano'n, baby. Masakit. Sobrang sakit sa dibdib. Natatakot ako dahil baka iwan mo na ako. Baka mawala ka sa'kin," nasasaktan at natatakot na anas ni Jayvee kasabay ng pag-agos ng luha nito. Ramdam niya ang sakit sa bawat salitang binibitawan nito kung kaya't katulad ng binata ay hindi niya mapigilan ang umiyak habang nakatingin sa mukha nito. Para itong bata na nagsusumbong sa isang ina dahil brokenhearted ito.

"Hindi na 'yon mangyayari, Jayvee. Nandito na ulit ako. Nagalit lang ako at nasaktan. Pero wala sa isip ko ang iwanan ka. Sasamahan kita sa pagharap ng pagkakamali mo. Katulad ng ginawa mong pagsama sa'kin sa pagharap sa sakit ko," emosyonal na wika niya bago ito mahigpit na niyakap. Gumanti ito sa pagkakayakap niya at hinawakan ang kanyang baba bago iyon bahagyang itinaas. At agad na lumapat ang labi nito sa kanya sa isang mabilis at magaang halik.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now