Chapter 16

2.9K 109 1.2K
                                    

Masigla ang bawat galaw ni Caren ng magising siya isang umaga. Bumalik ang saya at sigla sa kanya buhat ng makabalik si Jayvee sa tabi niya. Ibang-iba noong mga araw na wala ito at minsan niyang naisip na sumuko na lang dahil dobleng hirap ang naramdaman niya buhat ng pumunta ang binata sa Isla Montellano. Bukod dahil sa nasanay na siya sa presensya ng binata, hinahanap-hanap din ito ng katawan niya. Ang bawat haplos nito at ang masarap na sensasyong naidudulot ni Jayvee sa kaibuturan niya. At iyon ang hinahanap ng kanyang katawan kapag sinusumpong siya, ang nakakabaliw na epekto sa kanya ng binata.

Ilang araw na ang mabilis na lumipas buhat ng makabalik ito galing sa isla. Ilang araw na ang nakakaraan pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang naganap ng araw na iyon. Ang nangyari sa pagitan nila ni Jayvee sa loob ng bathroom niya. Agad na nag-init ang mukha niya ng malinaw na bumalik iyon sa kanyang alaala.
Alaalang mahirap kalimutan pero kay sarap balikan. Nakakapag-init at nakakapanindig ng balahibo sa masarap na paraan. At hindi niya mapaniwalaan ang sarili na nagawa niya iyon kay Jayvee. She touched him. Hindi lang basta touch because she played his thing with her hands.

Lalo na ang pangyayari na nagising siya na nasa ibabaw na ng kanyang kama habang nasa pagitan ng hita niya ang ulo ng binata. Eating and lapping her flesh at hindi na siya sinusumpong ng oras na iyon kaya mas malinaw sa kanya ang pangyayari. Ramdam na ramdam niya ang masarap na kiliting dulot ng ginagawa ng bibig doon ni Jayvee at wala siyang nagawa noong oras na iyon kun'di ang magpaubaya sa binata. Hinayaan niya si Jayvee na sambahin ang kayamanan na nasa pagitan ng kanyang mga hita. At hindi ito tumigil hangga't hindi niya nararating ang sukdulan and he drinks all of her juices.

At nang tinanong niya kung bakit ginawa iyon ni Jayvee, he just said na baka daw sinusumpong pa siya at kailangan pa niyang maglabas ng init ng katawan. Take note, may pilyong ngiti ito sa labi habang sinasabi nito iyon at sinundan nito ng malanding pagtawa. Samantalang alam niyang hindi lingid sa kaalaman ni Jayvee na once na makapag-release siya ng isang beses ay unti-unti ng nawawala ang epekto ng sakit niya. Idagdag pa na nakatulog na siya kaya sobrang maayos na ang pakiramdam niya noon but he's still insisting na kailangan niya iyon kaya ginawa iyon ni Jayvee sa kanya. Napaka-pilyo talaga..

Hindi pa siya ulit sinusumpong ng sakit niya buhat ng nangyari iyon. Pansin niya ring buhat ng araw na bumalik si Jayvee galing sa isla ay mas naging clingy, madikit at sweet sa kanya ang binata. Pero ang higit sa lahat naging malandi ito sa kanya. Mas naging maalaga ito at halos nakatira na rin ito sa bahay ng magulang niya dahil halos sa kanya nauubos ang oras nito. Umuuwi lang ito kapag gabi na para matulog. Sa kanila na rin ito kumakain at parang nagkaroon siya ng isa pang kapatid at sa katauhan iyon ni Jayvee.

At hindi niya itatanggi na sobrang nahuhulog na siya sa binata. Hindi niya lang masyadong binibigyang pansin ang espesyal na nararamdaman niya para kay Jayvee dahil baka mailang ito sa kanya kapag nalaman nitong nahuhulog na siya dito. Baka masira pa ang magandang samahan nila lalo na ang pagiging malapit nilang magkaibigan. Makukuntento muna siya sa pagiging magkaibigan nila at hihintayin na lang din niyang mahulog sa kanya ang binata. Pero hindi niya pipigilan ang nararamdaman niya dito.. itatago lang niya.

Inayos niya muna ang kama niya bago siya pumasok ng bathroom to do her morning rituals. Hindi na siya nagpalit ng suot niyang pantulog ng lumabas siya ng kanyang kwarto. Malaking t-shirt ni Jayvee ang suot niya na ibinigay nito sa kanya at wala siyang suot na panloob doon. Maiksing short naman ang pang-ilalim niya na halos hindi na rin makita dahil sa mahaba para sa sukat niya ang t-shirt ng binata. Kaya parang t-shirt lang ni Jayvee ang suot niya kung titingnan. 

Pumunta muna siya sa direksyon ng kwarto ng magulang para magpaalam sa mga ito na pupunta siya sa bahay ng magulang ni Jayvee. Plano niyang ipagluto ito ng breakfast para naman kahit papaano ay makabawi siya sa ginagawa nitong pagtulong sa kanya. Araw-araw na lang niyang gagawin iyon para maramdaman nito ang kanyang pasasalamat. Pati na rin para maramdaman ni Jayvee ang espesyal na nararamdaman niya para dito.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now