Chapter 3

3.2K 129 1.7K
                                    

Excited at may ngiti sa labi na bumangon sa kama si Caren pagkagising niya isang umaga. Agad siyang pumasok sa comfort room to do her morning rituals at mabilis ang kanyang bawat galaw. Inayos niya din ang sarili sa harap ng malaking salamin at kita niya ang kasiyahan sa mata niya na kanya muling naramdaman mula ng pumayag siyang makipag-kaibigan sa binata sa kabilang bahay. Si CJ but she likes calling him Jayvee. At kulot naman ang tawag nito sa kanya dahil daw sa kanyang kulot na buhok na bagay naman daw sa kanya ayon sa binata.

Sa nakalipas na mga araw buhat ng naging magkaibigan sila ay masasabi niyang mabait ang binata. Hindi niya agad ibinigay ang buong tiwala niya dito noong una dahil sa inosente at mala-anghel na mukha nito. May paniniwala kasi siyang 'look can be deceiving'. Maaaring malinlang sino man gamit ang mala-anghel nitong anyo. Dahil para sa kanya kung sino pa ang may maamo at inosenteng mukha, sila pa ang may itinatagong 'dark side' sa loob. Nagkukubli ang totoong katauhan nila sa kanilang panlabas na anyo.

Kabilang man si Jayvee sa mayroong mapanlinlang na anyo pero sa tingin naman niya ay hindi ito kabilang sa may masamang katauhang itinatago. He's good inside and outside at 'yon ang nasisigurado niya. Hindi mapanlinlang ang anyong meron ito dahil sadyang may kabutihang taglay ang binata. At masaya siya dahil bukod sa magulang at kapatid niya ay mayroon na siyang ibang taong mapagkakatiwalaan.

Mabilis na nakuha ni Jayvee ang loob niya dahil kung ano ang gusto niya, 'yon ang masusunod. Never itong nagtanong o nangulit kapag alam niyang may iniiwasan siyang topic. Casual ang pag-uusap nila at kahit magkaibigan na sila ay hindi pa niya ito hinahayaang makalapit sa kanya. Hindi naman ito nagtatanong kung bakit bawal itong lumapit o pumunta sa kanilang bahay pero alam niyang napupuno na rin ito ng curiosity. Tanging sa balcony lang sila nakakapag-usap at nakukuntento sila sa ganoon. Masaya ang bawat araw na  lumilipas na parang ang binata ang naging ilaw o tanglaw niya sa madilim ng kanyang nakaraan. Ito ang nagsisilbing kanyang liwanag..

Lumabas siya ng comfort room at malawak ang ngiting nagtungo sa balcony ng kwarto. Mas lumawak pa ang ngiti niya ng makita si Jayvee sa balcony ng kabilang bahay na nakaupo at may tasa ng kape sa harap na nakapatong sa mesa. May binabasa itong kung ano pero agad din nito iyong ibinaba ng mapansin nito ang presensya niya. At nakagat n'ya ang sariling labi ng masilayan niya ang magandang ngiti sa labi ng binata ng mag-angat ito ng tingin sa kanya.

"Good morning," nakangiting bigkas ng binata dahilan ng pagkabog ng dibdib niya. He's really handsome sa kabila ng inosente nitong mukha. Kainosentehan na mabibihag ka kahit na anong pagpipigil mong gagawin. Kainosentehan na makakapagsala dahil iisipin mong ito ay dungisan. Dungisan sa kakaibang paraan at iyon ang kanyang pinipigilan dahil sa tuwing sinusumpong siya ng kanyang pagiging nympho.. si Jayvee ang naiisip niya.

"Good morning din," she replied bago umupo sa upuan na naroon sa balcony. Hindi na naalis ang titig nito sa kanya at hindi niya mapigilan ang mailang dahil may kakaibang epekto iyon sa kanya. Mukha naman na walang ibang kahulugan ang titig nito dahil napaka-inosente ni Jayvee habang ginagawa nito iyon pero iba ang dating non sa kanya. And she have to stop herself from wanting him dahil baka iyon ang maging dahilan ng pagkasira ng nagsisimulang friendship nila ng binata.

"Coffee?" alok nito at bahagyang itinaas ang tasa ng kape bago inilapit sa labi nito. Hindi nito inaalis ang pagkakatitig sa kanya habang ginagawa ng binata 'yon at napalunok siya ng sariling laway dahil pakiramdam niya ay inaakit siya ng binata. O siya lang itong nagbibigay ng malisya sa mga kilos nito. Ugh!

Naputol lang ang pakikipag-titigan niya kay Jayvee ng makuha ng kapatid ang kanyang atensyon habang dala nito ang gatas niya. He's just six years old pero nagagawa na nito iyon dahil may pagka-mature mag-isip at kumilos ang kapatid niya. Matalino itong bata and every morning ay ginagawan siya nito ng gatas at dinadala sa kwarto niya. He's sweet...

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now