C H A P T E R 5 4

1.1K 80 8
                                    

Kiel's PoV

"Sige lumapit kayo mga g*go!" halos mapatid ang ugat ko sa leeg sa sobrang lakas ng sigaw ko. Kanina pa ako nandito sa kuta ng mga demonyo, sa kutang pinagtataguan ng mga BSG members. Mas humigpit pa ang pagkakahawak ko sa baseball bat dahil sa nakakairita nilang pagtawa, nagsindi pa ng paputok iyong isa at inihagis sa tapat ko, nagulat man ay hindi ko pinahalata.

Sigurado ay nahuhulaan niyo na kung bakit sumugod ako ngayon sa kuta nila ng nag-iisa at marahil ay nagtataka din kayo kung bakit may hawak akong baseball bat.

Oo tama kayo ng hinala, sila nga ang may kagagawan kung bakit napahamak ang kapatid ko. Sobrang galit ang nasa dibdib ko ngayon na kahit na ilang beses na akong pinaalalahanan ni Ella kagabi ay hindi pa rin ako nakinig.

Gusto kong pagdudurugin ang mga mukha ng mga black shit este sheep pala na ito para makaganti manlang sa ginawa nila sa kapatid ko.

Napuno ulit ng nakakairitang halakhak nila ang luma at abandonadong gusali na pinagkukutaan nila. Sa inis ko ay ako na mismo ang sumugod sa kanila at agad na hinampas sa mukha yung isa, napamura ito at napahawak sa gilid ng labi na pumutok, dumura ito sa sahig at nakita kong nabungi pa pala ang ngipin sa lakas ng hampas ko.

Oo labag sa prinsipyo ng samahan namin itong ginagawa ko ngayon pero anong pake ko? Hindi na. Mahalaga sakin ngayon ang prinsipyo na yan kung buhay na ng mga mahal ko ang nakataya.

Naalarma silang lahat pagkatapos ay nagkatinginan, kanina ko pa ginagala ang paningin ko sa paligid pero hindi ko makita ang leader nilang si Tadeo o Thaddeus Claverias.

Sa isang tango lang ni Damon, ang kanang kamay ni Tadeo ay nagsisugod sila sa akin. Napagtanto ko sa mga oras na iyon na wala nga ang leader nila kung kaya ang kanang kamay nito ang nagsisilbing pinuno ngayon.

Naging maagap ako sa mga pag atake nila, bawat suntok at sipa ay sinasangga ko gamit ang baseball bat o kaya ay ang libre kong kamao at paa. Marami sila at alam ko na dehado ako pero hindi na ako makapag isip ng tama, masyado na akong kinakain ng galit na nararamdaman ko, ang gusto ko na lang ay saktan sila at natatakot ako na unti-unti nang nagdidilim ngayon ang paningin ko sensyales ng nagbabadyang delubyo. Hindi ko na mapipigilan pa ang sarili ko at hindi ko na rin alam pa ang magagawa ko.

"Masyado kang matapang Fuentabella!" natatawang sigaw ni Damon Aguilera.

"Tatapusin na ba natin to boss?" tanong naman ni Rex Facultad, iyong maraming tattoo sa buong katawan at panay ngumunguya ng bubble gum, at kulay pula ang buhok.

"Bigyan niyo lang ng leksyon, hindi pa tayo pwedeng magpadalos dalos sa ngayon hangga't wala pa si Thaddeus." tugon naman ni Damon. "Balian niyo lang ng buto kung kinakailangan, may importante pa tayong pupuntahan ngayon wag niyong kakalimutan." dugtong pa nito sabay hitit sa hawak na sigarilyo at tinignan pa ako ng matalim sabay ngisi ng nakakaloko at tinalikuran na kami, kahit nakatalikod ay nakita ko pang pinabilog bilog nito ang usok ng sigarilyo sabay pamulsa.

Masyadong maangas, ang sarap basagin ng mukha!

Nagpupuyos ang kalooban na sinundan ko siya ng tingin na siyang pagkakamali ko dahil hindi ko napansin ang pagsugod ng isa sa gilid ko kaya nasalo ko na lang ang pisngi kong sinapak niya, muntikan pa akong matumba buti na lamang at naitukod ko ang hawak kong bat. Ginalaw galaw ko ang panga ko dahil sa sakit, tinignan ko ng masama si Blaster Simon na siyang sumapak sa akin, nakita kong ngumisi siya habang nakataas ang dalawang kilay at sumesenyas na lumapit ako sa kanya gamit ang hintuturong daliri.

Sumugod ako palapit sa kanya pero nasipa ako ng isa sa sikmura, napaluhod ako sa sementadong sahig at halos mamilipit ako sa sakit. Nauubos na ang pasensya ko at tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon