C H A P T E R 48

1.3K 94 5
                                    

Cassey Ysabelle Villanueva

Back to School na! Kahapon pa kami nakauwi from States pero pinili kong magpahinga na lang muna.

Makikita ko na din naman kasi ang aking best friend kinabukasan eh. I really missed her na, mamaya aayain ko siyang mag sleep over dito sa bahay namin.

Nagtataka siguro kayo kung bakit kasama ko si Kenneth Mendoza sa States no? Well ahm..Next time ko na sasabihin.

"Thank you Steve." nakangiting sabi ko sa butler namin matapos akong pagbuksan ng pinto ng kotse, Steve lang ang gusto niyang itawag ko sa kanya kahit halos doble ang edad naming dalawa.

"No problem Miss Ysabelle." and yes, iyan ang tawag niya sakin para daw unique, higit na sa kaibigan ang turingan namin ni Steve sa isa't-isa, kung tutuusin ay kapatid na siguro, he's 28 years old already, mabait, gwapo, matangkad at may kagalang-galang na aura. He's professional and well educated, kung nagtataka kayo kung bakit naging Butler namin siya, ang sagot ay kinupkop kasi siya ng parents ko at bilang pasasalamat daw ay magiging Butler siya ng pamilya namin, tumutulong din siya sa pagmamanage ng business namin pero gusto ni Daddy na lagi niya kong samahan dahil mapagkakatiwalaan siya.

Agad pinaandar ni Steve ang kotse para ihatid ako sa School medyo excited na ako kasi sa wakas makikita ko na ulit ang mga kaklase ko lalo na si Mikaella.

Hindi nagtagal ay narating na namin ang gate ng School, marami na ding student ang naroon kahit medyo maaga pa, siguro ay excited na rin silang pumasok tulad ko.

"Take Care Miss Ysabelle."

"You too Steve. Thanks." ngumiti ako sa kanya at bumaba na ng kotse matapos kunin ang malaking paper bag na naglalaman ng mga souvenir para sa mga kaklase ko. And of course bukod ang kay Mika dahil best friend ko siya. Iniwan ko sa bahay yung para sa kanila ng family niya para may dahilan na rin na pumunta siya sa bahay.

"Oh my God, Cassey Ysabelle Villanueva!" yay narinig ko na ang boses niya! Pumihit ako patalikod at nakita ko ang ngiting-ngiting si Mikaella habang patakbong lumalapit sa akin.

"Best friend!" tili ko at sinalubong siya ng mahigpit na yakap."I missed you so much!"

"Namiss din kita gaga ka! Hindi ka manlang tumatawag, nagtatampo ako sa'yo alam mo yun." aww she's so cute talaga.

"Sorry na, mamaya mag sleep over ka samin, marami akong pasalubong sa inyo nila Tita. Para na rin magkakuwentuhan tayong dalawa, okay ba yun?" nakita kong sumimangot siya.

"Tingin mo papayagan ako?"

"Akong bahala, sakin ka sumabay mamayang uwian."

"Hindi pwede eh."

"Bakit naman hindi pwede?" nagtatakang tanong ko.

"Basta mahabang kwento, ang mabuti pa ay sa akin ka na lang sumabay mamaya."

"Hmm, okay. Let's go?" kinawit ko ang braso ko sa kanya habang hawak ko sa isang kamay yung malaking paper bag. Sabay kaming pumasok sa class room and as usual sinalubong kami ng maingay naming classmates.

"Tumaba ka Kat!" pansin ko kay Katrina. Agad naman niya kong sinamaan ng tingin.

"Pang-ilan ka na sa nagsabi niyan." naiinis na sagot ni Katrina dahilan para matawa kami sa reaction niya.

"Oo nga Kat medyo tumaba ka nga." segunda naman ni best friend.

"Sige ipangalandakan niyo pa!" sigaw samin ni Katrina na ikinatawa na naman namin. Ewan pero ang bababaw talaga ng mga kaligayahan namin pag nandito kami sa klase.

Fast forward. Uwian na and kakarating lang namin sa bahay nila Mika.

"Girl who's that handsome man?" bulong ko sa kanya, kanina pa ako kating-kati na malaman kung sino yung nagdrive para sa amin papunta sa bahay nila Mika.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon