C H A P T E R 41

1.3K 90 6
                                    

"Ang galing mo kanina PB." malambing na ani Kiel sa akin habang dinadampian ng ice bag ang tuhod ko.

"Hmm. Pinagbigyan lang ako nila Kuya kanina."

"Magaling ka, mas lalo akong humanga sa iyo. Kahit labanan ka nila ng totohanan ay alam kong mapapantayan mo yung kakayahan nila. Baka nga malagpasan mo pa eh kapag nag practice ka pa." nakangiting tumingala sa akin si Kiel. Nakaupo ako ngayon sa sofa sa sala habang siya ay nakaluhod sa carpet at ginagamot ang pasa sa tuhod ko.

"Magpapractice pa ako." nakangiting sabi ko.

"I will help you." aniya na mas lalong dumagdag sa excitement ko.

"Talaga?" malapad ang ngiting tanong ko. Tumango naman siya sakin.

"Teka maliligo na muna ako, pinagpawisan ako ng sobra kanina eh." tumayo ako, ganun din si Kiel.

"Si-sige." sagot niya. Ngumiti lang ako sa kanya bago umakyat sa kwarto ko, dumiretso ako sa cr para maligo.

Tinimpla ko muna ang temperature ng tubig bago tinapat sa shower ang katawan ko.

Habang umaagos ang maligamgam na tubig ay sunod-sunod na mga isipin ang pumapasok sa isip ko. Yung nangyari kanina, yung mga narinig ko. Ano ba talagang nangyari 6 years ago?

Mga picture. Tama kailangan kong makita yung mga dating picture, baka sakaling may maalala ako.

Ano ba talagang meron sa Pamilya namin? Yung espada, yung pakikipaglaban, yung talas ng pakiramdam, yung underground, yung kayamanan, yung importanteng pieces daw. At sino yung Don at Donya sa buhay namin? Sino yung pumatay kay lolo. Sino yung nagtatangka sa buhay namin? Sino yung naghahangad sa yaman ng Pamilya namin? At yung gustong sabihin ni Tito Melvin kanina na pinipigil ni Papa?

I want to know everything, I need answers!

Nagmadali akong maligo at nagbihis. Nang matapos ay mabilis kong tinalunton ang hagdan paakyat sa attic ng bahay namin.

Nang makapasok ay binukas ko ang ilaw at bumungad sa akin ang maayos na salansan ng mga gamit sa gilid. Pawang may takip na puting tela lahat ng gamit na naroon. Dahan-dahan lang ang naging lakad ko palapit sa patung-patong na kahon.

Huminga ako ng malalim. This is it, what ever it takes I need to be ready, I need to face the truth. I need to be strong..

Hinawi ko ang puting tela at inalis ang takip ng unang kahon na nakita ko. Puro mga papel lang ang laman niyon kaya binuhat ko, ibinaba at muling tinakpan. Sumunod ang isa pang kahon, gaya ng nauna ay inalis ko rin ang takip niyon at nakita ko ang mga lumang litrato, binuhat ko iyon at ibinaba.

Naupo ako sa harap ng kahong iyon at inumpisahan na tignan ang mga larawan.

Larawan ng lolo at lola ko. Larawan ng buong Pamilya sa harap ng napakalaking bahay. Mukhang may okasyon at lahat ay pawang mga nakangiti, si lolo, si lola, si Papa, si tito Melvin at ang isa pang lalaki na mukhang siyang pinaka panganay sa tatlo ngunit hindi ko nakikilala, iyon din yung lalaki na kasama sa Family Portrait na nakasabit sa tabi ng pinto ng underground. Tinitigan kong mabuti ang itsura ng lalaking iyon at hindi ko maunawaan ang labis na kabang dulot niyon sa sistema ko.

Nanginig ang kamay ko habang tinitignan pa ang ibang mga larawan. Panay ang paghinga ko ng malalim upang kalmahin ang sarili. Puro mga picture lang naman ng buong Pamilya nila Papa ang naroon mula nung baby pa lamang sila papa at tito Melvin ngunit kataka-taka na walang larawan nung sanggol pa lamang yung isang lalaking parang kamaganak din nila. Larawan lang nito noong bata ang naroon, mga nasa sampung taong gulang na siguro ito doon.

Kung titignang mabuti ay parang kapatid lang ito na panganay nila Papa at tito Melvin ngunit bakit hindi ko nakikita sa personal? Puro larawan lang ang mayroon at kung hindi pa dahil dun ay hindi ko malalaman na may isang siya pala sa aming Pamilya. Ngunit anong kinalaman niya sa mga Corpuz?

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon