C H A P T E R 7 9

1.5K 77 17
                                    

[Kiel Dominic Fuentabella]

"You are almost fifteen minutes late Fuentabella."

"Galing pa ako sa Quezon." Pinukol ko ng matalim na tingin si Fredd.

"How's the Saavedras?" tanong niya.

"They are all stable, even their men."

"That's good, maybe you can focus on your own business now?" sarkastiko ang tono niya.

"What do you mean?" inis kong tanong.

"You are willing to risk your life for that girl."

"What the hell?!" inuubos niya yata ang pasensya ko, e! Nakakapikon! "Did you asked me to come here just to insult me or what?"

"Easy boy." nakangising aniya.

"I'm not a boy."

"Okay, easy girl." nagtiim ang bagang ko sa inis.

"Are you trying to annoy me?" tanong ko sa kanya kahit pa mukhang seryoso siya mula pa kanina.

"Okay, man. You are a man, kamusta ang kapatid mo?" naging seryoso lalo ang itsura niya.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. "Base on her Doctor in charge, ready na ang katawan niya for cardiac transplant. Hinihintay na lang namin ang tawag nila."

"You need to bring your mother and brother."

"Sa America?!" napalakas ang tanong ko, hindi makapaniwala.

"Yes." maiksi lang ang sagot niya pero puno iyon ng kahulugan, naroon ang awtoridad, nag-papaunawa at mahirap tanggihan.

"Bakit?" nalilitong tanong ko.

"They are not safe here anymore, hindi habang panahon ay maitatago kay Timothy ang katotohanan."

"Paano ko gagawin yon?"

"Sasakay ng eroplano." grabe ang galing niyang sumagot!

"Alam ko, pero maraming kayang gawin si Timothy Claverias, hindi malabong matunton kami kaagad."

"Kailangan mong maki-usap sa mga Saavedra, may sarili silang eroplano, iyon lang ang nakikita kong paraan para hindi kayo masundan o mahanap ni Timothy, pagdating sa America, kailangan niyong gumamit ng ibang pangalan for security."

"How is that possible?" naguguluhang tanong ko.

"Nakausap ko na ang Daddy mo, ang mga tauhan niya na ang bahala doon. Susunod ako kapag nasiguro ko nang hindi kayo masusundan o mahahanap ni Timothy."

"Bakit kailangan pang tumakas kung pwede namang magpatulong sa mga pulis?" nagugulo lalo ang isip ko.

"Iyon na sana ang ginawa namin kung pwede, pero masyadong malakas ang kapit niya. Maliit ang tiyansang panigan tayo at manalo, isa pa ayokong magbaka sakali. Mas mabuti nang kumilos sa mahirap at magastos na paraan kaysa umasa sa iba na wala namang kasiguraduhan. " napabuntong hininga na lang ako sa narinig, ngayon pa lang ay iniisip ko na kung paano ko poprotektahan at aalagaan ang pamilya ko kung ako lang mag-isa.

"Gising na ba si Thaddeus?" tanong ko. Naisip ko na kung gising siya at maunawaan lahat ng nangyari, baka sakaling mas maging madali para sa lahat.

"He's still in a coma. Kaya kailangang maging maingat sa biyahe."

"How about m-my..mother?" pakiramdam ko ay tuluyan ng nalusaw ang katigasan ng loob ko. Pagdating sa pamilya, kahit ano pang galit mo sa kanila, talaga pa lang hindi mo sila matitiis kahit gaano pa kalalim ang hindi ninyo pagkakaunawaan.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon