C H A P T E R 27

1.5K 100 6
                                    

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang emergency watch na binigay ni Kiel sakin.

Ngayon buo na ang pasya ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtype ng text message para sa kanya.

Bumuntong hininga ako ng magregister ang message sent sa screen. Ibababa ko na sana iyon sa bed side table ng biglang mag beep.

From Jomzel:
Babe sorry ngayon lang ako nakapagtext, sa rest house namin ang final venue ng year end party natin. Bukas na agad dahil sa 23 na ang flight namin. See you tomorrow. Love you!

Muntikan ko ng mabitawan ang cellphone ko. What's wrong with him? Bakit ganun siya magsalita sa akin? Pinagtitripan niya ba ako? Kailangan ko siyang kausapin. Jomzel Edrix humanda ka sakin!

1 message received

From: Monster Kiel ❤️
Remember this day, 12/19/2020 . Isa, apat, tatlo. Thank you PB ko❤️

Huh? Anong isa, apat, tatlo? Ang labo talaga ng Monster Kiel na yun, hmp!

To Monster Kiel ❤️
Anong isa, apat, tatlo?

Ilang minuto ang lumipas bago siya sumagot.

From Monster Kiel ❤️
Kapag sinabi kong Isa, apat, tatlo. Sagutin mo ako ng isa, apat, tatlo, dalawa. Okay?

Agad akong nagtype ng message.

To Monster Kiel ❤️
Ayaw! Mamaya nagmumurahan na pala tayo hindi ko pa alam. 🙄

Calling Monster Kiel ❤️

Hala tumatawag siya! Pinindot ko ang answer button.

"H-hello?" bungad ko.

"Isa.. Apat.. Tatlo." aniya.

"Ano ba kasing ibig sabihin nun ha?"

"Alamin mo, PB ko."

"Ang corny mo. Hindi ko alam na ganyan pala magkagusto ang supladong tulad mo."

"PB ko.."

"Mmm?"

"Salamat." aniya sa kabilang linya. Napakaseryoso ng boses niya. "Ngayon lang ako ulit sumaya ng ganito. Salamat dahil binigyan mo ng kulay ang buhay ko. Mula ng iwan kami ni Mommy tinatak ko na sa puso at isip ko na hindi ako magmamahal, na pare-pareho lang lahat ng mga babae. PB, pwede ba akong humiling sa'yo?"

"Mm. Ano naman yun?" nangingiting tanong ko.

"Wag kang tutulad sa Mommy ko. Wag mo akong iiwan."

"Bakit naman kita iiwan? Hindi ako ganoon." nakarinig ako ng pagsinghot.

"Salamat."

"Oy Monster, umiiyak ka ba?"

"Ha? H-hindi ah."

"Weh? Umiiyak ka eh. Bakit biglang nag-iba ang boses mo?" napangiti ako.

"Hindi nga sabi."

"Umiiyak ka eh. Oy, bakit ka umiiyak monster ha?"

"Ang kulit mo. Hindi nga sinabi, tss."

"Uy, ang dating gangster na suplado at mayabang marunong din palang umiyak hihi."

"Tss. Ibababa ko na to. Bye."

Toot! Toot! Toot!
Aba bastos ah? Di manlang hinintay yung sagot ko? Bahala ka diyan tse!

Pero paano kaya yung year end party namin bukas? Biglaan kasi eh. Saka paano kaya yun? Ayoko naman na may nakasunod sakin na Body Guard bukas.

Isip, kailangan kong mag-isip..

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon