C H A P T E R 11

2K 123 1
                                    

Mikaella's POV

Ang sama pa rin ng loob ko, dinadivert ko yung emotions ko sa pamamagitan ng pagkain tapos inagaw pa sakin nung bakla. Wala na, wala na yung pagkain, gutom pa rin ako eh huhuhu. Wala na din, hindi ko na madivert yung takot ko sa pagiging kalmado. Pagkain na nga lang yung nakakapag pa kalma sakin tapos inagaw niya pa.

"Hey." tawag niya sakin pero hindi ko siya pinansin.

"Come on Ella, pagkain lang yan. Kaya kong bilin ang lahat ng laman ng canteen sa Ospital para sa'yo. " natigilan ako. Buong canteen? Madaming-madaming pagkain? Pero hindi! Galit pa rin ako, hindi ko pa rin siya pinapansin.

Biglang bumukas ang pinto at nag-aalalang mukha ni Mama at Papa ang bumungad, karga ni Papa ang natutulog na si Mia.

"How are you hija?" agad na yumakap sakin si Mama.

"I'm okay now Ma. Bakit nag abala pa po kayo na pumunta dito? Paano na po ang team building niyo?" baling ko naman kay Papa.

Hiniga ni papa si Mia sa kama ko at hinarap si Kiel.

"Let's talk outside hijo." agad namang tumango si Kiel at sumunod kay Papa sa labas.

"What happened baby? Can you tell me about it?" tumango naman ako, nagpaalam si Samantha na susunod kay Manang sa labas. Tumango ako sa kanya at humarap ulit kay Mama, kinwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa resort kanina except dun sa pag ba back-out ko. Sinabi ko na lang na humiwalay ako sa mga kasama ko at napadpad sa hindi mataong parte ng resort.

Sobra ang pag-aalala ni Mama sa akin. Mangiyak ngiyak siya at buti na lang daw dumating si Kiel kundi baka tuluyan ng nagawa nung lalaki yung masamang pakay niya sakin. Kumalma din naman si Mama at nakipag kwentuhan kila Manang, pinuri din niya ang angking ganda ni Samantha.

Samantalang ako hindi mapakali sa pwesto ko dahil nagaalala ako kung bakit ang tagal ng pag-uusap ni Papa at Kiel, kung bakit kailangan na siya pa ang kausapin samantalang ako dapat dahil ako yung nandun, ako yung naka experience.

"Ma, si Papa po? Galit ba siya kay Kiel? Wala po siyang kasalanan, ako po talaga yung makulit na humiwalay sa kanila kaya ako napahamak."

"No hija, hindi galit ang Papa mo, they're just.. Maybe having a man to man talk?"

"I'm worried Ma, can you call Papa?" bumuntong hininga si Mama.

"Okay." dinial niya ang number ni Papa.

"He's not answering his phone."

"Ang Daddy mo ba kamo? Aba'y magpupunta daw sila sa presinto." ani Manang sa amin.

"They should atleast tell me that they're going there. Makita ko manlang ang mukha ng taong gumawa ng masama sa anak namin." ani mama. Hinawakan ko naman ang kamay niya para pakalmahin siya.

"Ayos naman na ako Ma, saka dinurog na daw ni Kiel ang pagmumukha nung lalaki."

"We should thank Kiel. Paano ba tayo makakapag pasalamat sa kanya anak? Niligtas ka niya sa tao na yun, kung hindi siya dumating baka mas napahamak ka na talaga."

"I don't know Ma, maybe invite them sa bahay? Kayo po ang bahala." sabi ko kay Mama. Napangiti naman si Mama sa sinabi ko. Mukhang may naisip na itong ideya.

Inasikaso na ni Mama ang Hospital bill ko at nakahanda na ang lahat para sa pag-alis namin. Pero wala pa din sila Papa at Kiel. Nauna na sila Manang at Samantha sa resort.

Saktong nakapagbihis na ako ng damit ng pumasok si Papa pero siya lang mag-isa.

"Anong nangyari? Bakit hindi mo ako sinama sa presinto?" bungad ni Mama sa kakapasok lang na si Papa.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon