C H A P T E R 39

1.3K 87 2
                                    

Michael Corpuz

"Do we really need to do this, love?" seryoso at diretso ang tingin sa mata ko na tanong ni Joice.

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya. "Yes, WE really need to do this. I'm sorry love kung nadadamay ka sa mga nangyayari."

"Are you.. are you breaking up with me?" nabasag ang boses niya ng sabihin iyon. Kung ilang beses akong lumunok, nagbabakasakaling sa pamamagitan niyon ay mawala ang paninikip ng lalamunan ko dulot ng nagbabadyang emosyon.

"Of-of course not, love. I am just..." huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. "I'm just asking for time."

"Gaano katagal ba ang kailangan mo Michael?" puno ng sama ng loob na tanong niya sakin.

"Hanggang sa maayos ang gusot sa Pamilya namin. I can't afford to see you in danger again because of me."

"What do you want me to do, then?" tears fell on her cheeks.

"Go to your parents in Canada. Sa kanila ka muna."

"But Michael, alam mong narito ang buhay ko, mas masaya ako dito sa Pilipinas."

"Please understand love, ayokong mapahamak ka. Kaunting panahon lang ang hinihingi ko para maging ligtas ka."

"Ilang taon Michael? Isa? Dalawa? Tatlo o higit pa? Gaano katagal? Maraming pwedeng mangyari sa ganun kahabang panahon!"

"Bibisitahin naman kita kapag may chance, pwede rin tayong mag video call araw-araw."

"Tinataboy mo na talaga ako? Pwede bang magtiwala ka na lang sakin Michael? Kaya ko naman ang sarili ko, eh."

"Magulo na dito Joice. Gusto mo ba na maulit yung nangyari sa'yo nung isang araw? Mag-isa ka lang sa bahay mo."

"I'm just gonna leave here, then." bumuka ang bibig ko sa sinabi niya.

"You're kidding right?" nameke ako ng tawa.

"No. I'm serious." seryoso ngang aniya.

Ilang minuto yata akong nakatanga lang at inisip ang nais mangyari ni Joice. Hanggang sa mabuo ang isang desisyon na hindi ko alam kung tama ba o hindi pero isa lang ang alam ko. Sasaya siya.. Sasaya si Joice.. Sasaya ang babaeng mahal ko.

"Fine. You'll stay here. I'll talk to Papa." maya-maya ay muling hinarap ko ang naghihintay sa sagot ko na dalaga.

She's about to answer when we heard a voice. Mama's voice upstairs.

"Mika!"
"Anong nangyayari sa'yo anak?! "
"Anong masakit sa'yo?!"
"Mika!"

Nagkatinginan kami ni Joice bago sabay na nagmamadaling tumakbo papunta sa naghihisteryong si Mama. Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang umiiyak na si Mama habang nasa hita niya at mga braso ang tila natutulog na si Mikaella.

"Ipahanda mo ang sasakyan Michael! No! I mean carry your sister!" sigaw ni mama sakin. Hindi ko man alam ang nangyari ay halos mataranta ako sa pagkarga kay Mikaella at sa pagtakbo pababa. Nakasunod sa amin si mama at si Joice. Paglabas ay agad kaming nakita ni Zachareus.

"What happened to her?" agad ay tanong nito sa amin ngunit agad rin naman na hinanda ang sasakyan. Walang sumagot maski isa sa amin ngunit sa nakarehistrong pag-aalala at pangamba sa mga mukha namin ay nakuha na agad ni Zachareus na kailangang dalhin ni Mikaella sa Ospital. Mabilis na binukas ng guards ang gate at pinaharurot naman ni Zach ang sasakyan niya.

Habang nasa daan papunta sa Ospital ay umiiyak na tinawagan ni Mama si Papa. Hindi ko alam kung anong nangyari pero base sa kwento ni Mama ay bigla na lang itong namilipit sa sakit habang hawak ang ulo hanggang sa tuluyan nang mawalan ng malay-tao. Takot na takot si mama dahil ngayon lang nangyari ang ganito, wala pa kahit na sino sa Pamilya namin ang nasaksihan namin sa ganitong sitwasyon. Siya pa lang.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon