C H A P T E R 30

1.4K 97 2
                                    

Warning: not edited. Sorry sa typo o wrong grammar. ❤️

"Mika sino yun?" usisa ni Katrina sa akin.

"Sino?" maang na tanong ko.

"Yung lalaking dumating at gustong magtakas sa atin."

"Ah si Zan." sagot ko.

"Paano kayo nagkakilala?" tanong ni Jomz.

"Ilang beses na niya akong niligtas." yun lang ang nasagot ko.

"Do you trust him?" seryosong tanong ni Jomz.

Tumango ako. "Why not? Sa tuwing manganganib ang buhay ko ay bigla siyang dumarating para iligtas ako. Para siyang si Superman." nakangiting sagot ko, sandaling nakalimutan ang kinakaharap na problema ng maalala ang ilang beses na pagliligtas sa akin ng lalaki.

"Pero kasama siya ng mga dumukot sa atin." ani Rafael.

"At kung hindi ako nagkakamali, tatay niya yung big boss na mukhang leader nila." ani Leah.

Tumango ako. "Oo kasama niya sila pero iba siya, hindi siya masamang tao. Against siya sa lahat ng ginagawa ng tatay niya."

"Then bakit kinukunsinti niya pa?" si April.

"Binablock-mail siya."

"Naniwala ka naman girl? What if may bad motive pala si papa Zan?" ani Seph.

"Seph magtino ka nga! Nanganganib na ang buhay natin nagagawa mo pang magbiro!" suway ni Loree sa katabi.

"Basta naniniwala ako sa kanya." sagot ko.

Nanahimik na sila at nagsisandal sa pader. Tumabi sa akin si Jomz. "Nakakangawit itong ginawa nilang pagkakatali sa atin." sabi ko.

"Ang lamok naman dito!" reklamo ni Leah.

"Sorry nadamay pa kayo."

"Mika napag usapan na natin to di ba?" nagbabanta ang boses ni Katrina.

"Pero Kat, paano kung saktan din nila kayo?"

"Hindi nila kami sasaktan, tayo, kung susunod tayo sa mga gusto nila hindi tayo masasaktan." ani Katrina.

"Paano kung may gawin silang hindi maganda? O may ipagawa sila na hindi natin kaya? Nakita niyo ba kanina kung paano nila manyakin si Mika?" ani Rafael.

"I'm so scared." humihikbing ani Megan. Sa aming lahat siya yung ga-balde na yata ang iniluha. She's very soft. A cry baby.

"Lahat tayo natatakot." ani Loree.

"Ikaw Mika? Natatakot ka rin ba?" inosenteng tanong ni Megan.

"Ako? Mm. Oo naman, pero pinipilit ko yung sarili ko na maging matapang."

"Kaya pala nakakatakot ang itsura mo kanina."

Kumunot ang noo ko at tinignan sila isa-isa. "Paanong nakakatakot?" tanong ko.

"Yung expression ng mukha mo. Cold, blank, yet dangerous." ani Megan.

"Paano mo nasabi?"

"I agree." singit ni Leah.

"Ngayon lang kita nakitang ganun Mika." sabi naman ni Raf.

"Hindi ko alam, basta pinipilit ko lang na itago yung takot ko kanina." sagot ko.

"Kilala ka nila, at ang buong Pamilya niyo." nakatulala at seryosong ani Jomz.

"Mukha nga. The way he talk kanina. Mukhang matagal ka na niyang kilala." ani April.

"Pagkarinig ko pa lang ng boses niya kanina nanginig na ako sa takot. Parang. . parang narinig ko na yung boses niya dati."

"Wala ka ba talagang maalala six years ago?" tumingin si Jomz sa mata ko.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon