P R O L O G U E

12.8K 234 23
                                    

"Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it does not proud. It does not dishonor others, it does not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. LOVE never fails. . .

1 Corinthians 13:4-8

For you, what is LOVE?
.
.
.
.
.

What will happen if a girl fell in love with a gangster?

In your life, have you experience to fall in love with someone unexpectedly? What did you do?

Do you know what's the feeling of being in a toxic relationship?

What is your biggest hard break ever?

Ako nga pala si Mika, 14 years old, simpleng highschool student. Hindi ako maganda 'tulad ng iba, hindi rin head-turner tulad ng mga bida sa mga binabasa niyong kuwento o pinapanood na drama sa telebisyon.

Pero 'yong istorya ng buhay ko ay parang teleserye sa isang TV show. Ako ang bida at sila naman ang mga kontrabida sa buhay ko.

Hindi ko alam kung pinanganak ba akong may invisible na balat sa puwetan o talagang paborito lang akong sundan ng malas.

Kasi kahit lumalayo na ako o umiiwas, 'yong trouble laging nakasunod!

'Tulad ngayon. .

Takbo, Mika, takbo! Cheer ng utak ko sa akin. Paano ba naman ay hinahabol ako ng aso!

Ang suwerte ko 'di ba? Para na 'kong nakasali sa marathon nito! Hingal na hingal na 'ko pero takbo pa rin ako ng takbo. Nang makarating sa gate ng bahay ay agad akong pumasok at isinara ang gate.

Suwerte pa rin pala ako kasi nakabukas 'yonggate namin.

"Oh, Anak, bakit parang hingal na hingal ka?" nagtatakang tanong ni Mama.

"Kasi po (hinga) hinabol po (hinga) ako ng aso (hinga)," hinihingal na sagot ko kay Mama habang nakayuko ako at nakatukod ang dalawang kamay sa tuhod ko.

"Ano? na naman? Lagi ka na lang hinahabol ng aso ah! Sinabi na kasing huwag kang tatakbo! blah blah blah..." sermon ni mama sa akin, hindi ko na naintindihan 'yong iba kasi pumunta na si Mama sa kusina dahil nagluluto siya, pero tuloy pa rin ang pagsesermon niya. Ganyan lang talaga 'yan si Mama, mahilig lang talaga siya manermon kahit hindi naman siya Pari! Hahaha joke.. ganyan lang talaga si Mama pero mabait 'yan, mabunganga lang talaga kung minsan.

Pagtingin ko naman sa Kuya ko, iyon, tumatawa ng walang tunog! Lakas talaga mang-asar nitong kuya ko, hmp!

"'Yan kasi! Ang lakas lakas mong kumain pero pisngi lang ang tumataba sa 'yo! Pati tuloy aso napagkakamalan kang buto!” tumawa siya, “may manghahabol nga sa 'yo, ang problema ay aso!" pang-a-alaska pa sa 'kin ng kuya ko.

Sinimangutan ko siya at padabog na sumalampak sa sofa namin, nangalumbaba habang kunot na kunot ang noo at nanghahaba ang nguso.

Hay, buhay! hinabol na nga ako ng aso, napagalitan pa 'ko! Ang swerte ko talaga huhu! Tapos itong kuya ko na magaling mang-asar na sa sobrang galing ay sirang-sira na ang araw ko!

Galing kasi ako sa computer shop namin. At kung hindi lang nakipag-date 'tong kuya kong magaling ay siya sana ang bantay ro'n!

Takot kasi ako sa aso kaya naman nag-pa-panic ako sa tuwing may makikita akong asong gala sa daan. Paano ba naman ay nakagat ako ng alaga naming tuta noong bata pa lang ako. Kaya simula no'n ay natakot na 'ko at hindi na rin kami nag-alaga pa ng aso o maski tuta kailanman.

Pero mahilig ako sa pusa kaya meron kaming alagang siamese. Ang pangalan niya ay Clingy. Malambing na pusa kasi siya at mahilig makipaglaro sa amin.

"FALLING IN LOVE WITH A GANGSTER " by Martina Writes

This novel is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person(s) living or dead, or actual events is purely coincidental.

Please do not copy, print, redistribute, reproduced or translate this story for your personal use and ownership.

Reproduction and distribution of this story without the permission of the author is prohibited.

Plagiarism is a crime and punishable by law.

Copyright© 2020 by Martina Writes
All rights reserved.


This story was,

Started: May 15, 2020
Ended: August 28, 2021

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon