C H A P T E R 6

2.4K 148 12
                                    

Magaan ang pakiramdam na bumangon ako sa pagkakahiga sa malambot kong kama. Nag-inat pa ko at naghikab bago naglakad papunta sa salamin ko na nasa bandang gilid ng kwarto.
Pinagmasdan ko ang sarili ko, ngumiti ng todo.

Goodmorning selfff! Teka bakit sobrang saya ko yata ngayon?? Anong meron? SEMBREAK NA KASI NAMIN! YEYYYY!

Ngayon na lang ulit ako gumising ng tanghali na at para sakin ay ang sarap nun sa pakiramdam. Susulitin ko ang sembreak na to para magrelax HEHEHEZZZZ

Napatigil ako ng makita kong parang namumula ang sarili ko. Nilapit ko pa lalo yung mukha ko sa salamin tapos sinampal sampal ko yung pisngi ko ng mahina.

Una sobrang gaan ng pakiramdam ko, pangalawa nagbablush ako, tapos ngayon naiisip ko yung nangyari kahapon.

Erase! Erase! Erase! Ano ba tong pinag-iiisip ko?? At bakit bigla bigla pumasok siya sa utak ko? Hmp yung Mr. Gangster na yun!

Nagmamartsang bumaba na lang ako ng hagdan para tignan kung anong almusal.

"Oh gising na pala ang prinsesa." Halata sa boses ni kuya ang pangiinis. Inirapan ko lang siya at nagtuloy na sa kitchen. Gutom na ko para makipag asaran sa kanya.

Nagtimpla ko ng milo tapos nag almusal na. May plano na kasi akong gawin para sa isang buong linggo kaya dapat lahat yun ay magawa ko.

Pagkatapos ay kinuha ko na si Clingy igagala ko siya sa park ng village. Ilang buwan na nga ba ang nakalipas mula ng huli ko siyang iginala?

"Ma igagala ko lang po si Clingy sa park ha?!" Pasigaw na sabi ko, hindi ko kasi alam kung nasaan si mama kaya sumigaw na lang ako.

"Anong ma igagala mo lang si Clingy? Eh wala naman sila mama umalis na." Tapos kinaltukan ako ni kuya ng mahina sa ulo.

"Huh? Umano sila?" Nagtataka kong tanong kay kuya.

"May team building at seminars sa Company nila papa at pwedeng magsama ng Family kaso dalawa lang ang pwede. Hindi ba nila sinabi sayo?"

"Kung sinabi nila sakin magtatanong ba ko??" Nakasimangot na sagot ko kay kuya.

"Gaano daw sila katagal dun at saan daw yun?" Tanong ko ulit sa kuya ko na halatang pinagtatawanan na ko dahil sa itsura niya.

"Two weeks daw yata sila dun, sa Palawan yata sila ng one week tapos pagkatapos nun sa Cebu." Sagot ni kuya sa tanong ko na parang iniinggit ako.

"Hayssss ang duga naman! Buti pa si bunso mag-aapat na taon pa lang kung saan saan na nakapunta samantalang ako dito lang sa Manila hindi ko pa nalilibot ng buo!" Nakasimangot na sabi ko.

"Kaya ako maglalakwatsa ko para fair." Sabi ni kuya with evil grin.

"Hayssss!" Nagdadabog na lumabas na lang ako ng bahay habang karga si Clingy.

Habang naglalakad sa daan ay nakasimangot ako at bubulong bulong.

Sigurado kaya hindi sinabi sakin nila mama dahil alam nila na magpupumilit akong sumama T.T napaka unfair huhuhu T.T lakad lang ako ng lakad hanggang sa dalin ako ng mga paa ko sa tapat ng bahay nila Kiel. Papasok ba ko o hindi?
Hayss wag na nga lang! Ayoko makita yung kumag na yun. Weh??? Ayaw mo ba talaga? Tanong ng isang parte ng isip ko.

"Ate Mika!" Maglalakad na sana ko pabalik ng bigla akong tawagin ni Kyla. Nakita niya pala ako.

"Ahmm hi Kyla, umaano ka sa labas?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa garden po ako nang bigla kitang makita kaya nagmamadali po akong lumabas para tawagin ka. Wow ang cute ng pusa! Ano pong name niya?" May kislap sa mga matang tanong ng batang si Kyla.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon