C H A P T E R 7 4

979 78 3
                                    

Warning: SPG (theme, violence, language, sexual.)

PS: Misael po talaga yun, nagback read kasi ako sa mga dating Chapters and nakita ko yung mga typos, wrong grammars lalo na yung mga mali sa pangalan, di ko kasi napapansin bago ko ipublish. And yun nga may mga chapter na Mishael ang nakalagay. So yun Misael talaga yun.

Ilang oras matapos naming kumain ay biglang bumukas ang pintong bakal at pumasok na naman si Misael. Kasama na naman niya ang ilan sa mga tauhan niya.

"Siguro naman ngayon ay pipirma ka na 'Mama'?" sarkastiko ang tono niya nang sabihin ang huling salita.

"Alam ko kung gaano ka katuso Misael. Papatayin mo din naman kami kahit pirmahan ko yan, hindi ba?." matapang na sagot ni lola dahilan para matawa si Misael, iyong tawa na may kahalong inis, sarkasmo at nakakakilabot ang dating.

"Matalino ka pa rin Donya Esmeralda. Hindi na ako magtataka kung bakit namatay ang Don samantalang ikaw ay nakaligtas sa pagsabog na iyon." nang-uuyam na sabi ni Misael.

"Huwag mong isisi sa akin ang kahayupang ginawa mo Misael. Pinalad lang na nakaligtas ako ng pasabugin mo ang paboritong yate ng asawa ko!" sigaw ni lola sa kabila ng katandaan.

"Napakarami mong sinasabi tanda. Pumirma ka na lang!"

"Hindi ko magagawa ang gusto mo dahil hindi na sa akin nakapangalan ang mga ari-arian ng asawa ko! Baka nakakalimutan mo na patay na ako sa pagkakaalam ng mga tao? Kahit pirmahan ko yan ay walang saysay!"

"Huwag mo kong linlangin Donya Esmeralda. Alam na alam kong sa'yo pa rin nakapangalan ang mga pag-aari ng asawa mo dahil wala namang nahanap na bangkay mo nang pasabugin ko ang paboritong yate ni Don Manuel sa mismong anibersaryo ng kasal ninyo!"

"Hindi lahat ay nakapangalan sa akin dahil maraming bagong negosyo ang mga Saavedra sa pagsisikap ng mga anak ko." pinakadiinan ni lola ang salitang anak.

Kumuyom ang kamao ni Misael habang nagtatagis ang bagang. Ilang beses itong humugot ng hininga.

Ang gusto naman YATA kasi niya ay makuha lahat ng mga ari-arian at kabuhayan namin gayong si Papa ang nagpasimula ng mga bagong negosyo katulad ng mga hotel, hindi nga naman malilipat sa pangalan niya iyon sa pamamagitan ng pirma ni lola dahil hindi naman nakapangalan sa kanya lahat.

"Pumirma ka na habang nakakapag-isip pa ako ng matino." nagpipigil ng inis na utos ni Misael.

"Mamamatay ako ng hindi yan napipirmahan Misael. Para saan pa kung pumirma ako diyan? Magkakaroon ka lang ng alas para tumakas oras na patayin mo na kaming lahat dito!" sigaw ni lola.

"Mamili ka Donya Esmeralda, pipirma ka o papatayin ko ang paborito mong apo?!" hinablot ako sa braso ng isang tauhan at pilit na pinatayo. Tinignan ko siya ng masama dahilan para mas diinan niya ang hawak sa braso kong halos mamaga na sa dami ng sugat at pasa.

"Huwag kang pipirma lola." mariin na sabi ko habang matalim ang tingin kay Misael na sinalubong naman niya ng mas masamang tingin pero wala na lang iyon sa akin, hindi na ako natatakot.

"Huwag ninyo akong galitin kung ayaw niyong masaktan na naman." nagpakawala siya ng nakakalokong tawa. Parang tuwang-tuwa pa siya kahit naiinis na, para siyang baliw.

"O baka may mas maganda pang gawin sa apo mo bago ko patayin?" makahulugang tanong niya kay lola pagkatapos ay pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Kinilabutan ako sa paraan ng pagtingin niya at pagngisi.

"A-anong balak mong gawin?!" tanong ko sa kanya. Sa gulat ko ay dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang pinagmamasdan pa rin ang katawan ko. Hindi ko na maintindihan ang mga sigaw ng mga kasamahan ko dahil sa takot na biglang lumukob sa dibdib ko.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon