C H A P T E R 37

1.3K 97 5
                                    

Kiel Dominic Fuentabella

Papunta ako sa meeting place ng mag-ring ang phone ko.

Nagdadalawang isip na sinagot ko ang tawag ni Ninang Samantha. Ano na naman kayang ipapagawa nito sakin? Mula ng umuwi sila dito sa Pilipinas ay ang weird na ng kilos nilang mag-ina. Parang meron silang secret agenda. She even set up a date for me and her daughter Sabrina. The heck is that?

Hindi ako pumapatos ng mas matanda sa akin. Mas gusto ko iyong ka-edad ko lang o mas bata sa akin. Isa pa ay kuntento na ako at masaya kay Ella.

This past few days ay naging abala ang organisasyon sa mga Activity dulot ng Holiday Season. Naroong nagpakain kami at nagbigay ng regalo sa mga bata. We even volunteered to a medical mission.

Ngayong alam na ng kalaban na hindi ako umalis sa pwesto ko ay nagsimula na naman silang kumilos.

Ilang beses akong may natanggap na picture ko with Ella na may nakalagay na 'enjoy every moments with her' o 'Both of you will die soon. Pero mauuna ang babae mo.'

Good thing is may body guard si Ella kaya hindi ako masyadong nag-aalala sa safety niya, isa pa hindi siya nakakalabas ngayon. Ang kinakatakot ko ay pag nagpasukan na ulit.

"Hello Ninang."

"Hi Nic! Can you do me a favor?"

I knew it. Tumikhim ako bago nagsalita. "What's that Ninang?"

"Can you fetch Sabby in her friend's house? Doon kasi siya nakatulog kagabi kaya hindi nakauwi. The problem is takot siyang mag commute. You know naman inaanak hindi siya sanay."

"Give me her friend's address ninang."

"Okay, I'll send you a message. Thank you Nic. We awe you a lot."

Yeah, and I'm gonna hire a private investigator to check on you.

"No problem Ninang." I then ended the call.

---

Madali ko naman nahanap ang sinend na address ni Ninang Samantha, naghihintay na si Sabrina sa labas.

Hindi ko na siya pinagbukas ng pinto. Padabog na sumakay naman siya.

"You can be gentle sometimes Nic, you know. Open your car's door for me."

Hindi ko siya pinansin, hindi rin ako kumibo. Nagdrive lang ako ng mabilis.

"Nic kumain muna tayo ng breakfast please? I'm hella hungry. I didn't eaten yet since last night." maarteng aniya, as if naman maniniwala ako at may pake ako sa mga sinasabi niya.

Kung sana lang ay siya pa rin yung dating Ate Sabby na tinatawag at nakilala ko, yung nag-aalaga sa amin dati ni Kyla kapag wala si Manang Lita siguro ay maayos ang pakikitungo ko sa kanila but no, they're really acting weird. Pansin ko din na panay ang dikit ni Ninang Samantha kay Daddy.

Kahit naman ganoon si Mommy parang ayoko siyang magkaroon ng kapalit.

"Hey Nic! Are you even listening? I said let's eat first bago mo ako ihatid sa amin."

Bigla kong hininto sa parking lot ng mall yung kotse ko at bumaba, hindi na ako nag-abalang pagbuksan siya ng pinto at hintayin. Naramdaman ko din naman agad ang pagsunod niya sakin. Maging ang nakasunod na mata ay ramdam ko rin.

Lakas talagang makasira ng araw ng babaeng maarte na ito, eh! Ang mas nakakainis pa ay yung pagdikit dikit niya sa akin tulad ngayon. Papasok na ako ng Bonchon, a branch of korean Resto na binili ni Daddy ang prangkisa. I mean franchised lang dahil hindi naman sa amin lahat ng Bonchon, nag-iisa lang ito. Feeling ko nga kaya nag-franchised si Dad nito dahil kay Mommy eh, mahilig sa korean food si Mommy.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon