C H A P T E R 4

2.7K 159 13
                                    

Nanlaki ang mga mata ko at feeling ko kasing pula na ng mansanas ang mukha ko sa sobrang hiya nang iabot niya sa akin ang isang pack ng napkin.

Of all people, bakit siya pa?

Ahmm.. Salamat, Mr. President, ibabalik ko na lang itong jacket mo 'pag nalabhan na." nakayuko lang ako habang sinasabi ko 'yon sa kanya.

Hindi ako makatingin sa kanya sa sobrang hiya ko. Aissh, Mika, engot ka talaga! Pinukpok-pukpok ko pa ang ulo ko sa sobrang inis ko.

It's okay, 'wag kang mahiya sa'kin. Just be careful next time. By the way, don't call me Mr. President, masyadong pormal, eh. Kenneth na lang tutal isang taon lang naman ang tanda ko sa'yo,” nakangiting sabi sa akin ni Mr. President ay este, ni Kenneth. Kinikilig ako sa sinabi niya. Haaaay! ang guwapo niya talaga tapos ang bait-bait pa!

Nagnod lang ako tapos ni-pat niya 'yong ulo ko.

Sige na, ayusin mo na sarili mo. May gagawin pa kasi ako. Mauna na ko,nakangiti pa rin siya habang sinasabi niya 'yon tapos umalis na siya.

Para 'kong tangang ngiting-ngiti at todo kilig. Niyakap at inamoy-amoy ko pa ang jacket niya.

Napabuntong-hininga na lang ako nang makita ko na ang sasama ng tingin sa akin ng mga babae.

'Di ba siya si Mikaella? 'Yong nasa class A, balita ko siya raw ang top 1 doon. May tinatago palang landi yan, kala ko mahinhin!

Hindi naman siya kagandahan, bakit pinansin siya ni Kenneth?!

OMG! Bagay silang dalawa! Parehong matalino, cute naman 'yong babae kahit papa'no.

Ah, basta, mas maganda pa rin ako!

Nagmadali na lang ako sa paglalakad bago pa may manabunot sa akin. Mga student talaga rito, kung makaguwardiya sa Kenneth ko ay wagas!

Napangiti na lang ulit ako nang maalala ang nangyari.

———

Mika, sa'yo ba 'tong jacket na 'to? Saan galing 'to, bakit nasa laundry basket mo?" sunod-sunod na tanong ni Mama sa akin.

Ah, e-eh, hindi po sa'kin iyan, 'ma. Kay Kenneth po 'yan,kinakabahan kong sagot kay Mama. Paniguradong sermon na naman abot ko nito.

Oh, sinong Kennet 'yon? At bakit nasa iyo?" tanong pa rin ni Mama sa'kin habang hawak niya 'yong jacket.

Eh, kasi po pinahiram niya sakin, 'di ko po kasi alam na may period pala ako,mahina kong sagot kay Mama.

Ano? Ikaw talagang bata ka! Hindi ka talaga nag-iingat, dalaga ka na, Mika, hindi ka na bata! Blah.. blah.. blah.. noong ganyang edad ko.. blah.. blah.. blah...” kinurot-kurot pa ako ni Mama sa singit!

Maaaaa! Sabi mo nga hindi na po ako bata kaya 'wag mo na 'kong kurutin sa singit!" protesta ko sabay nagdadabog na umakyat sa kuwarto ko.

Aba't tong bata na ito marunong nang sumagot! Papa, kausapin mo 'yang anak mo, ha! Mukhang nababarkada! Blah.. blah.. blah...” narinig ko pang sabi ni Mama. Hayyss! Hanggang kelan ba 'ko sesermunan ni Mama? Sabi niya hindi na ako bata tapos sabay sabi na 'Itong bata na 'to, marunong nang sumagot'.

Isip bata nga ba 'ko? Burara? Hayyss... Alam ko naman na nagpapakatotoo lang ako, eh.

Kung anu-ano lang iniisip ko, nag-eemote sa kuwarto. Panay ang nguso hanggang sa nakatulog na 'ko.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon