C H A P T E R 5 7

1.1K 76 6
                                    

"Ay nagwalk-out si ateng." ani Leah sabay tingin kay Seph.

Napayuko si Joseph sabay buntong hininga. Napatingin kaming lahat sa kanya ng bigla siyang tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ni April sa kanya.

"Susundan ko siya." sagot ni Joseph.

"Wag. Hayaan mo muna siya, matapos ka niyang bugbugin at away-awayin kanina ngayon ikaw pa manunuyo sa kanya? Just let her do what she want!" mataray na ani April.

"Baka nakokonsensya kasi inaway ka niya at nakalimutan na birthday mo." sabi naman ni Leah.

Napaupo na lang ulit si Seph pero halatang wala na samin ang atensiyon niya.

"Ano may napansin ba kayo sa kanila?" bulong ni Megan sa amin ni Cassey.

"Ako wala naman." sagot ko. "Bukod sa tingin ng tingin si Seph kanina kay Loree dahil baka nagaalala siya dahil war silang dalawa ay wala naman akong kakaibang napansin." dagdag ko pa.

"Wala din akong napansin eh, ano ba kasi yun Meg? Ikaw ang mas nakakasama nung dalawa kaya sabihin mo na kung anong napapansin mo sa kanila. Masyado kang pasuspense eh." ani Cassey sabay kagat sa pizzang hawak niya.

"Ah basta, baka guni-guni ko lang yun." tugon ni Megan at nagkibit balikat, hindi na rin naman kami nagusisa pa at nag-isip na lang ng paraan kung paano pagbabatiin yung dalawa.

KINABUKASAN ay maaga kaming pumasok nila Megan at Cassey para isagawa ang planong pagbatiin ang dalawa. Tinext na sila ni Cassey kagabi na pumasok ng maaga. Habang si Megan naman ang nagpadala ng group message sa iba pa naming classmates na medyo sakto sa oras pumasok dahil pagbabatiin namin si Loree at Seph.

Naunang dumating si Seph at ilang minuto lang ay natanaw na rin namin si Loree. Nagtanong pa nga si Seph kung anong meron at maaga siyang pinapasok pero hindi namin siya sinagot.

Pagkapasok ni Loree sa room ay nasa likod na kami ng pinto at nakasilip, nakita namin na nagulat si Loree ng makita niya si Seph, samantalang napatuwid naman sa pagkakaupo si Seph at napatayo, akmang lalabas na sana si Loree pero naunahan namin siya, naisara na namin ang pinto.

"Mag-usap kayong dalawa. Hindi namin bubuksan ang pinto hangga't hindi kayo nagkakausap." ani Cassey sa dalawa na ngayon ay hindi makatingin sa isa't-isa.

LOREE's PoV

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya, una nakalimutan ko kasi na birthday niya kahapon. Oo ako nga ang best friend niya pero ako pa talaga ang unang nakalimot ng mahalagang araw sa buhay niya. Ni isa sa mga kaklase namin ay walang nakaalala at panigurado na ganun din sa bahay nila Seph.

Pangalawa ay inaway ko siya kahapon, nagsimula yun nung umaga na hindi siya nagsasalita, kilalang maingay at masayahin kasi si Seph pero kahapon ay sobrang tahimik niya kaya nabadtrip ako sa kanya, yun pala ay may dahilan. Birthday pala niya at tuwing sumasapit ang petsa ng kapanganakan niyan ay talagang malungkot siya dahil sa mga personal na dahilan niya.

Seph was always by my side, madami akong pinagdaanan sa buhay at kung hindi dahil sa suporta niya ay baka hindi ko nakayanan ang mga iyon. Kahit na malambot pa siya sa akin ay tanggap ko siya bilang kaibigan, sa kanilang apat nila Mikaella, Megan,
Cassey at si Seph, siya ang pinaka close ko.

Ilag ako sa mga lalaki dahil sa ginawa ng Daddy ko samin. Dumating ang punto na hindi ko na kaya pang magtiwala sa iba lalo na sa mga kalalakihan pero biglang dumating din sa buhay ko si Seph. Noong una ay palagi ko siyang tinataboy, inaaway, sinusungitan dahil nakatatak na sa isip ko na lolokohin niya lang din ako.

Napahiya pa nga ako nun nung sinabi niya sakin na 'Gaga mo girl, di tayo talo 'no!' then I've realized na babae pa pala siya sa akin. Mula noon ay naging magkaibigan na kami, palagi siyang nakasuporta sa akin, palagi siya nasa tabi ko sa tuwing kailangan ko ng masasandalan. Dahil sa kanya nagagawa kong tumawa sa kabila ng mga pinagdaraanan namin ng Pamilya ko.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon