C H A P T E R 5 8

1.3K 87 23
                                    

Happy New year Everyone! At dahil diyan may update tayo ngayon, at may bonus pa dahil doble ang haba ng Chapter na ito sa normal na Chapter na inaupdate ko. Enjoy reading. . GODBLESS us 😍❤️

"W-Why h-h-he's here?" wala sa loob na tanong ko.

Kunot noong napatingin naman sa akin si Cassey.

"Who?"

"S-si..si.. Ka-kailangan ko n-ng u-malis d-d-dito C-cassey." Hindi ko maipaliwanag na takot ang bumabalot ngayon sa katawan ko. Parang nakalimutan ko bigla kung paano ang tamang paghinga.

"Mika are you okay? Calm down. Breathe..Inhale. .exhale. .inhale. .exhale. .look at me, good, now speak, what's the matter?" kalmadong aniya sa akin bagaman at mababakasan ng pag-aalala.

"Si Misael Saavedra..." hindi ko na maituloy ang gusto kong sabihin dahilnag-umpisa na namang manginig ang boses ko, parang may namumuong bagay na matalim sa lalamunan ko at nanginginig na din ang buong katawan ko.

Nanlaki naman ang mata ni Cassey at napatingin sa taong tinitignan ko na ngayon ay nagsasalita pa rin sa mini stage habang may hawak na mic.

"Oh my gosh. Siya ba yan? Anong ginagawa niya dito? I mean, hindi ko alam na kilala siya ng relatives namin Mika."

"Please call Kiel for me Cass." pabigat ng pabigat ang paghinga ko.

Parang unti-unti ay bumabalik sa akin lahat ng takot na naramdaman ko 6 years ago. .

Inalalayan ako ni Cassey na tumayo para lumabas ng hall, nakita ko na binukas niya ang pouch ko at kinuha doon ang phone ko.

"Dito muna tayo, mas safe kung hindi niyo makikita ang isa't-isa ng taong iyon." ani Cassey matapos naming pumasok sa isang kwarto na marahil inookupa ng isa sa pamilya nila.

Naalala kong sigurado na may mga tauhan naman ni papa sa labas pero ang ideya na kasama ko dito sa loob ng hotel ang tanong banta sa buhay at kayamanan ng pamilya namin ay nagbibigay sa akin ng matinding takot at kilabot.

Akala ko sapat na ang galit sa puso ko para magkaroon ako ng lakas ng loob at tapang na harapin ka Misael Saavedra. Akala ko sa muli nating pagkikita ay buong sidhi kong sisingilin sa iyo lahat ng mga kasamaang ginawa mo sa Pamilya ko! Hindi ko akalain na magdudulot sa akin ng ganitong takot ang makita ka pa lang mula sa malayo..

"Ayos ka lang ba Mika? Sorry dapat hindi na kita pinapunta dito. Kung alam ko lang na pupunta rin pala siya dito---"

"Wala kang kasalanan Cass. Hindi mo naman alam, natawagan mo na ba si Kiel?" tanong ko sa kanya.

"Oo, papunta na siya dito." aniya sabay abot ng bottled water sa akin. Tinanggap ko naman iyon at uminom para kahit papano ay kumalma ang kalooban ko.

"Nakita ko si Ate Sabrina sa washroom kanina." maya-maya ay sabi ko ng mahimasmasan.

Napatingin sa akin ng matiim si Cassey.

"Anong nangyari? May sinabi na naman ba siya sa'yo? Sinaktan ka ba niya?" nag-aalalang tanong niya.

Umiling-iling ako. "Hindi niya ako sinaktan pero may sinabi siya sakin."

"Anong sinabi niya sa'yo?"

"Mga bagay na hindi ko maintindihan pero nagdudulot sa akin ng matinding kaba."

"No wonder why you looked pale ng maabutan kitang nakatulala sa washroom kanina."

Kinwento ko sa kanya ang naging tagpo namin ni Ate Sabrina kanina. Lahat ng sinabi nito, bawat salita naman na sinasabi ko sa kanya ay pinakikinggan niya ng mabuti.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon