C H A P T E R 7 1

1.1K 77 8
                                    

Warning: SPG(Theme, language, tragedy).

"Saavedra's Kidnapped for ransom? "

February 20, 20xx when Donya Esmeralda Saavedra, mother of Saavedra Airlines, and her grand daughter Mikaella Saavedra went to a shopping and strangers got them.

Hinihinalang si Misael Saavedra ang master mind sa pagdukot sa kanila. Patung-patong na kaso na ang kinakaharap ng lalaki laban sa pamilyang dati ay kumupkop sa kanya.

Samantala, kasalukuyan na siyang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Para sa iba pang maiinit na balita---. "

Pinatay ko ang tv at muling tinungga ang bote ng alak na hawak ko.

It's been a week since then. Kung saan-saan na kami napadpad sa paghahanap pero wala manlang kami makuha kahit kaunting lead na magtuturo kung nasaan na ba sila.

"Tama na yan dude." inagaw ni Tyrone ang boteng hawak ko.

Hindi naman ako ganito pero dahil sa sunod-sunod na problema ay nagbago ako.

Halos araw-araw na akong umiinom. Punong-puno na ng bigat ang dibdib ko sa dami ng problema, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Si Kyla na nasa ospital o si Ella na ngayon ay hindi pa rin nahahanap.

Tinignan ko ng masama si Tyrone pero hindi ko na din binawi yung alak. Wala naman akong planong magpakalasing, nakakailang tungga pa lang naman ako doon at hindi pa rin naman ako masyadong sanay.

"Let's go." tumayo ako at agad naman silang sumunod sa akin, iniwan lahat ng ginagawa nila.

"Saan tayo pupunta, Kuya?" tanong ni Buboy na ngayon ay nasa tabi ko na.

"Makikipag basagan ng mukha." sagot ko dahilan para agad isara ni Carlo ang pinto ng office namin.

"Umayos ka nga, Nic. Lasing ka na ba agad, ha? Hindi pa nga gumagaling 'yang pasa mo sa mukha, away na naman ang gusto mo?" naiiritang tanong niya.

Bumuga ako ng hangin sabay upo ulit sa sofa. Sayang, nasa mood pa naman ako mambasag ng mukha ngayon pero alam ko na hindi ako papakawalan ng mga kapatid ko sa gang.

Nakita kong napapailing sila Carlo habang nagtatype sa laptop. Lumapit na lang ako sa ginagawa nila at tinignan kung may progress na ba. Nandito kami sa office ng WSG, halos dito na kami natutulog kakasubok na mahanap ang location nila Ella. Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng pagkakataon eh nung araw pa na iyon nakalimutang isuot ni Ella yung emergency watch na binigay ko, nahihirapan tuloy kami na hanapin sila ni Donya Esmeralda.

"Anong balita?" tanong ko kay Tyrone.

"Ginagawa na namin yung gusto mo na i-hacked yung system sa lahat ng establishments na may CCTV."

"Matagal-tagal pa 'to. Maraming kailangang ihack para malaman natin yung location."

"Once naman na makakuha tayo ng kahit isang footage alam na natin kung ano ang susunod nating ihahacked hanggang sa malaman natin kung saan sila huminto." ani Carlo, tumango naman si Tyrone sa kanya.

"Oh saan ka na naman pupunta?" tanong ni Carlo.

"Hospital." tipid na tugon ko.

Kailangan ko nang bumalik doon para palitan sa pagbabantay si Manang, panigurado ay pagod na iyon at nag-aalala ako na baka pati siya ay magkasakit.

Ako, halos hindi na natutulog sa sobrang pag-iisip.

"Call me when you have an update." sabi ko sa kanila, napatingin ako kay Buboy na ngayon ay nasa likod ko na. Tingin pa lang niya ay alam ko na kung anong binabalak niya. Napailing na lang ako sabay nagpatuloy sa paglalakad. Nakita ko ang tagumpay sa mga ngiti niya.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon