C H A P T E R 22

1.6K 118 7
                                    

"Bye Cass! Ingat sa flight niyo bukas." nagyakap ulit kaming dalawa na parang hindi na kami ulit magkikita samantalang after Holiday season ay uuwi din sila ng bansa at magkikita ulit kami pag balik ng klase.

"I'm gonna miss you Mika!"

"Mag video call na lang tayo. Modern na ang technology natin ngayon kaya madali na lang makita ang gusto nating makita thru social media."mahabang litanya ko.

"Tatawag ako palagi sa'yo. Bye Mika ingat sa pag-uwi!" aniya tapos sumakay na siya sa kotse, agad naman yung pinaandar ng driver nila.

Hindi na ako nagpahatid dahil magpapasundo na lang ako kay Kuya.

Habang naghihintay ng text ni Kuya ay naisipan ko muna na mag ikot-ikot sa mall hanggang sa mapadpad ako sa men's section.

Wala sa sariling pumasok ako doon. Hindi naman masama kung maghahanap hanap na ako ngayon ng pangregalo sa kanya para sa Christmas eh.

Nilibot ko yung paningin ko hanggang sa maagaw ang atensiyon ko sa istante ng mga pabango.

Napangiti ako ng makita yung gamit niyang pabango.

Versace Eros Cologne. Tinignan ko yung price and wow. 4,000 plus lang naman.

May naamoy na din ako dati na Bleu de Chanel sa kanya eh. Grabe ang mamahal pala ng mga pabango niya!

Baka magtaka sila mama kapag gumastos ako ng ganun kalaki gamit yung credit card ko na minsan ko lang gamitin.

Sa huli ay namili pa rin ako at pinabalot ko. Ibang pabango yung binili ko, yung hindi ko pa naaamoy sa kanya para naman bago sa pang-amoy saka para kasi akong naadik nung inamoy ko yung tester.

Isang simpleng makintab at plain na baby blue wrapper ang pinili ko para sa pambalot. Ayoko ng mga may Christmas design eh. Nagpadagdag din ako ng Royal blue na ribbon para sa itaas ng kahon. Hindi ko na pinalagyan ng card.

Nilagay ko yun sa Bag ko, tinignan ko yung phone ko at lumabas na ng mall.

From Kuya Monster :

On the way.

Hindi na ko nagreply. Ilang minuto na kong nakatayo sa harap ng mall ng may huminto na magandang kotse sa harap ko.

Binaba nung driver yung bintana nun at nagulat ako.

"Kiel?" bakit siya nandito? Saka bakit iba na naman yung kotse niya? Ilan ba ang sasakyan na meron siya? Ganoon talaga sila kayaman?

Sabagay kung tutuusin ay mayaman din kami pero parang tinatago nila Papa. Kung CEO si papa ng isang Airline Company. Ibig sabihin siya ang may-ari nun? Ibig sabihin may mga eroplano kami? Hayy ewan ko! Sasakit lang ang ulo ko kakahula.

"Hop in." boses ni Kiel ang nagpabalik sa naglalakbay kong isip.

Nagtataka man ay binuksan ko ang pinto ng kotse at mabilis na sumakay.

"Gagawin mo akong driver?" nagtatakang nilingon ko siya. At bumuka ang bibig ko ng marealize na sa back seat pala ako umupo. Agad akong bumaba at lumipat sa tabi ng driver's seat.

"S-sorry di ko napansin." kumunot naman ang noo niya at parang nagtatanong ang mata nung tumingin sakin.

"Are you okay?" tanong niya. Tumango naman ako.

"May naalala lang ako. Bakit pala ikaw ang nandito? Nasaan si kuya?"

"Hindi pa siya umuuwi sa inyo." malamig na aniya.

Napasimangot tuloy ako. Galit pa rin siya? "Sabi niya on the way na daw eh."

"On the way na, ako." sagot niya. Bumuntong hininga ako at hindi na kumibo pa. Sobrang lungkot ko kasi dahil ang cold niya.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon