C H A P T E R 10

2.1K 139 8
                                    

Kiel's POV

Where the hell are you Mikaella Corpuz? I am going crazy!

Ilang oras na kong naghahanap sa kanya pero hindi ko pa rin siya nakikita. Humingi na ko ng tulong sa security. Nag-aalala na rin sila Manang. Nahirapan pang huminga si Manang Edna kanina kaya hindi ko alam kung sino ang uunahin ko.

Maging ang kasama naming driver ay tumutulong na rin sa paghahanap.

Nandito na ko ngayon sa dulong parte ng resort. Kasama ko ang isang security.

"Mikaella!" paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone ko, kanina pa rin ako naghihintay na tumunog iyon at makatanggap ng tawag sa isa sa mga kasama namin para sabihin na nakita na nila si Ella. O kahit siya mismo ang tumawag pagkabalik niya sa kwarto.

Medyo madilim na sa nilalakaran namin, nahuhuli ang security guard na kasama ko dahil binubuksan niya lahat ng ilaw sa poste na madaanan namin.

"Ella!" minsan pa ay sigaw ko. Napatakbo ako ng may marinig akong boses ng babae. Pilit kong pinakinggan iyon kung saan nanggaling.

"Tulong!" Shit! Hindi ako nagkakamali, siya yon! Where are you Ella?

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Lagot din ako kila tito at tita.

"Bitawan mo sabi ako! Ughh!"

Dammit! Napamura na lang ako ng matanawan ko sa malayo ang hinahanap ko, nakahiga siya sa buhangin habang nakapaibabaw sa kanya ang isang lalaki. Sinampal siya niyon at sinikmuraan dahilan para mawalan siya ng malay. Napabilis pa lalo ang takbo ko.

Pagkalapit na pagkalapit ay sinipa ko agad sa mukha ang tarantadong lalaki. F*ck you ka g*ago manyak!!!Nawasak na rin nito ang pang itaas na damit ni Ella. I wonder kung ano na kayang nagawa niya.

Hahalikan na sana niya si Ella kanina bago ko siya masipa sa mukha. Bumaliktad ang lalaki pahiga sa buhanginan kaya walang awang pinagsisipa ko pa siya ulit sa mukha. Pinagsusuntok ko rin siya at kung saan-saan na lang siya tamaan, ang gusto ko lang ay lumpuhin siya o di kaya ay patayin. Hindi ko na alam kung anong kahihinatnan ng mga ginagawa ko. Ang alam ko lang ay sobrang galit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Sir tama na po yan! Awat sakin ng security guard at hinawakan ako sa magkabilang braso at nilagay iyon patalikod.

"Bitawan mo 'ko kailangang dalin sa clinic o ospital itong kasama ko!" nagpumiglas ako at pinakawalan naman ako ng security.

Agad kong nilapitan si Mikaella at kinarga bridal style.

"Tatawag po ako ng service. Wala pa pong available na nurse o doctor sa clinic namin eh Sir." hindi ko na siya pinansin at nag umpisa na kong maglakad. Ilang saglit lang ay sinalubong kami ng patrol, sumakay ako sa likod habang karga ko ang wala pa ring malay na si Ella.

Sinakay naman sa harap iyong manyakis na lalaki katabi niya yung security guard.

Agad kong tinawagan ang driver namin at sinabing abangan kami sa Entrance ng resort. Ayokong makasama sa loob ng kotse itong siraulong manyakis na ito.

Pagkadating sa entrada ay agad kong nilipat si Ella sa van at mabilis ang pagmamaneho ng driver papuntang ospital.

Pagkarating ay agad namang inasikaso doon si Ella kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Tinawagan ko na din sila Manang at sinabi ang nangyari, hindi ko na rin sila pinasunod dahil sa kalagayan ni Manang Edna na nanay ni Manang Lita.

Ilang minuto ang lumipas at naisipan kong tawagan ang parents ni Ella. They need to know what happened, alam ko na baka magalit sila sa akin pero karapatan nilang malaman ang nangyari.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon