C H A P T E R 2

4.5K 188 33
                                    

Yayyy! Vacation is over at first day of school na ngayon! Excited akong naghanda ng mga gamit ko. Nakaka-excite kasi syempre, bago lahat ng gamit. Pero mas nakaka-excite kasi makikita ko na ulit ang mga kaklase ko.

May transferee kaya?

Saan kaya 'yong room namin?

Sino kaya ang mga teacher? Sana mababait silang lahat!

Paulit-ulit iyan sa isip ko mula pa noong isang linggo.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa school namin, 'tong school namin ay sobrang laki kasi may nursery, grade school, high school at college. Hindi naman to Exclusive School pero isa ito sa mga magagandang Schools sa buong bansa dahil competitive ang mga estudyante at kilalang matatalino. Home of the Champions kung tawagin nila. Champion kasi palagi sa Basketball, Volleyball at iba pang sports itong school namin kaya nakakaproud na rito ako nag-aral mula nursery.

Ang negative lang dito ay maraming students na gangster, ewan ko ba kung bakit uso pa rin ang mga gang-gang ngayon.

Nahanap ko agad ang class room namin at pumasok sa loob, niyakap agad ako ng mga girl classmates ko nang makita nila 'ko. Pagkatapos ay daldalan na dito at daldalan doon. Maya-maya lang aydumating na rin si Cassey at kaagad na nakidaldal sa amin. Usual high school room, may mga kumakanta, may mga nag-iipitan ng buhok, may nagdadaldalan, may kumakain agad, and so on..

Natapos ang buong maghapon na puro introduce your self chuchu lang, may kj na teacher na naglesson agad. Pero so far, maganda naman ang araw ko.

Nakalipas nga ang isang linggo na okay naman, walang masyadong nangyari, gigising ako nang maaga para pumasok tapos uuwi nang hapon na. Minsan ay sa computer shop namin ang diretso ko para gumawa ng assignments.

Tulad ngayon, nandito ako, nag-You-Youtube habang nagreresearch ng assignment.

Maya maya ay nauhaw ako kaya kumuha ako ng softdrinks sa ref.

"Hoy, bayaran mo 'yan! Isusumbong kita kay Mama!" pananakot sa 'kin ng epal kong kuya. Haayy, naku! Paano kasing maghanap na lang 'to ng matinong trabaho para umupa na lang sila Papa nang magbabantay rito sa shop, eh! Masyado kasing epal itong kuya ko, panay akong iniinis!

Graduate na si Kuya ng Computer Engineering pero hindi pa siya nag-te-take ng Board Exam dahil pahinga muna raw siya. Araw-araw tuloy na ako ang libangan niya, hindi yata buo ang araw nito kapag hindi niya ako naaasar, eh!

Inirapan ko lang siya at padabog na bumalik sa pagkakaupo. Sinuot ko ang headphones ng computer kasi siguradong hindi titigil sa pambubuska itong letse kong kuya.

Hindi naman ako masyadong nagtagal sa shop at napagpasyahan kong umuwi na dahil gutom na ako.

Habang naglalakad ay nagdarasal ako na sana walang aso sa daan. Kabadong-kabado ako kasi takot talaga 'ko sa mga aso.

Dahan-dahan ang lakad ko dahil baka nga may biglang sumulpot na aso at habulin ako. Pero hindi aso ang biglang sumulpot kundi grupo ng mga kabataan na parang nagkakagulo. Sa sobrang taranta ko, pati ako ay nakitakbo!

Takbo ako nang takbo ng biglang may humatak sa akin sa gilid ng medyo madilim na kanto, sa sobrang lakas ng impak ay nataob kami pareho ng kung sinomang humatak sa akin.

Nasa ibabaw niya ako at parang sandaling tumigil ang mundo ko.

Gag* kayo! mula sa mga tumatakbong kabataan sa kalsada ay sumigaw ang isang lalaki. Sandali silang natahimik hanggang sa may mga nagsitakbuhan ulit. May mga namamato rin.

Isang iglap lang ay nakatayo na kami ng nilalang na humatak sa akin at tinakpan niya ang bibig ko. Nagpumiglas ako at nagtangkang sumigaw pero napakalakas niya.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon